Jay-R is Dr. Manny Calayan's latest celebrity endorser

IMAGE 0


Asked which celebrity he would love to give him a body scrub, he replied, "Pops Fernandez!... Siguro hindi siya papayag. Ha! Ha! Ha!"


Ang R&B Prince na si Jay-R ang latest male celebrity endorser ni Dr. Manny Calayan.

Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Jay-R, tinanong namin kung bakit pinili niya ang Calayan Surgicenter bilang isa sa mga endorsements niya.

"Well, definitely Calayan is one of the biggest companies in the Philippines and they're everywhere as far as promotions are concerned. They offered me to be in their promotion and they've offered me to endorse Calayan. For one thing it would be great for my career, another thing is they're very nice people, they can help me as well in taking care of my skin. I think it will be a good move for me," umpisang sinabi ni Jay-R.

"So far, walang specific campaign ngayon, but if I were to get a treatment it would be body scrubs and facials, mga ganun. Just to maintain it para hindi ma-damage or something like that, kasi siyempre investment din namin ito sa entertainment business, kailangan you have to look your best at all times."

Sanay mag-pictorial nang sexy si Jay-R. Sa pagiging Calayan endorser ba niya ay gagawin niya rin yun, lalo pa't skin care ang linya ng Calayan na ini-endorso niya?

"You know I'm not sure. Hindi pa kami nag-pictorial, but if that's what is required of me, most definitely gagawin ko."

Kahit maghubu't hubad, para ipakita na makinis ang balat niya all over? "No, ayoko nang mga ganun, siguro mga topless lang siguro."

Sky-high nga ba ang talent fee niya bilang Calayan endorser? "They're very generous actually, and I'm very happy with that actually."

"POPS IS GREAT." Halimbawang may isang artistang babae na mag-ba-body scrub kay Jay-R, sino ang pipiliin niya? "Pops Fernandez! Ha! Ha! Ha! "Siguro hindi siya papayag. Ha! Ha! Ha!"

All praises si Jay-R kay Pops na kasabay niyang ni-launch bilang Calayan celebrity endorser.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"She's single now and she's very, very sexy. Pops is great! We have the same manager so we spend a lot of time together."

Pops is great in what sense? "Great is a lot of things actually. She's very sexy, beautiful, very talented, most of all she's really very down to earth, chill lang. Hindi maarte."

Noong wala pa si Jay-R sa showbiz, ina-admire na ba niya si Pops?

"Oo naman, definitely. Before sa States, before I entered show business, we used to watch their movies na, so kilala ko na si Pops even before I went to the Philippines. Kasi yung mga ate ko, yung mommy ko, we used to rent mga Tagalog movies dati."

Nagkasama na rin sila sa isang tour ng Divalicious concert ni Pops. "It was really, really fun."

BREAKUP. Napag-usapan rin namin ni Jay-R ang breakup nila ng non-showbiz GF niya for 10 years na si Liza Calove.

"It's kind of a mutual thing. We wanted to try just to separate muna, try something new, kasi medyo matagal na rin. We broke up about a month and a half ago."

May ilang nag-iisip na may kinalaman ang aksidenteng kinasangkutan nila early this year sa break nila. Last January ay namatay sa isang tragic train accident ang sister-in-law ng GF ni Jay-R na si Myra Theresa Calove sa Los Angeles, California. Magkakasama sila noon nina Jay-R na nagha-hiking nang naganap ang aksidente.

"No, definitely not because of that, we just really wanted space lang, yun lang talaga."

Is there a chance of a reconciliation? "Maybe there is a possibility naman but right now you really can't tell the future, now I'm just taking my time. Right now nasa States siya."

MU WITH KRISSA-MAE. Nali-link sina Jay-R at Krissa Mae Arietta. Nakatulong ba si Krissa Mae para maka-move on siya? "We've known each other for a while, and lately we've been seeing each other and enjoying each other's company. It was fun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mutual understanding na sila ni Krissa Mae? "I guess so, but we're really enjoying each other's company talaga."

Wala pa silang formal relationship? "No."

Ang MU nila kaya ay papunta rin sa serious relationship? "Like I said, there's a possibility, I'm just taking my time lang right now."

Ano ang mga nagustuhan ni Jay-R kay Krissa Mae? "Her high energy, marunong mag-Tagalog. E, mukha siyang white girl, di ba, tapos nagta-Tagalog. Mas magaling pa nga kaysa sa akin mag-Tagalog.

"It also helps na laki siyang States so we have a lot in common actually. We're both left-handed, ang dami, even just the little things in common lang talaga. She's really fun to be with and hindi maarte, mabait siya, she's a very, very nice girl."

Nasabihan na ba niya ng 'I love you' si Krissa Mae? "No, wala pang ganun," pagtatapos na pahayag pa ni Jay-R.

Bukod sa pagiging Calayan endorser, kasama rin si Jay-R sa album ni Dr. Calayan na Calayan: Duets with the Icons. Nag-duet ang pamosong cosmetic doctor at ang R&B Prince sa kantang "With A Little Help From My Friends."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN