UPDATED Ruffa Gutierrez confirms John Lloyd Cruz met her parents in Los Angeles

IMAGE 0


"Kagabi [June 26], nagkaroon ng Star Magic party sa bahay ng ninang ko sa Los Angeles na invited din si Mommy at si Daddy. So, nagkita-kita sila dun kagabi. Nagbeso-beso si John Lloyd kina Mommy at Daddy. Nagkuwentuhan sila for a while. So, I'm very happy that all's well that ends well," Ruffa Gutierrez says about the meeting between John Lloyd Cruz and her parents.


Ikinuwento ni Ruffa Gutierrez na nagkita ang nali-link sa kanyang aktor na si John Lloyd Cruz at ang kanyang mga magulang na sina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez sa U.S., sa pamamagitan ng recorded interview sa actress-TV host na napakinggan sa The Buzz kahapon, June 28.

Ini-record ang interview na ito kay Ruffa noong Sabado ng gabi, June 27, habang nasa Los Angeles, California, ang The Buzz co-host para sa kanyang birthday vacation (birthday niya noong June 24). Nasa U.S. din si John Lloyd dahil isa siya sa mahigit 40 artists ng Star Magic na kasali sa U.S. tour and concert ng naturang talent arm ng ABS-CBN.

Ayon kay Ruffa, na-meet ng aktor ang mga magulang niya na sina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez, na sumunod kay Ruffa sa L.A. Ini-reveal ni Ruffa ang pagkikita na ito nina Annabelle at John Lloyd sa Los Angeles.

"Kagabi [June 26], nagkaroon ng Star Magic party sa bahay ng ninang ko sa Los Angeles na invited din si Mommy at si Daddy. So, nagkita-kita sila dun kagabi. Nagbeso-beso si John Lloyd kina Mommy at Daddy. Nagkuwentuhan sila for a while. So, I'm very happy that all's well that ends well," pagsisiwalat ni Ruffa.

HOT ISSUE. Matatandaang ilang linggo nang mainit na pinag-uusapan kung ano ang totoong namamagitan kina Ruffa at John Lloyd. Last week nga, June 21, sa The Buzz, inabangan ng marami ang naging pahayag ni John Lloyd tungkol sa kanila ni Ruffa.

Nang tanungin ni Boy Abunda si John Lloyd ng, "Do you like Ruffa?" Natatawang sinagot naman ito ng aktor ng, "As what?"

Dinugtungan ni Boy ang kanyang tanong ng, "As a girl, as a lady, you know... you like her?" At sinagot naman ito ni John Lloyd ng, "Oo naman."

Marami rin ang naintriga sa naging pahayag ng ama ni Ruffa na si Eddie Gutierrez sa guesting nito sa The Buzz last week din nang tanungin ni Kris Aquino ang tungkol kina John Lloyd at Ruffa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tanong ni Kris, "Sa tingin n'yo po ba, bukod sa pagiging magkaibigan, may namamagitan po ba kina Ruffa at John Lloyd?"

Naging makahulugan naman ang sagot ni Eddie na, "Parang may nakikita akong malalim na friendship."

Sa birthday celebration naman ni Ruffa sa Ruffa & Ai last June 22, marami ang naintriga sa controversial statement ng mga anak ni Ruffa na sina Lorin at Venice nang tanungin ni Ai-Ai delas Alas ang dalawa kung sino ba ang paborito nilang aktor? Walang kagatul-gatol na sumagot ang mga bata ng "John Lloyd!" Talaga namang ikina-react ito ni Ai-Ai pati na rin ng mga tao sa studio, na tinawanan na lamang ni Ruffa.

ANNABELLE'S REACTION. Huwebes ng gabi, June 25, na-interview pa ng The Buzz si Annabelle bago sila umalis ng asawang si Eddie papuntang U.S. para sumunod kay Ruffa na nauna nang nakarating sa L.A. Nag-react si Annabelle tungkol sa mga sinabi nina Lorin at Venice.

"Na-shock nga ako, e. Super-shock talaga ako. Pero wala akong magawa dahil mga bata naman yun. Kung ano ang gusto nila, hindi ko puwedeng pipigilan yun. Kaya ride on na lang ako kina Lorin at Venice," sambit ni Annabelle.

Kinontra rin ni Annabelle ang sinabi ni Eddie na may "malalim na friendship" sina John Lloyd at Ruffa.

"Hindi ko nakikita. Yun lang," ani Annabelle.

Nang tanungin naman ng The Buzz kay Annabelle kung kumusta na sila ni John Lloyd, 'eto naman ang naging sagot ng ina ni Ruffa: "Wala namang problema. Mabait naman pala siya."

Sa huli ay nagbigay ng mensahe si Annabelle kay Ruffa. "Message ko, Ruffa, magpakabait ka. Alam ko naman na malaki ka na. Alam mo naman ano yung tama, ano yung mali. Bahala ka na."

Maging kay John Lloyd ay may maintrigang mensahe din si Annabelle: "Kung talagang nanliligaw ka sa anak ko, galingan mo, ha, Dong. At saka huwag mo siyang lokohin, ha! Yun lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RUFFA EXPLAINS. Sa recorded interview nga ng The Buzz kay Ruffa ay sinagot niya ang mga naging pahayag ng kanyang mommy tungkol sa kanila ni John Lloyd.

"Well, para sa akin, lahat naman ng reaksiyon ng tao iba-iba. Maybe for my dad, nakikita niya na malalim yung friendship namin. For my mom naman, sa tingin niya hindi. So, yun ang opinyon nila. So, I think we should respect it. For me, ang masasabi ko lang sa sarili ko, I live for myself, and my emotions, and my happiness, and not from reactions of other people. Hindi naman ako magkakaroon ng kaibigan, babae man o lalaki, na hindi mabait," saad ni Ruffa.

Masaya raw si Ruffa dahil bago siya umalis ng Pilipinas ay naayos ang lahat ng naging gusot kaugnay ng isyu.

"Masayang-masaya rin ako na bago kami umalis papuntang L.A., naayos na rin sa pagitan ni Mommy at saka ni John Lloyd. So, yun ang pinakaimportante para sa akin. So, masaya ako, I mean, masaya ako ngayong birthday ko," wika ni Ruffa.

Nag-react din si Ruffa sa mensahe ni Annabelle para sa kanya.

"Mabuti naman naisip ni Mommy yun na malaki na ako, hindi lang sa height kundi sa edad!" natatawag pahayag ni Ruffa. "I'm so happy na-realize niya yun. I think now, kahit hindi pa ako ready sa isang malalim na relationship, I think it's also time for me to start meeting people. And you know, enjoying my life."

Sinagot din ni Ruffa ang lumabas na balita na diumano'y nag-dinner date sila ni John Lloyd noong June 23, isang araw bago ang sabay na birthday nila (June 24).

"Ay, naku, ayokong sagutin 'yan! Basta magkita na lang tayo sa Sunday," huling sabi ni Ruffa.

CORRECTION—ED'S NOTE. Sa unang report ng PEP tungkol sa balitang ito, sinabi naming kinumpirma mismo ni Ruffa na nagkita sila ni John Lloyd sa Los Angeles base sa The Buzz phone patch sa aktres. Ang headline ay: "Ruffa Gutierrez confirms meeting John Lloyd Cruz in Los Angeles."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nakatanggap kami ng tawag mula kay Shirley Kuan, kaibigan ni Ruffa at co-talent manager para kay KC Concepcion, upang ituwid ang naisulat na headline.

Tinawagan daw ni Ruffa si Shirley bandang alas-kuwatro ng hapon dito sa Pilipinas (ala-una ng madaling-araw sa Los Angeles) upang sabihin na wala siyang sinabi sa The Buzz na nagkita sila ni John Lloyd sa party sa L.A. Katatapos lang daw ni Ruffa ng kanyang appearance sa fundraising event spearheaded by her friend Monet Lu nang tumawag siya kay Shirley Kuan na nasa Pilipinas.

Ayon kay Shirley, tumawag din si Ruffa sa The Buzz upang kumpirmahin kung may sinabi siyang nagkita sila ni John Lloyd dun nga sa party. Sinabi naman daw ng The Buzz na wala siyang sinabing ganoon.

Nilinaw ni Ruffa na ang mga magulang niyang sina Annabelle at Eddie ang nakita ni John Lloyd sa party, kung saan maraming dumalong artista ng Star Magic. Siya mismo raw ay wala sa naturang party.

Ayon kay Shirley, ang sinabi ni Ruffa ay: "Nakakahiya naman kina Mr. M [Johnny Manahan, top honcho at Star Magic]. Ang daming tao sa party na makakapagsabing wala ako roon. Baka sabihin naman nila I'm making myself part of the party when I wasn't there. I just want that headline corrected."

Ginagawa namin ang pagtutuwid na ito.

Paliwanag naman ng writer na nagsulat ng artikulong ito, na-interpret niyang naroon si Ruffa. Base raw kasi sa tuloy-tuloy ng pagkukuwento ni Ruffa sa The Buzz tungkol sa pagkikita ng mga magulang niya at ni John Lloyd, parang nandoon mismo ang actress-TV host nang maganap ang insidente.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN