Yasmien Kurdi says Baron Geisler continues to send her malicious text messages

IMAGE 0


"Maliit pa ako mahilig na po talaga akong makipag-debate, kahit anong topic! Kaya kapag natapos ko na po ang course kong Foreign Service sa New Era College, itutuloy ko po ito sa Law. Gusto kong makatulong, lalo na sa mga babaeng inaapi, dahil alam ko kung ano ang karapatan ko bilang babae," says Yasmien Kurdi.


Palaban na naman si Yasmien Kurdi nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa SM City Cebu Food Court last Saturday, June 27, habang naghihintay sila nina Jennylyn Mercado at Nadine Samonte para mag-perform sa 2009 Kapuso Fans Day doon.

May bago pala silang ipinaglalaban sa People for the Ethical Treatment of Animals (PETA): ang pagpigil sa legalization ng greyhound racing dito sa Pilipinas.

"Matagal na kaming nagpadala sa Senado ng aming concern tungkol sa greyhound racing dito sa bansa, pero wala silang sagot sa amin kung may ginawa na sila tungkol dito. Kaya sa Friday [July 3], pupunta po kami sa Senado para linawin kung totoong in-approve na nila ang bill tungkol dito na hindi nila ipinaalam sa amin. Gusto rin naming malaman kung sino ang nasa likod nito," sabi ni Yasmien.

Ano ba ang greyhound racing?

"Ito po 'yong papayagan nilang dalhin dito sa Pilipinas ang mga aso mula sa ibang bansa, palalakihin, at pagkatapos gagamitin nila sa sugal. Kapag ilalaban na nila ang mga aso, gugutumin nila at pagkatapos paglalaban-labanin na hahabulin nila ay pagkain. Dahil mga gutom sila, magpapatayan sila para makuha nila ang pagkain. Hindi po ba napaka-cruel naman ng mga taong ito sa mga hayop?" saad ni Yasmien.

Mahilig ba siya talagang makipag-debate?

"Opo, maliit pa ako mahilig na po talaga akong makipag-debate, kahit anong topic!" natatawang wika ni Yasmien. "Kaya kapag natapos ko na po ang course kong Foreign Service sa New Era College, itutuloy ko po ito sa Law. Gusto kong makatulong, lalo na sa mga babaeng inaapi, dahil alam ko kung ano ang karapatan ko bilang babae."

BARON'S TEXT MESSAGES. Dahil ba ito sa nangyari sa kanila ng co-star niya sa SRO Cinemaserye Presents Suspetsa na si Baron Geisler?

"Kasama na po 'yon dahil hanggang ngayon, patuloy pa rin niya akong pinadadalhan ng malalaswang text messages," pagsisiwalat ni Yasmien. "Pero ayoko na po munang pag-usapan ang tungkol doon. Basta tuloy po ang demanda ko laban sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit hindi na lang niya palitan ang kanyang cell phone number para hindi na siya mapadalhan ng mga messages ni Baron?

"Hindi po puwede dahil nandoon ang mga messages niya na magagamit ko sa laban ko sa kanya," sagot niya.

So, ano ang maipapayo niya sa mga babaeng nakaranas na rin ng sexual harassment, pero hindi na lamang kumikibo?

"Dapat po ay hindi sila matakot ipaglaban ang kanilang karapatan, huwag silang manahimik. Ang mga taong ganoon ay dapat bigyan ng leksiyon. Paano na ang isusunod niyang biktima?" mariing pahayag ni Yasmien.

Ano ang masasabi niya sa ginawa ng StarStruck batchmate niyang si Katrina Halili kaugnay ng pagkalat ng sex video nito with Hayden Kho?

"Ayaw ko na pong makisawsaw. It's none of my business, dahil maraming kakilala ko ang nadamay. Marami na po akong issues sa sarili ko. Yun na lang ang aasikasuhin ko," sagot ni Yasmien.

REGULAR STUDENT. Patuloy si Yasmien sa pag-aaral niya at ngayon daw ay may 26 units siya. Nakakaya ba niya 'yon to think na nagtatrabaho pa siya?

"Nag-sign naman po ako ng overload papers. Pinapayagan naman po nila kung mataas ang grades mo. I'm happy na almost all my grades, flat 1. Average grade ko is 1.5, lowest ko is 2, sa Psychology. Gusto ko po talagang makatapos agad para maituloy ko nga ito sa Law.

"Wala pa naman pong bagong project na sinasabi sa akin si Nanay Lolit [Solis, her manager] after ng Suspetsa. Pero regular naman po ako sa SOP every Sunday at may mga out-of-town shows din ako. Kababalik ko nga lang po for a show in Dubai. Inihahanda na rin ng GMA Records ang third album ko, na mga original compositions, mostly sarili ko pong compositions," pahayag ni Yasmien.

Nang tanungin naman tungkol sa kanyang lovelife, "zero" pa rin daw ito dahil ang concern niya ay ang career and studies niya, plus ang advocacy nila sa PETA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN