Dingdong Dantes on relationship with Marian Rivera: "We're happy together."

IMAGE 0


"Kung superhero, I want to play the role of Batman. Bata pa kasi ako, si Batman na ang favorite ko. Pero kung tunay na hero, gusto kong gampanan ang role ni former Senator Ninoy Aquino," says Dingdong Dantes about his dream roles.


Dingdong Dantes surprised the fans at the 2009 Cebu Kapuso Fans Day last Saturday, June 28, nang bigla siyang dumating at bumati sa napakaraming nagtitiliang fans sa SM City Cebu Food Court. Wala kasi sa lineup ng Kapuso stars ang pangalan ni Dingdong.

"May event ako ng TM [Touch Mobile] dito this afternoon, and since nandito na ako, minabuti na namin ng manager ko [Perry Lansigan] na dumaan dito para bumati ako sa mga Kapuso fans. Nakakatuwa, ang saya-saya rito and I heard, ang daming nag-participate sa inu-offer na Serbisyong Totoo ng GMA News & Public Affairs," nakangiting lahad ni Dingdong nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press from Manila na dumayo sa Cebu, at mga local entertainment press doon.

STAIRWAY TO HEAVEN. Kinumusta kay Dingdong ang susunod niyang malaking project sa GMA-7, ang Pinoy adaptation ng Koreanovela na Stairway To Heaven. Talagang sinubaybayan ng mga Pinoy ang nasabing Koreanovela nang ipalabas ito two years ago sa GMA-7 din, at naging bukambibig ang pangalan ni Cholo na ginampanan ng Korean actor na si Kwon Sang Woo. May pressure ba sa kanya ito at paano niya pinaghahandaan ang role ni Cholo?

"May pressure na rin," sagot ng Pinoy actor. "Napanood ko na ang buong story sa DVD. Pero gusto kong gawing Filipino ang character ni Cholo, at sana magustuhan ito ng mga televiewers. But I'm happy and thankful sa GMA Network na ipinagkatiwala nila sa akin ang Stairway To Heaven. Ibang-iba kasi ang character ni Cholo sa character ni Sergio sa Marimar, na una naming ginawa ni Marian [Rivera]. Si Joyce Bernal ang magdidirek nito, sa August na kami magsisimulang mag-taping."

Alam na ba niya kung sino ang makakatambal niya sa Stairway To Heaven? May mga nagsasabi kasing bagay sa role ni Jodi si Jennylyn Mercado. Isa naman sa local press ang nagsabi na bakit hindi si Regine Velasquez ang gumanap sa role ni Jodi. May nag-react na medyo bata ang role ni Jodi para kay Regine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Regine naman can play any age, alam niyang i-adjust ang sarili niya sa character na gagampanan niya," pagtatanggol ni Dingdong sa Asia's Songbird, na nakatambal na niya sa pelikula.

"Pero baka nga isa si Jennylyn sa mga pinagpipilian for the role," patuloy ng aktor. "Pero ako, I want to leave the decision to GMA Network. Kahit sino ang ibigay nila sa akin na maging leading lady ko, makikipagtrabaho ako. Abangan na lang natin kung sino ang mapipili nilang leading lady ko."

Napansin namin ang bagong hairstyle ni Dingdong, ito na ba ang imi-maintain niya sa bago niyang character sa Stairway To Heaven?

"Hindi ko pa alam kung ano ang gagawing hairstyle sa akin ng Toni & Guy. Magdi-depend din ito sa ire-require na hairstyle sa akin ng Stairway To Heaven," sabi niya.

KIMMY DORA & OTHER ROLES. May nasulat na dapat daw ay co-producer siya ni Piolo Pascual sa launching movie ni Eugene Domingo, Kimmy Dora, pero nag-backout daw ang Kapuso star. Totoo ba ito?

"Ang masasabi ko lang, may part din ako sa production. Isa ako sa leading men ni Eugene. Nakakatuwa dahil nasanay ako sa mga drama series. Dito, para akong nagwu-workshop sa comedy. Seryoso ang portrayal ko, pero ang situation ang nakakatuwa," lahad ni Dingdong.

Kung siya ang masusunod, anong role pa ang gusto niyang gampanan?

"Kung superhero, I want to play the role of Batman. Bata pa kasi ako, si Batman na ang favorite ko. Pero kung tunay na hero, gusto kong gampanan ang role ni former Senator Ninoy Aquino," pagsisiwalat ni Dingdong.

Since wala siyang gaanong pinagkakaabalahan ngayon at hindi pa siya nagte-taping, ano ang ginagawa niya, lalo pa't busy naman ang rumored girlfriend niyang si Marian Rivera sa pagti-training nito for Darna?

"Kapag nasa bahay ako, inaayos ko ang mga kalat ko sa kuwarto na hindi ko nagagawa kapag busy ako sa trabaho. Inuubos ko na ring kainin 'yong mga delata sa pantry ko. At bago ako magsimulang mag-taping ng Stairway To Heaven, maggo-grocery naman ako ng bago!" natatawa niyang kuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TEAM-UP WITH MARIAN. Speaking of Marian, may nasulat na very conservative daw ang costume ni Marian sa Darna. Nakita na ba niya ang bagong costume ni Marian?

"Hindi pa. Pero ang isang babae, kapag sexy siya, kahit anong ipasuot mo sa kanya, lilitaw pa rin ang pagka-sexy niya," nakangiting sabi ni Dingdong.

Marami nang nakaka-miss ng tambalan nila ni Marian, lalo na ang fans nilang dalawa. Kailan ba mauulit ang pagtatambal nila?

"Hindi namin tatalikuran ni Marian ang aming mga fans dahil malaking bahagi sila ng success ng aming tandem," sabi ni Dingdong. "Hopefully, next year, makagawa kami ng movies ni Marian. Sa ngayon kasi, magiging busy kami sa aming solo projects, pero we're sure na matatapos nang masaya sa amin ang 2009."

Ano nga ba ang real score sa kanila ni Marian?

"We're happy together. Open kaming nakakalabas na dalawa, nagdi-dinner, nakakapanood ng sine... Sinusuportahan ko siya sa pagte-training niya ng Darna. Kung may time siya, sumasama siya sa workout ko sa gym at itinuturo ko kung ano ang makakatutulong sa kanya para lalong lumakas ang stamina niya, lalo na kung magti-taping na siya ng Darna next month," pagtatapos ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN