Alessandra de Rossi enjoys the single life, but..."Gusto kong masaktan uli!"

IMAGE 0


Alessandra de Rossi says she's a happy singleton, but misses the roller-coaster ride of being in a relationship. "Nakaka-miss umiyak, 'no, because sa love."


Nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Alessandra de Rossi, who plays the role of Greta in the high-rating primetime series Tayong Dalawa, kung hanggang kailan pa eere ang series nila, buong-ningning nitong biro na, "baka hanggang 2010 pa!" sabay tawa.

"I don't know. Actually, walang nakakaalam. Marami pa kaming tine-taping eh, so, I guess, medyo matagal-tagal pa. Busy pa rin kami sa kaka-taping. Nagsimula kami ng taping ng December last year, pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako nasasanay sa pagod," nakangiti niyang sabi.

Isa si Alessandra sa maituturing na mahusay na aktres sa kanyang henerasyon. Hindi nakakapagkatang isa rin siya sa nagsa-shine in terms of acting, kahanay ang iba pang katulad niyang award-winning stars sa Tayong Dalawa.

Tulad ba ng ilan sa cast, nakikita niyang marami rin ang nagawa sa kanya ng serye?

"Wala! Hanggang doon lang, wala nga akong guesting, e!" natatawa niyang sabi. "'Yun lang talaga. Pero masaya ako kasi yun lang talaga, pagod na pagod na ko. E, ako pa, ang hangad ko lang naman ay kumita nang dire-diretso. Hindi naman kailangan na malaki, hindi rin kailangan na maliit. Basta yung 'sakto lang to pay my bills, okey lang."

Masaya at kuntento naman daw siya sa ibinibigay sa kanyang raket ng ABS-CBN ever since mag-decide siyang mag-transfer from Kapuso network.

"Happy ako. As long as hindi ako nawawalan, happy ako. May taping ako ng two to three times a week na garantisado. So, ano pa ba ang hihilingin mo? For the last six months, ganoon ang nangyayari. Hindi man ako nakakaipon dahil malaki masyado ang bills ko, pero at least may pumapasok, di ba?"

Meron naman daw mga follow-up projects na agad na sinasabi sa kanya. Although, kung siya nga raw ang masusunod, "Huwag muna sana ngayon. Ang dasal ko nga, huwag munang mag-overlap kasi hindi ko talaga kaya. Nag-i-start kasi kami sa Tayong Dalawa, 7:30 ang call time, minsan natatapos kami ng 8 or 9 a.m. the following day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Do you think gusto ko pang mag-taping? Hindi na 'no! Eh, every other day yun. Bale yung Tuesday and Thursday, hindi siya kasama sa kalendaryo ko, tulog lang ako."

Tinanong namin si Alex kung kasama ba sa paglipat niya ang offer na magkaroon ng pagbibidahang serye?

"Ay, hindi, walang ganoong pinag-usapan ever. At in fairness to me, never ko rin pinagdasal yun kay God. Hindi ko kaya ang responsibilidad, eh. Natatakot ako. Siguro dahil feeling ko nga, hindi ko kaya."

Aniya, ibang project ang in-offer sa kanya at hindi ang Tayong Dalawa, pero okey lang daw sa kanya.

"Pareho lang naman ang role, eh.'Yung tipong walang kuwenta sa umpisa, tapos gaganda nang gaganda. Baka yun ang next...baka ha."

Dugtong pa niya, "Sa ngayon, okey naman ako. Happy pa naman ako. Hindi naman nila ako pinapabayaan. At saka ako naman, kung saan may trabaho, doon ako.

"Uso pa ba ang loyalty ngayon? Chos! Ha ha ha! Eh, yun ngang bida mismo lumalayas, yun pa kayang supporting lang? Sino pa ba ang magsasabing ingrata ako?" natatawa niyang sabi.

COCO MARTIN & SUITORS. Ayon sa ka-partner niya sa Tayong Dalawa na si Coco Martin, bilib ito sa kanya at ina-admire niya ang katangian ni Alessandra na kahit ito ang nasa Pilipinas, ito pa raw ang nagpapadala ng financial support sa pamilya sa Italy.

"Ay, naku, gusto lang niyang mapadalhan din, 'no!" tawa ni Alex.

Pero hindi ba nagpapalipad-hangin sa kanya si Coco?

"Si Coco? Ay, hindi, talagang ano kami, brother and sister. Walang malisya. To think na kami palagi ang magkasama sa taping. Kami ang palaging magkatabi. Pati ang higaan namin magkatabi palagi. Ganoon kami ka-close. Yung tipong mawawala lang siya nang kaunti, 'Asan ka?' 'Nandito ako sa kotse.' 'Pumunta ka rito.' Yung ganoon. Pero wala akong makitang malisya. I'm sure, ganoon din siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

When it comes to her lovelife, as in three years na raw siya enjoying her singleblessedness.

"Wala rin talagang lumapit. Baka natakot? Chos!" natatawa niyang sabi. "Siguro kasi, ang buhay ko lang naman, taping-bahay. Sa showbiz kasi, at this point, wala pa rin naman akong nakikitang gusto ko talaga. So, wala pa lang talaga siguro."

Pero sa three years na yun, walang nag-attempt?

"Meron naman, mga dalawa!"

So, anong nangyari?

"May isa nakabuntis. Yung isa naman, biglang nawala," kaswal niyang sabi. "Yung mga ganoon, so, parang, 'Ay, chaka n'yo!'"

Hindi ba pumapasok sa isip niya na parang ang tagal na niyang loveless?

"Kagabi, napapaisip ako... Parang sabi ko sa mga friends ko, 'Nakaka-miss umiyak 'no, because sa love? Ang sakit-sakit!' Gusto ko nang masaktan ulit. Yung mga ganoon.. Pero okey lang naman na wala, eh."

Kung magkakaroon siya ng bagong boyfriend, would she want him to be the last?

"Sana, pero kung hindi, okey lang din, marami naman d'yan. Willing pa akong masaktan. Ano ba naman yun, para yun lang, 'no!" natatawa niyang sabi.

"Pero sana, sana yun na. Actually, lahat naman ng boyfriend ko, nag-wish ako na sana sila na lang talaga. Hindi ba nga, kahit nambabae na at lahat, hindi talaga pinapakawalan kasi baka puwede pa. Kaya lang kung hindi talaga, hindi talaga."

INDIE FILMS. Alessandra is part of the movies Independencia and Maynila with Piolo Pascual. Parehong nakasama sa Canne Films Festival ang dalawang pelikula.

Ayon kay Alex, nami-miss din daw niyang gumawa ng mga movie na makikita pa rin ang kakayahan niya bilang aktres.

"Nami-miss ko sa totoo lang. Pero siguro, sa dami na rin ng artista, minsan hindi ka na rin naaalala. Hindi rin naman kasalanan. Sadyang marami lang puwedeng pagpilian at mas maraming mas mura, mas bata. Yung mga ganyan. Kumbaga, okey lang naman, pinagdaanan ko na rin naman yun, eh."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung tutuusin, isa siya sa mga artistang unang nagtiwala sa mga indie films. Masaya ba siya sa nakikitang evolution nito ngayon?

"Yes, oo... Sobra, sobra! As in, natutuwa ako ngayon na nabibigyan talaga ng importansiya," sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN