Glaiza de Castro enjoys playing bad

IMAGE 0

"As an artist, parang naghahanap ka ng ibang bagay, ng ibang portal. So, ito ang napasukan ko ngayon. So, I'm very willing to do this as long as it's needed. Parang na-enjoy ko talaga siya," says Glaiza de Castro about portraying a contravida role.


Bagong Glaiza de Castro ang mapapanood ng mga tao sa Kung Aagawin Mo Na Ang Lahat Sa Akin, na magsisimula nang umere ngayong Lunes, June 22, sa Dramarama Sa Hapon ng GMA-7.

Sanay ang tao na napapanood si Glaiza na naaapi. But this time, siya naman ang mang-aapi sa gumaganap na magkapatid na sina Maxene Magalona at Jackie Rice.

"Sobrang saya ko kasi iba, e, iba 'to. Ibang role, ibang image, iba lahat. Parang na-welcome ko na yung sarili ko sa massive change talaga," sabi niya.

Saan na siya nag-e-enjoy ngayon, sa inaapi or nang-aapi?

"Parang na-feel ko ngayon ang nang-aapi!" natatawa niyang sabi. "Kasi, parang ang sarap lang talagang paglaruan ng character. Parang ang dami mong puwedeng gawin. So, ang sarap talaga. Ang dami mong puwedeng makita dun lang sa character na yun."

Palaban na siya sa character na ginagawa niya. In real life, palaban na rin ba siya?

"Depende, depende sa ipinaglalaban!" tawa niya. "Siguro it's time to change talaga. As an artist, parang naghahanap ka ng ibang bagay, ng ibang portal. So, ito ang napasukan ko ngayon. So, I'm very willing to do this as long as it's needed. Parang na-enjoy ko talaga siya."

Kung magustuhan siya ng mga tao sa kontrabida, okey lang ba sa kanyang ma-typecast?

"As long as gusto nila. Pero kahit na gumagawa ako ng ganito, meron pa rin akong ibang ginagawa na other side of me. Palaging ganoon, e. Kahit na inaapi ako, meron pa rin akong mga ibang ginagawa, like sa indie, na ibang bagay. Ayokong doon lang nila kong makita. Gusto ko, palaging iba."

PLAYING JACKIE LOU'S ROLE. Ayon kay Glaiza, nakakakuha siya ng suporta mula kay Jackie Lou Blanco, na gumaganap naman bilang ina niya sa Kung Aagawin Mo ang Lahat Sa Akin. Si Jackie Lou ang orihinal na gumanap sa role ni Glaiza sa original version nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Unang-unang day pa lang namin ng taping, sinabihan na niya ako na, 'Well, mabait naman si Gladys [her character's name]. Kaya lang siya brat, kasi pinalaki siyang brat siya.' So, ang laking tulong nung nalamaman mo, nape-penetrate mo yung role na 'yun. Parang nagkakaroon ng maraming outlet. So, nakakatulong talaga.

"Nandoon na siya, parang salamin na lang. Kailangan mo lang siyang gayahin. Kailangan mo lang obserbahan. Kailangan mo lang tingnan kung ano yung mali. Tanggalin mo ang mali at kailangan mong tingnan kung ano ang dagdag," saad ni Glaiza.

Na-pressure ba siya na mismong ang original na gumanap sa role niya noon ang gaganap na nanay niya sa soap ngayon?

"Hindi naman po," sagot ni Glaiza. "Pero na-pressure po ako noong malaman ko na kasama siya. Parang feeling ko, I'm being analyzed, I'm being observed. Pero noong nag-start kami, parang nawala naman yun noong kinausap ako ni Ms. Jackie Lou."

TEAM-UP WITH PATRICK. Magsisilbi ring pagpapatuloy ng tambalan nila ni Patrick Garcia ang Kung Aagawin Mo ang Lahat Sa Akin pagkatapos nilang gawin ang isang episode ng Dear Heart.

Pero ani Glaiza, "Actually with this, there's no established pairing, kasi parang mag-aagawan nga kami. Mag-iikot-ikot yung mga partner namin. Okey naman ngayon, okey naman ang working relationship naming lahat. Walang problema, walang pasaway, magaan yung trabaho."

Bumalik ba yung dating atensiyon ni Patrick sa kanya?

"Bumalik? Bakit, may nawala ba?" sabay tawa nito at sabihing nagbibiro lang siya.

"Wala naman, e. Kung ano ang meron dati, ganun pa rin. Tuluy-tuloy, pero hindi yung romantic talaga. Walang ganoon."

Ibig ba niyang sabihin na hindi talaga nanliligaw sa kanya si Patrick?

"Ayokong sabihin na nanliligaw... Hindi ko masabi, e. Pero hindi ligaw," paliwanag ng dalaga.

Mas nagiging sweet ba sa kanya si Patrick?

"Wala, walang gano'n," nakangiti niyang sagot. "Iba sa trabaho, e. Maraming mga matang nakatingin sa 'yo, puwedeng magsabi ng iba't ibang bagay na hindi naman totoo. So, parang kami, nagiging conscious lang sa ginagawa namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Public property kami, e. Kahit may ginawa kang isang bagay, puwede yun ma-misinterpret at puwedeng ma-sensationalize. So, parang ingat lang, steady lang lahat."

Puwede rin ba na parang naudlot dahil nasulat kung anuman yung possible sanang meron sa pagitan nila ni Patrick?

"Wala naman aniya. "Feeling ko, wala naman. Kung ano yung dati, okey kami as friends, e. Hanggang doon na lang muna yun."

Hindi ba niya type si Patrick?

"Hindi sa hindi type. Okey siya as a person. Masaya siyang kausap. Okey siyang kasama. Pero, when you think of romantic involvement, hindi sa ganoon ko nakikita yun, e. Parang iba. Siguro, wala sa tamang panahon, wala sa tamang oras."

Biro namin sa kanya, hindi pa nga siya nagkaka-boyfriend, wala pa rin sa tamang panahon?

"I've never been in love, pero worth it yung paghihintay. Yun ang malaking reward sa paghihintay. Yung masuklian ka nang bonggang-bonggang love na hindi mo ine-expect."

Boto raw sa kanya ang pamilya ni Patrick, especially Patrick's mom?

"Nakakatuwa naman kasi, hindi ko pa talaga na-meet ang parents niya. Pero, it's nice to know that despite the issue, cool lang din sila."

What about her parents, boto ba kay Patrick?

"Hindi naman sa boto, pero hindi kasi talaga sila nag-judge. Kahit na sabihin pa natin na may sinasabi yung iba sa taong ito, parang sa amin, kami yung aalam kung totoo ba ito o hindi," pagwawakas ni Glaiza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN