Diether Ocampo says he will always have "mutual respect" for ex-wife Kristine Hermosa

IMAGE 0


"Kaming dalawa, nagkakaintindihan and we respect each other. Alam namin kung hanggang saan na lang kami, at klaro sa aming dalawa yun. Then, I guess, people should also respect that," says Diether Ocampo about Kristine Hermosa.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktor na si Diether Ocampo bago siya lumipad patungong U.S. para sa world concert tour ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN.

Hindi naman itinatago ni Diether na masaya siya ngayon sa piling ng kanyang non-showbiz girlfriend na si Rema Ostwani. Nangangahulugan din ito na tinuldukan na talaga ng aktor ang anumang namagitan sa kanila ng dating asawa na si Kristine Hermosa.

Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Kristine, sinabi nito na "civil" at "professional" na lang ang pakikitungo nila ni Diether sa isa't isa. Sinang-ayunan naman ito ng aktor nang makausap siya ng PEP. (Click here to read related story.)

"Kami ni Kristine, okay naman kaming dalawa. Hindi naman isang beses pa lang kaming nagkita o ano dahil mag-Kapamilya kami sa Star Magic. Sa aming dalawa, very clear na we have mutual respect for each other. Feeling ko, nilagyan lang ng di magandang kulay ng ibang tao.

"Dapat malaman nilang we're very good friends. Yung pagsasamahan namin sa Star Magic, that molded us, our characters, more than anybody else. So I guess, hindi naman kami pinalaki ng Star Magic para lang mag-away-away," pahayag ni Diether.

Sang-ayon si Diet sa sinabi ni Kristine na iba na ang sitwasyon nila ngayon dahil may mga tao na silang masasaktan.

"Definitely, of course, hindi natin maiiwasan yun," sabi ng aktor. "We both know that. That's why we do have nga that mutual respect for each other. Natutuwa ako na siya na mismo ang nagsasabi, di ba? Kung anuman ang nangyari before, tapos na yun and we have both moved on. Naging maganda naman ang pagtatapos namin at nakapagsimula kami ng bago na maganda rin.

"Just like I've said, I will always say na we're friends. Mag-Kapamilya kami sa ABS, mag-Kapamilya kami sa Star Magic. Kaya nga ang laging tanong ko, why do people always put ng pangit na kulay? Ayaw n'yo ba na maging masaya tayong lahat? Dapat ba laging may hindi pagkakaunawaan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, in fact, kaming dalawa, nagkakaintindihan and we respect each other. Alam namin kung hanggang saan na lang kami, at klaro sa aming dalawa yun. Then, I guess, people should also respect that," asam niya.

Aminado si Diet na sa ilang araw na pagkawala niya ng bansa for Star Magic tour ay mami-miss niya si Rema. Ano naman ang balak niyang ipasalubong sa kasintahan?

"Definitely, I would miss her. More than anything else, more than material things, siyempre iba pa rin yung babalik. Kasi, siyempre, kung hindi ako makakablik, saan mapupunta ang puso ko?" makahulugang sabi ng aktor.

DIETHER AS EPPC COMMISSIONER? Kamakailan ay napabalita na inimbitahan si Diet para mapabilang bilang commissioner ng EDSA People Power Commission (EPPC). Ano ang naging kasagutan ni Diether sa alok na ito sa kanya?

"Just to clarify, whatever came out already, ako ay inalok na makibahagi sa isang malaking tungkulin na para sa akin kasi... Nakausap ko nga si Mr. Christopher Carrion [co-chairman ng EPPC]. Hindi ganun kadali na mag-confirm agad ako.

"Gusto ko, siyempre, yung ganyang mga advocacy. Kaya lang, pag binigyan ninyo ako ng posisyon, parang binibigyan ka na rin ng obligasyon. Ako pa naman yung tipo ng tao na kapag mayroon akong obligasyon, gusto ko nagagampanan ko talaga at napapanindigan ko.

"Sa katayuan ko ngayon, dahil sobrang busy ako sa taping ng Only You at sa iba ko pang trabaho, yung kaunting panahon na puwede kong ilaan sa sarili ko, nilalagay ko pa sa KIDS Foundation. Tapos, mayroon pa akong ibang responsibilidad sa family ko, sa mga taong malalapit sa buhay ko.

"Nakiusap ako kung puwedeng bigyan pa nila ako ng pagkakataon na mag-isip nang husto. But I'm really, really thankful dahil nakakataba ng puso na makunsidera ka dahil hindi basta-basta tungkulin yun," sabi ni Diether.

Kung sakaling tanggapin ni Diether ang alok na maging commissioner ng EPPC, makakasama niya rito sina former senator Heherson Alvarez, Ret. Gen. Antonio Sotelo Sarmiento, Rep. Agapito "Butz" Aquino, Usec. Arturo Valdez, Maan Hontiveros, Rev. Msgr. Gerardo Santos, Rene Meily, Tina Monzon-Palma, Bro. Rolando Dizon, Ramon "RJ" Jacinto, PANA executive director Digna Santos, Pastor "Boy" Saycon, Belinda Cunanan, Roberto de Ocampo, at iba pa..

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ONLY YOU. Nagpahayag naman ng pasasalamat si Diether sa patuloy na pagsuporta at pagtangkilik ng publiko sa primetime teleserye nila nina Angel Locsin at Sam Milby na Only You.

"Masayang-masaya kami sa patuloy na support sa amin ng mga manonood. Inspirasyon sila kung bakit lalo pa naming pinagbubutihan at pinapaganda ang Only You. I can promise them na mas marami pang mga magagandang mangyayari na dapat nilang abangan at panoorin," saad ni Diether.

Gaya ng nabanggit, nasa U.S. ngayon si Diether bilang bahagi ng more than 40 Star Magic artists na magpe-perform sa world concert tour ng talent arm ng ABS-CBN. Maayos na ang kalagayan ng aktor ngayon pagkatapos siyang atakihin ng seizure habang nagre-rehearse para sa kanilang show sa Ontario, California.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN