Chesca Garcia gives birth to a healthy baby girl

IMAGE 0


Actress-TV host Chesca Garcia and PBA player Doug Kramer welcomed their firstborn, Claire Kendra Kramer. Chesca gave birth to her daughter via caesarean section yesterday morning, June 25.


Nagsilang na via caesarean section si Chesca Garcia kahapon, June 25, bandang 10 a.m., sa Makati Medical Center.

Isang malusog na baby girl ang isinilang ng actress-TV host. Ito ang unang anak nila ng asawang si Doug Kramer, player sa Philippine Basketball Association.

Ayon sa handler ni Chesca sa ALV Entertainment na si Miro Cadog, hindi pa raw nakakausap ang kapatid ni Patrick Garcia dahil kasalukuyan pa itong nagpapahinga.

Sinabi ni Miro sa amin na pinangalanan nina Chesca at Doug ang kanilang panganay na Claire Kendra Kramer. The baby weighed 7 lbs., and 49 cm. ang haba nito.

Kuwento ng handler ni Cheska, talagang nakaplano na ang panganganak ni Chesca at mas pinili talaga nitong manganak via caesarean section.

Masayang-masaya raw sina Chesca at Doug sa pagdating ni Claire Kendra dahil wala raw naging kumplikasyon. "Everything went smoothly" at "very healthy" ang baby.

Sa mga nakakita na sa baby nina Chesca at Doug, halos lahat ay nagkakaisa sa pagsasabing napakaganda raw ng baby girl nila. Hindi naman nakakapagtaka dahil parehong maganda ang genes ng kanyang mga magulang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN