Sharon Cuneta agrees to make a cameo appearance in Juday-Ogie movie

IMAGE 0


Megastar Sharon Cuneta will be one of the special guests in the movie OMG! (Oh, My Girl!), which stars her good friends Judy Ann Santos and Ogie Alcasid. Sharon will also make her first full-length film for Regal Entertainment, the sixth installment of the Mano Po saga.


Siguradong matutuwa sina Ogie Alcasid, Judy Ann Santos, at Direk Dante Garcia dahil tutuparin ni Sharon Cuneta ang pangako niyang magge-guest siya sa pelikulang OMG! (Oh, My Girl!) ng Regal Entertainment, kung saan bida sina Ogie at Juday.

In fact, sa July 1 na naka-schedule mag-shooting ang Megastar. Hindi kami magugulat kung dumating si Mother Lily Monteverde ng Regal para panoorin mag-shooting si Sharon sa pelikulang may July 29 playdate na.

Sa breaktime ng taping ng weekly show ng Megastar sa ABS-CBN na Sharon, bago umalis si Sharon para sa U.S. Tour ng kanyang Mega Thirty concert, nabanggit na niya sa audience na magge-guest siya sa movie ni Judy Ann na itinuturing niyang kapatid, at ni Ogie na isa sa matalik niyang kaibigan sa showbiz.

Unang nagkasama sina Sharon at Judy Ann sa pelikulang Magkapatid ng Viva Films, at doon sila nagsimulang maging close at nagturingang tunay na magkapatid. Hindi makakalimutan ni Judy Ann ang financial help ni Sharon sa Ploning campaign nila para makapasok sa Oscar Awards ang nabanggit na pelikula.

Sa kasal nina Judy Ann at Ryan Agoncillo noong April 28, si Sharon ang naging matron of honor, at hindi rito magtatapos ang pagsusuportahan nilang dalawa.

Sa presscon ng sitcom nina Juday at Ryan na George and Cecil sa ABS-CBN,tinanong si Judy Ann kung sino ang susuportahan nila ni Ryan sa 2010 elections. Special mention ng young superstar ang mister ni Sharon na si Senator Kiko Pangilinan, na tatakbong vice president.

"Bakit pa kami lalayo? Kay Senator Kiko na ang suporta namin dahil maganda naman ang trabaho niya bilang senador, at kilala namin siya at nakasisiguro kaming magtatrabaho nang husto 'pag nalagay sa puwesto," sagot noon ni Judy Ann.

Isa lang si Sharon sa maraming guests sa OMG!, at tila gustong talunin ang Payaso noon ni German Moreno sa dami ng may cameo roles. Libre at hindi nagpabayad ang mga nag-guest na sa movie nina Judy Ann at Ogie; gaya nina Regine Velasquez, Kechup Eusebio, Jeffrey Santos, Rez Cortez, Mel Martinez, at Bembol Roco. Sila pa lang ang nakunan at marami pa ang naka-schedule at nagbu-volunteer na mag-guest, kaya siguradong masaya ang pelikulang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang paggi-guest niya sa OMG! pa lang ang simula sa paglabas ni Sharon sa Regal Entertainment. Sa hiwalay na interview kasi kay Direk Joel Lamangan, kinumpirma nitong tinanggap na ni Sharon ang in-offer ni Mother Lily na female lead role sa Mano Po 6, na isa sa mga entries ng Regal sa Metro Manila Film Festival 2009.

Inaayos na ang bubuo ng cast. At kung matutuloy at walang hahadlang, Kapamilya at Kapuso stars ang makakasama ni Sharon. Binanggit na sa PEP ang dalawa sa makakasama ni Sharon sa Mano Po 6, pero kukumpirmahin pa namin ito bago isulat.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN