Angelica Panganiban knows that boyfriend Derek Ramsay once dated Anne Curtis

IMAGE 0


It's no big deal to Angelica Panganiban that her boyfriend Derek Ramsay and good friend Anne Curtis dated each other before.


Sa nakaraang grand presscon ng The Wedding na pinagbibidahan nina Anne Curtis, Zanjoe Marudo at Derek Ramsay, nagulat ang lahat sa rebelasyon nina Anne at Derek na they dated each other two years ago pala.

Ito ay bago pa man naging boyfriend ni Anne si Sam Milby at naging girlfriend naman ni Derek si Angelica Panganiban.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Angelica tungkol sa pag-amin ing dalawang The Wedding co-stars, hindi raw kaya pagsimulan ito ng selosan at away nila ni Derek, lalo't magkatambal ang boyfriend niya at si Anne sa bagong teleseryeng ito ng ABS-CBN?

Sagot ni Angelica: "Hindi, di naman puwede na yung magiging boyfriend mo, ikaw lang ang naging babae o walang ibang dinate, di ba? Normal yun na may naka-date kang ibang babae. At 'tapos nakikita mo ngayon at ang nakakatawa dun, kaibigan ko pa yung babaeng yun.

"'Saka nakuwento na yun sa akin ni Derek. Matagal na nangyari yun, mga two years pa nung lumabas sila."

Kuntento at masaya ang aktres sa itinatakbo ng relasyon nila ni Derek. Isang out of the country tour nga ang gagawin nila ni Derek next year kung saan, ayon kay Angelica, nagbabalak pa nga raw silang maghanap ng trabaho doon dahil sa tagal nilang mawawala sa bansa.

"Pupunta kami sa South Africa, hinihintay na lang naming mag-July, ilang days na lang kasi, dun pa lang magbebenta ng ticket para sa World Cup.

"Naiisip nga rin namin na magtrabaho dun kasi matagal-tagal kaming mag-i-stay din, mga one month yata. Baka maubusan kami ng pera so nag-iisip kaming magtrabaho dun, maghahanap kami ng trabaho kung tatanggap sila ng short term kasi mahal yung ticket. Kumbaga kailangan namin ng pambawi."

Para kay Angel, palayaw ng dating child actress, mahal man ang mag-travel, pakunsuwelo na lang nila ito sa sunud-sunod na trabaho pag nagte-taping o nagsyu-shooting na sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mahilig talaga kaming mag-travel, favorite namin ang kung anu-anong culture and states na napupuntahan namin. Nagtatrabaho ka naman, para ding regalo mo na lang ito sa sarili mo."

Sa pelikulang ginagawa niya under Star Cinema ay kasama ni Angelica sina Gabby Concepcion at Derek. Agad naming tinanong ang aktres kung nakunan na ba ang love scene nila ni Gabby at kumusta naman ang work relationship nila ni Derek.

Masaya naman daw katrabaho ang kanyang mga leading men, pero inamin nitong noong simula ay medyo hindi pa raw siya gaanong kumportable.

"Nag-enjoy naman ako sa love scene, mukhang nag-enjoy din naman siya. Nanginginig siya nung una, kinampante ko na ang sarili ko.

"Nag-shooting na si Derek last Monday, may mga kinunan nang ibang eksena. Masaya naman, masaya kami, masarap magtrabaho na sobra kang kumportable. Iba pala talaga, totoo yung sinasabi nila, sa una ka lang maiilang pero okey na, okey na."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN