Are John Lloyd Cruz and Ruffa Gutierrez really just "friends"?

IMAGE 0


Despite denials from both John Lloyd Cruz and Ruffa Gutierrez, the buzz about their rumored affair is persistent. On several occasions, the two have been seen alone together, although they have said that they go out only in the company of others.


"John Lloyd is Ruffa's special guest at her birthday bash."

Ito ang title column ng lifestyle columnist na si Maurice Arcache saisang national daily broadsheetnoong June 24, mismong araw ng kaarawan ni Ruffa Gutierrez. Ito rin ang kaarawan ni John Lloyd Cruz.

Ayon kay Maurice, ang birthday bash ni Ruffa ay ibinigay ng kaibigang businessman ng actress-TV host na si Noel Oñate, at ginawa sa isang "posh village." Hindi binanggit ng kolumnista kung kailan ginanap ang naturang birthday bash.

Kalakip sa column ni Maurice ang dalawang malaking larawan nina Ruffa at John Lloyd, kasama ang kaibigan ni Ruffa na si Jessica Guevarra. Bukod sa mga larawang ito ay may iba pang 23 photos na nakalagay, kung saan makikita kung sinu-sino ang iba pang mga um-attend sa party.

Kabilang sa mga dumalo ang lahat ng mga kapatid ni Ruffa na sina Richard, Raymond, Rocky, Elvis, at Ritchie Paul; ang mga kaibigan ni Ruffa na sina Almira Muhlach, Donita Rose (with husband Eric Villarama), at Ana Roces; ang mga co-star nina Ruffa at John Lloyd sa Betty La Fea na sina Vhong Navarro, Joem Bascon, Meryl Soriano, Thou Reyes, CJ Jaravata, at Megan Young.

Naroon din sina Governor Chavit Singson, broadcaster Karen Davila, theater actress Carla Guevara, eventologist Tim Yap, TV host Phoemela Baranda, model Teresa Herrera, singer Vina Morales (with partner Cedric Lee), designer Mich Dulce, stage actor JM Rodriguez, TV star Anne Curtis (kasama ang rumored boyfriend niyang French-Filipino entrepreneur na si Erwan Heusssaff), at ang mga alagang talents ni Annabelle Rama na sina Miriam Quiambao, Bubbles Paraiso, at Carla Humphries.

Ayon kay Maurice, "The sky was full of stars but the brightest twinkle was in those beautiful eyes of our Princess for a Day, Ruffa Gutierrez, who stayed on 'til the last guest left, with John Lloyd by her side."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JUST FRIENDS. Bagamat sinasabi pareho nina Ruffa at John Lloyd na "magkaibigan" lang sila, marami pa rin ang naniniwala na higit pa dun ang namamagitan sa kanila.

Matatandaang muling nagkagalit si Ruffa at ang kanyang inang si Annabelle Rama kamakailan. Dahil sa kanilang away na ito kaya umalis si Ruffa, kasama ang mga anak niyang sina Lorin at Venice, sa bahay nila sa Dasmariñas Village sa Makati City. Ang itinuturong dahilan ng pagkakagalit ng mag-ina ay si John Lloyd.

Sa isang interview, hinamon ni Annabelle si John Lloyd na aminin sa publiko ang tunay niyang nararamdaman sa kanyang anak. Aniya, "John Lloyd, magpakalalake ka, okay! Kung in love ka sa anak ko, umamin ka in public! Kasi, I don't think nakakahiya si Ruffa kung... Nakakahiya yun kung hindi mo siya inaamin, di ba? Para naman siyang kept woman, di ba? Kung talagang mahal mo ang isang babae, you should be proud. Kung hindi ka proud sa anak ko, o, di huwag ka nang manligaw."

Sa hiwalay na interview, iginiit ni John Lloyd na magkaibigan lang sila ni Ruffa.

Aniya, "Nahihirapan lang kami to act like normal real friends dahil inunahan na naman ng intriga, although extreme yung mga naglalabasan. Kung paano naaapektuhan yung pagkakaibigan namin? Parang ang hirap i-sacrifice, e. I mean, para saan? Kasi may mga naglalabasan na hindi magagandang balita.

"Masyado nang lumawak ang kinapuntahan ng isyung ito. Para sa akin, tama na. Hindi na dapat ito pahabain nang pahabain. Kami ni Ruffa ay magkaibigan lang. Tapos. Yung mga nagki-create ng kung anu-anong intriga out of it, kasi masarap nga namang pag-usapan.

"Ako, kagagaling ko lang sa isang relationship. Siya, galing sa isang matagal nang hiwalay. Di ba, parang hot item? Pero huwag naman at our own expense, kasi may mga pangalan na nagsa-suffer. May mga relationship na nagsa-suffer. Sana ma-consider lang naman nila. Magkaibigan lang kami. Tapos. Hindi na kailangang pahabain pa na ayaw ni kampo ng ganito, ayaw ng kampo ni..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "With our case, ang nangyayari, pinag-uusapan na yung love, e, magkaibigan lang kami. Hindi naman nag-e-exist yung word na yun. Medyo naapektuhan yung friendship namin."

Ayon naman kay Ruffa, walang namamagitan sa kanila ni John Lloyd.

"Alam mo, there's no score talaga... Wala pa naman talagang dapat i-admit dahil hindi ganoon ka-deep yung friendship namin. Yun nga ang sayang dahil yun ang naudlot. Ang masakit niyan, at ayaw ko sanang mangyari na mawalan ako ng isang kaibigan dahil sa mga naglalabasang isyu and because of my mom's [Annabelle Rama] reaction.

"Alam n'yo naman si JL, tahimik na tao. Hindi naman niya sasagutin si Mommy. So, ako na lang ang sasagot na walang dapat aminin si John Lloyd dahil hindi nga umaabot sa pagmamahal ang aming friendship. Siguro pag-care bilang kaibigan, bilang kapatid, o bilang bagong kakilala.

"For now, hindi pa ako ready sa serious commitment. Kahit alam ko na maraming nae-excite, naku-curious, wala pa talaga. Huwag naman nating unahan. Masyado nang exciting ang aming lovelife sa diyaryo, pero sa totoong buhay ay napaka-boring. Wala namang nangyayaring exciting.

"Hindi pa ako luka-luka sa pag-ibig," patuloy niya. "I'm very mature. Hindi pa ako in love. Kay John Lloyd is just a fondness, is just a friendship. Hindi pa umaabot beyond that. We're getting to know each other. Huwag naman nilang sabihin na nagsisinungaling ako, kasi hindi naman ganoon ka-deep."

THE VISIT. Last week ay personal na nagpunta si John Lloyd sa tahanan ng mga mga magulang ni Ruffa na sina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez sa Dasmariñas Village, Makati City. Kasama ni John Lloyd sina Johnny Manahan at Mariole Alberto, mga top boss ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN na nangangalaga sa career ng aktor. Si John Lloyd—na tinaguriang Box Office King 2008 ng Guillermo Mendoza Scholarship Foundation—ay prized talent ngayon ng Star Magic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa panayam ng PEP kay John Lloyd, na nalathala noong June 22, plano na raw niya talagang kausapin si Annabelle upang ipaliwanag marahil ang kanyang sarili at ang totoong relasyon nito kay Ruffa.

"Okey naman, wala namang masyadong usap na nangyari. Very casual dinner, kuwentuhan lang about things na, siyempre, work-related. Pero nothing really personal. Siyempre, sila Tita Annabelle naman and si Tito Eddie, parang nirerespeto naman siguro nila yung... Ayokong sabihin na may edad, pero parang yun," paglalarawan ni John Lloyd tungkol sa pagbisita niya sa mga magulang ni Ruffa.

Ikinuwento rin ni John Lloyd na biniro siya ni Annabelle nang paalis na sila.

"Jokingly, noong paalis na kami, 'Totoo ba talaga ang balita? Kayo ba talaga ng anak ko?' Natawa na lang ako sa kanya. Tapos sabi ko, 'Hindi po, hindi po.' Kaya sabi ko kay Ruffa, 'Mommy mo, tinatanong ako.' Ganoon lang," lahad ng aktor.

Inamin din ni John Lloyd na mismong si Ruffa ang nag-suggest sa kanya na puntahan ang ina nito. Although naging hesitant si John Lloyd noong una dahil nakilala naman niya noon si Annabelle.

"Pero nag-offer rin naman sina Tita Mariole at Mr. M na, 'Tara, puntahan natin para makilala mo rin talaga si Tita Annabelle formally.' On second thought, sabi ko, 'Yeah, sige, let's do it,'" sabi ni John Lloyd.

Patuloy niya, "Siguro nga, kung meron man magandang naidulot ang dinner na yun, 'eto yun. And, napakagaling ni Ruffa kung paano niya naisip. Kumbaga, 'eto ang paraan para mas okey na rin ang lahat. At least ngayon, aalis ako ng bansa na medyo maganda, malinaw ang mga iiwan ko."

THE SIGHTINGS. Bago napabalita ang pinakahuling alitan na ito nina Ruffa at Annabelle, laman na ng mga balita ang diumano'y magandang pagtitinginan ng actress-TV host at ni John Lloyd.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May ilang insidente ring nasulat na madalas silang makita na magkasama. Pero paliwanag naman ni Ruffa tungkol dito, "You know, lahat ng ini-insinuate nila, ginagawa kasi nila, tinatanggal nila yung sampung tao na kasama namin. Ang nakikita lang nila, kaming dalawa ni John Lloyd. Bakit ayaw nilang banggitin yung lahat ng taong kasama namin, di ba? Always in a big group 'pag magkasama kami."

Pero ilang reports na ang natanggap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula sa mga taong nagsasabing nakita nila mismo sina Ruffa at John Lloyd na sila lang dalawa ang magkasama.

Isang source, na tumangging pangalanan, ang nagsabi sa PEP na mahigit sa isang beses niya raw nakita sina Ruffa at John Lloyd sa Fraser Place Manila, isang high-rise ng mga luxury apartments sa Salcedo Village, Makati City. Sa naturang lugar daw madalas magpunta ang staff ng I Love Betty La Fea, kung saan nagsama sina Ruffa at John Lloyd.

Noong una ay kaswal pang nagkukuwento ang source sa PEP ng tungkol sa pagkakakita niya kina Ruffa at John Lloyd, na sabay raw umaalis, pag nakaalis na ang ibang kasamahan. Pero nang huli namin siyang usisasin tungkol dito ay sinabi nitong hindi na siya puwedeng magsalita.

Nagreklamo na raw kasi si Ruffa sa management ng Fraser Place, at nag-issue na rin daw ng memo ang general manager tungkol dito. Ang memo ay tungkol sa pagsisikreto ng impormasyon tungkol sa kanilang guests.

Di naman nagtapos diyan ang sightings sa dalawa. Nakita rin sina Ruffa at John Lloyd na magkasama sa Mandarin Hotel sa Makati City nitong nakaraang buwan. Ito ay ayon sa isa pang source, na guest din sa naturang hotel. Same week, namataan din ang dalawa sa The Manor Superclub sa Eastwood, Libis, Quezon City, na magkasama.

Ang latest na sighting sa dalawa ay naganap noon lamang June 23. Ito ay sa Beverly Hilton Hotel sa Beverly Hills, Los Angeles, California. Ayon sa source ng PEP, sabay na lumabas ng limousine sina Ruffa at John Lloyd.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Ruffa ay naroon na hindi kasama ang mga anak o iba pang miyembro ng pamilya, bagamat susunod diumano ang kanyang mga magulang. Si John Lloyd ay nag-iisa rin, liban na lang pag sumasama siya sa ibang Kapamilya na nasa U.S. din.

Kataka-taka lang na sa huling panayam ni Roldan Castro kay Ruffa sa PEP ay sinabi niya na June 25 pa ang alis niya papuntang U.S., pero hindi raw maaring magkamali ang dinig ng aming source, isang PR practitioner, na si Ruffa ang kasamang bumaba ni John Lloyd sa limo.

Si Ruffa ay nasa U.S. dahil sa isang fundraising event na gaganapin sa June 28 sa CBS Studio. Si John Lloyd naman ay nandoon para sa isang event ng Star Magic.

BAKIT NAGDE-DENY? May ilang haka-haka ang PEP kung bakit hindi umaamin sina John Lloyd at Ruffa na nagkakamabutihan na nga sila.

Una, maaaring nagsisimula pa lang talaga ang magandang pagtitingan nila. Nagsama ang dalawa sa I Love Betty La Fea mula Setyembre 2008 hanggang Abril 2009, nang magtapos ang romantic-comedy series. Nang mga panahong iyon, o partikular na mula Setyembre hanggang Disyembre, may girlfriend pang iba si John Lloyd. Ito ay ang fashion stylist na si Liz Uy.

Sinasabing naghiwalay sina John Lloyd at Liz nung Disyembre, matapos ng mahigit na tatlong taongpagsasama, ngunit nagkabalikan din sila nung Enero. Pero pagdating lang ng Pebrero, tuluyan na rin daw nagkahiwalay ang dalawa. Hindi malinaw kung anong buwan nagsimulang dumalas ang paglabas-labas nina John Lloyd at Ruffa.

Pangalawa, magkaibigan sina Ruffa at Liz. Umiikot sila sa parehong sirkulo ng mga fashionista at mga celebrity. Higit pa roon, matalik na magkaibigan sina Liz at Raymond Gutierrez, younger brother ni Ruffa. Kababalik nga lang nina Liz at Raymond sa halos isang buwang European vacation kasama ng ilan pang kaibigan. Dagdag diyan, magkasama sa trabaho sina Liz at Raymond sa Summit Media magazine na Preview, kung saan party chronicler at society editor si Raymond.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nung unang linggo ng Hunyo, naisulat na nakatanggap ng missed call si Ruffa mula kay Liz. Ayon sa artikulo, na hindi naman pinabulaanan ni Ruffa, hindi naka-return call si Ruffa sa kung anumang dahilan, at imbes ay nag-text ito kay Liz na i-email niya si Liz. Sa email nanumpa pa raw si Ruffa kay Liz na walang namamagitan sa kanila ni John Lloyd. Hindi raw sila ni John Lloyd at panay kuwento lang daw iyon. Sa pagkakaalam ng PEP, pinaniwalaan ni Liz si Ruffa.

Pangatlo, sinasabing hindi aprubado sa John Lloyd-Ruffa match ang ilang importanteng tao sa buhay ni John Lloyd. Kasama rito ang mga masugid na fans ng John Lloyd-Bea Alonzo tandem, na ilang taon ding sumubaybay sa TV at pelikula sa "romansa" ng dalawa at hanggang ngayon ay nag-aabang sa kanilang pelikula sa 2010. Kasama rin dito ang mga kasing sugid na fans ng John Lloyd-Sarah Geronimo tandem, na bagamat dalawang pelikula pa lang ang tagal ay napakalakas, na napatunayan ng blockbuster hits na A Very Special Love (2008) at You Changed My Life (2009). Sa madaling salita, tinatayang hindi maganda para sa career ni John Lloyd ang ma-link kay Ruffa.

Hindi nakakatulong para sa pagtanggap ng fans kina John Lloyd at Ruffa ang mga numero: Si John Lloyd, 26, ay mas malapit sa edad nina Bea, 21, at Sarah, 20, kaysa kay Ruffa, 35, na dalawang beses nang nagpakasal at nakipaghiwalay, at may dalawang anak.

Pang-apat, sinasabi ring naalarma na ang top brass ng ABS-CBN sa galit ng mga fans, hanggang sa umabot ito sa pakikipag-miting diumano ng ABS-CBN manager na si Cory Vidanes kay Annabelle Rama. Sa miting ay tinapat daw ni Cory si Annabelle tungkol sa reaksyon ng mga fans, na sinabi niyang maaaring makasama rin sa career ni Ruffa. Sinabi diumano ni Cory na ang usap-usapang ito ay non-issue, at gawin na nilang pareho ang magagawa upang tuluyang mamatay ito. Pagsasabihan diumano ng ABS-CBN management ang mga nasa The Buzz, kung saan co-host si Ruffa, na huwag nang gawing topic ng biruan at tuksuhan ang John Lloyd-Ruffa issue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit hindi ito nagtapos doon. Di naglaon, nakatanggap na ng text mula kay Annabelle Rama ang handler ni John Lloyd na tinitira ang aktor. Mukhang nagsumbong si Ruffa sa publicist nitong si Jun Lalin, na malamang ay nagsumbong kay Annabelle, na diumano'y minamaliit siya ng kampo ni John Lloyd. Gaya ng gawi ni Annabelle pag may kalaban ito, kinalkal nito ang mga luma at di magagandang isyu tungkol sa binata, at iyon ang ibinato sa text. Ang kanyang mensahe, sa suma, ay: Bakit n'yo minamaliit ang anak ko? Ano ang ipinagmamalaki niyo? Dito na kumilos ang Star Magic bosses, at siya na ngang pakikipagkita nila, kasama si John Lloyd, sa mag-asawang Annabelle at Eddie.

Pang-lima, lumalabas na hindi rin aprubado si Annabelle Rama kay John Lloyd. Sa StarTalk ng Hunyo 6, nang lumabas ang isyung naglayas si Ruffa mula sa bahay ng mga Gutierrez sa Dasmariñas Village, nagpa-interbyu si Annabelle. Ang usap-usapan noon ay naglayas si Ruffa dahil hindi nga aprubado ang ina sa manliligaw. Bilang tugon, sinabi ni Annabelle, sa di pinangalanang tao: "Ang bata-bata mo pa, nanliligaw ka na sa babaeng may dalawang anak." At sa hiwalay na interbyu tungkol sa isyu, hinamon nga nito si John Lloyd na magpakalalake at sabihin sa publiko na nililigawan nito ang anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN