Kris Bernal gives "special friend" Aljur Abrenica breathtaking kiss

IMAGE 0


"Ewan ko nga. Ni-rehearse namin kanina. Ganoon lang, smack. Magki-kiss kayo d'yan, ganoon lang. Ewan ko nga kanina kung ano ang nangyari. Hindi ko na maalala!" says Kris Bernal about her kiss with leading man Aljur Abrenica (inset) during the presscon of All My Life.


Nagmistulang wedding reception ang ginanap na press conference ng All My Life sa Studio 5 ng GMA Network kagabi, June 23.

Naging very emotional din ulit ang female lead na si Kris Bernal habang lumalakad sa red carpet at nakaakbay sa ka-loveteam niyang si Aljur Abrenica. Hindi halos mapatid ang luha ng young actress, hanggang magpalitan sila ng kanilang vows at mag-kiss ng napakatagal sa harapan ng cast, staff, at press people.

Pagkatapos ng presentation ay tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Kris kung bakit nagiging iyakin siya lately.

"Wala lang, sobra lang talaga akong masaya. Overwhelmed! Hindi ba dun sa Dapat Ka Bang Mahalin?, akala ko hanggang doon na lang ako, e. Napakalaking pagkakataon sa akin na binigyan ako ng Sine Novela. Pero hindi ko akalain na aabot ako sa primetime. So, talagang masayang-masaya lang ako at talagang kinabahan lang ako," paliwanag ng StarStruck 4 winner.

Hindi raw niya maiwasang kabahan, lalo pa nga't ilan sa mga co-stars nila ni Aljur sa All My Life ay mga batikang artista na—Lani Mercado, Jay Manalo, Zoren Legaspi, at Gelli de Belen.

"Ninenerbiyos po talaga ako dahil alam n'yo na, magagaling talaga silang artista. Mga subok na talaga at mga veteran na talaga. So, kapag may mga ganoon akong kaharap, naiiyak ako sa sobrang kaba po," aniya.

Hindi naman itinatanggi ni Kris na mas doble ang pressure na nararamdaman niya ngayong pinagkatiwalaan na sila ng primetime series ni Aljur.

"Oo naman po!" bulalas niya. "Sobrang pressured ako sa bawat eksenang ginagawa namin, pinag-aaralan ko talaga. At saka hindi ako natutulog sa taping. Talagang binabasa ko ang script ko nang paulit-ulit. Nagsusulat ako ng mga notes para ma-improve ko yung mga eksena or acting na gagawin ko."

Nakikita ba niya ang sarili niya sa ginagampanang role ngayon as Romina?

"Oo, nakikita ko ang sarili ko kay Romina. Kasi si Romina, yung character niya, parang hindi siya agad nakaka-move on. Kumbaga, ten years na ang nakalipas, pero nandoon pa rin yung pain, nandoon pa rin ang love. E, ako, ganoon din ako, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE LONG KISS. Maraming nagulat sa ginawang halikan nina Kris at Aljur sa mismong presscon. Hindi lang ito simpleng smack kundi tumagal talaga ng halos isang minuto na naglapat ang kanilang mga labi.

Sa pagkakaalam namin ay smack lang ang instruction sa kanila during the rehearsal, ano't naging totohanang lips to lips ang nangyari?

"Ewan ko nga. Ni-rehearse namin kanina. Ganoon lang, smack. Magki-kiss kayo d'yan, ganoon lang. Ewan ko nga kanina kung ano ang nangyari. Hindi ko na maalala!" natatawang sabi ni Kris.

Nangiti na lang si Kris nang sinabing na-carried away sila.

"Kasi, gumawa kami ng vow sa isa't isa 'di ba? Feeling ko, nadala rin kami. Yun ang nangyari. Talagang pinagawa kami ng vow, and sabi ko kay Aljur, 'O, hindi natin ire-rehearse 'to ha?' So, yun, tapos naiyak ako kasi hindi ko alam na ganoon pala ang napi-feel niya."

Ayon kay Kris, marami na silang nagawang wedding scenes ni Aljur. Pero napapansin daw niya na tuwing ginagawa nila ang mga ganoong eksena, hindi niya napipigilan na maiyak. Iyakin ba talaga siya?

"Hindi naman, pero, talagang sobrang emotional lang ako."

THE VOW. Kasama sa vow ni Kris kay Aljur ay ang patawarin daw siya nito dahil kung minsan ay nagseselos siya sa "mga girls" ng kapareha at sana raw, totoo ang sinasabi nitong siya lang talaga.

Naramdaman ba niya ang sincerity ni Aljur sa vow nito?

"Oo naman," sagot ni Kris. "At saka si Aljur, hindi siya ganoon ka-expressive in words. Mahilig lang siya na, tulad ng sinasabi ko, na mahilig siyang magdala ng foods, magbigay ng pasalubong. Pero yung parang makata siya, hindi siya ganoon. Hindi ko ine-expect yun kanina. Parang, paano niya ginawa yun? Talagang na-touch lang talaga ko."

So, ano na ang status nilang dalawa ngayon?

"Kami? Um...talagang nag-isip!" tawa niya, sabay sabing, "Special friend."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinasabi ni Aljur na si Kris lang ang hinihintay nito. Bago pa raw mag-start ang Dapat Ka Bang Mahalin? ay nanliligaw na raw ang binata sa kanya. Totoo ba ito?

"Oo, nagpaparamdam na siya," sabi ni Kris. "Nanliligaw na raw ba siya? Hmmm... Alam ko nanliligaw siya, pero hindi pa confirmed. 'Parang nanliligaw ba talaga 'to or nagpaparamdam lang?'"

Sabi ni Aljur, gusto pa raw ni Kris na makita ang effort niya. Ibig bang sabihin nito ay nakukulangan pa si Kris?

"Hindi naman sa kulang, pero parang gusto kong maramdaman yung talagang sincerity niya na ako lang bilang ang dami niyang girls na napapalapit sa kanya. Yun siguro... Gusto ko lang yung assurance na ako lang," saad ng dalaga.

Hindi ba ito naibibigay ni Aljur?

"Nararamdaman ko naman," sagot ni Kris. "Pero sa akin lang din kasi, kaya hindi rin ako pumapasok sa isang relationship, dahil takot din akong masaktan. So, better na special friends kami at masaya naman kami na ganoon."

MARIAN LOOK-ALIKE. Aware daw si Kris na palaging may nagko-compare sa kanya kay Marian Rivera, at nagsasabing magkahawig sila. Ano ang nararamdaman niya 'pag may nagsasabi ng ganoon?

"Ano po, hindi ako nao-offend. Nakakatuwa nga kasi, hello, ang ganda-ganda ni Marian! At kahit ako, hinahangaan ko ang beauty niya at talagang talented siya. Pero gusto ko rin siyempreng makilala as Kris Bernal. Ayoko rin siyempre na, 'Uy, siya yung kamukha ni Marian. Gusto ko rin siyempreng gumawa ng sarili kong pangalan."

Dagdag niya, "At saka, marami kaming pinagkaiba. Unang-una, ang laki na ng narating niya, ang layo na pala... Ako, ang dami ko pang kakaining bigas para maabot ko yung narating niya sa ngayon."

Nararamdaman ba niyang siya na ang ginu-groom ngayon as the next important star o isa sa maituturing ng prinsesa ng Kapuso network?

"Hindi ko pa... Actually, hindi pa nagsi-sink in sa akin. Hindi ko nga maihilera ang sarili ko bilang leading lady. Parang hindi bagay sa akin!" natatawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahabol niya, "Hindi pa talaga nagsi-sink in sa akin, pero happy ako na nakikilala na rin kami."

Ang All My Life ang unang mapapanood sa Telebabad block ng GMA-7 simula sa Lunes, June 29.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN