Talent manager Perry Lansigan denies that Wendell Ramos approached him to handle his career

IMAGE 0


There are talks that actor Wendell Ramos (in photo) has approached Perry Lansigan, manager of Dingdong Dantes and Geoff Eigenmann, to be his new manager after the death of Douglas Quijano. But the talent manager denied this when he was interviewed by PEP.


Sa biglaang pagkawala ng talent manager na si Douglas Quijano, naging malaking katanungan sa lahat kung sino na ang magma-manage sa napakarami niyang alaga, na karamihan ay well-established na ang showbiz career.

May kumakalat na balita na among the many talents of Tito Dougs, si Wendell Ramos daw ang unang nakakuha ng kapalit na manager. Ito raw ang usap-usapan sa pasiyam ni Tito Dougs noong Linggo ng gabi, June 21.

Ayon sa usap-usapan, nakaburol at pinaglalamayan pa lang daw si Tito Dougs ay may kinausap na raw na tao si Wendell para maging manager. Na taliwas sa usapan ng mga talents ni Tito Dougs, sa pangunguna nina Richard Gomez at Joey Marquez, na hangga't maaari ay sama-sama pa rin sila at isa lang din ang magma-manage sa kanila.

Ang lumitaw na pangalan ng sinasabing kinausap ni Wendell para mag-manage sa kanya ay si Perry Lansigan. Si Perry ang manager nina Dingdong Dantes, Geoff Eigenmann, Gabby Eigenmann, at Arthur Solinap.

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) si Perry upang kumpirmahin ang balitang ito.

"That's not true," ang mariing tanggi ni Perry.

Ayon sa talent manager, siya mismo ay nagugulat dahil since Sunday night, marami na raw ang nagte-text at nagtatanong sa kanya kung totoo nga ba ang balitang siya na ang bagong manager ni Wendell.

Iginiit ni Perry na wala silang naging pag-uusap ni Wendell tungkol sa pag-handle ng career ng aktor. Pero privilege daw para sa kanya kung totoo man na kinu-consider siya ni Wendell. Nangangahulugan lang daw ito na may tiwala ang aktor sa kakayahan niyang mag-manage.

Pero ayon kay Perry, ang mga ganoong bagay ay pinag-uusapan at pinagmi-mitingan nang maayos. May kasunduan din daw si Perry sa kanyang mga alaga na kahit sinong bago na posibleng maging "kapatid" nila ay dapat na ipinapaalam muna ito sa lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito raw ang patakarang sinunod ni Perry nang pumayag siyang mag-manage ng isang babaeng artista sa katauhan ni Angelika dela Cruz. Two weeks ago raw ito naganap at kinonsulta muna ng talent manager ang kanyang mga alaga bago siya pumayag na maging manager ni Angelika.

Sa palagay ni Perry ay walang magiging problema sa mga alaga niya kung sakali mang hawakan niya si Wendell. Bukod sa kilala naman daw niya ang aktor at mabait ito, malaking bagay rin na posibleng kagustuhan din daw ni Tito Dougs na hindi rin niya pababayaan ang isa sa mga alaga nito kung nangangailangan talaga ng tulong.

But again, ipinagdiinan nga at pinabulaanan ni Perry ang mga naglalabasan. Aniya, walang anumang transaksiyon o anumang pag-uusap para masabing Wendell is considering him to be his new manager, or siya na ang bagong manager nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN