UPDATED Diether Ocampo: "I'm okay and back to life."

IMAGE 0


Actor Diether Ocampo is about to be discharged from a hospital in Ontario, California, after suffering seizure while rehearsing for the Star Magic world concert tour.


Nakakuha ng report ang PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kalagayan ng aktor na si Diether Ocampo mula sa acting overall head ngayon ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN, na si Tess Ghubi.

Kasama si Diether sa more than 40 artists ng Star Magic na nasa California ngayon na magpe-perform sa world concert tour ng talent arm ng ABS-CBN, na nagse-celebrate ng 17th anniversary nito. Bigla raw nawalan ng malay ang aktor habang nagre-rehearse ng kanilang intermission number para sa unang show nila sa Ontario, California.

Agad na isinugod sa San Antonio Community Hospital ang aktor. Ipina-CT scan si Diether dahil nauntog siya sa stage matapos himatayin. Sumailalim din siya sa isang medical procedure dahil sa hindi normal na pagtibok ng kanyang puso.

Ayon kay Thess, base na rin sa latest text message na natanggap niya mula sa Star Magic vice president na si Mariole Alberto, okay naman daw ang naging resulta ng medical tests na ginawa kay Diet. Okey na rin daw ang pakiramdam ng aktor at posibleng lumabas na rin ito ng ospital.

Ganito rin daw ang ipinadalang text message kay Thess ng kapatid ni Diet na nagngangalang RJ. Ang kapatid ni Diet ang nagbantay sa kanya sa ospital. Bagama't may lumabas ding report na ang ex-girlfriend ni Diether na si Kristine Hermosa at kaibigang si Kitkat ang nagdala at pansamantalang nagbantay sa aktor sa ospital.

Dahil sa pagbuti ng kalagayan ni Diet, posible raw na sumama na siya sa show ng Star Magic sa Cow Palace sa San Francisco. Hindi pa raw nakakapag-text ulit kay Thess si Mariole dahil ongoing ngayon ang show nila sa Cow Palace at press time.

Agad na kumalat dito sa Pilipinas Linggo ng umaga ang nangyari kay Diether. May mga report na nagsasabi na inatake sa puso si Diet. May nagsabi pang may congenital heart disease diumano ang aktor. Pero malinaw naman sa mga isinagawang tests kay Diet na hindi yun ang dahilan ng kanyang seizure.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ang dahilan kung kaya't naglabas ng official statement ang Star Magic tungkol sa totoong nangyari kay Diether. Narito ang kanilang opisyal na pahayag:

"Diether suffered a seizure during morning rehearsals June 27 and was rushed by emergency services to hospital where extensive tests were made to determine cause. Unconscious for a while, he is now conscious and in a stable condition. More tests are required and he is under observation."

Ayon pa sa Star Magic, tatlong linggo na raw kasing puyat si Diether dahil sa trabaho bago siya umalis papuntang U.S.

Samantala, nakatanggap naman ng text message ang PEP contributor na si Dinno Erece mula kay Diether mismo kani-kanina lang. Ito ay bilang sagot ng aktor sa pangungumusta ni Dinno sa kalagayan ng aktor.

Narito ang text message ni Diether: "I guess God gave me a second chance to live. So, yeah, I'm okay and back to life. Thank you my friend."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN