Toni Gonzaga dismisses alleged renewed rift with Anne Curtis

IMAGE 0


For the nth time, actress-singer and host Toni Gonzaga assured both the press and public that everything's well between her and fellow ABS-CBN star, Anne Curtis. "Pero, personally, hindi kami nag-away, wala kaming naging conflict sa isa't isa," said Toni at the press conference-launching of I Move. I Give. I Love—a compilation album conceptualized by the Philippine Red Cross and Star Records.


Old news na para kay Toni Gonzaga ang diumano'y hidwaan sa pagitan nila ni Anne Curtis. Maging si Toni nga ay nagulat sa muling paglutang ng isyu na nag-ugat matapos niyang makalimutan banggitin ang pangalan ni Anne sa isang interview na ipinalabas kamakailan sa Entertainment Live!


"Huwag na nating bigyan ng kulay kung hindi man nabanggit dahil mabait naman si Anne, wala naman siyang ipinakita sa akin na masama and kahit noon naman siguro nagkaroon lang ng konting ilangan because of the issue going around and circling around us, 'yon lang.

"Pero, personally, hindi kami nag-away, wala kaming naging conflict sa isa't isa. Naging aloof lang kami because, 'yon nga, ginagawan kami ng issue, pero just to set things straight we are okay," paliwanag ni Toni matapos itong makausap ng entertainment reporters sa launching ng compilation album na I Move. I Give. I Love. na ginanap sa 9501 restaurant ng ABS-CBN sa Quezon City.

Parehong naiugnay dati sa aktor na si Sam Milby sina Toni at Anne, dahilan para gawan ng isyu ang dalawang ABS-CBN stars.

Maayos naman daw ang samahan at working relationship nila ni Anne, maging noong nagkasama sila sa primetime series na Maging Sino Ka Man. Kuwento ni Toni, "Even if you ask 'yong mga staff [of the soap], there was really nothing—we were talking, we were okay, we were talking about so many things."

May paliwanag naman ang dalaga kung bakit sa palagay niya ay malabo pang mamatay ang isyu at kung bakit lagi itong nauungkat every time na mababanggit ang mga pangalan nilang tatlo.

"Siguro hindi na matatapos 'yong saga na 'yon na naging love triangle [kami] for a time," direktang pahayag ng actress-singer at host.

"Maybe because of the fans who really support us. Siyempre, may fans din sila, may fans din kami na protective sa kanya-kanyang love team and I respect them for that. I have high respect sa mga fans kasi unang-una malaki ang utang na loob namin sa kanila dahil sila ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga love team, ng proyekto ang isang tandem so niri-respeto ko kung ano man ang pakiramdam and feelings ng mga fans. May mga fans din naman ako na alam ko naman na nandiyan at sumusuporta sa akin," pagtatapos ni Toni.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN