Kris Bernal says team-up with Aljur Abrenica still has a lot to prove in being compared to Kimerald

IMAGE 0


"Akala ko kasi, tama na yung nakalabas kami sa isang teleserye na nagbida kami. Ngayon, heto, pang-primetime na. Overwhelming and at the same time, nakaka-pressure. Kaya hindi ko rin alam kung paano sasagutin ang mga pagkukumpara, o hindi na rin kasi kailangan. May kanya-kanya kaming paglalagyan," says Kris Bernal about being compared to other stars.


Ginagawa raw pambala ng GMA-7 ang tambalang Kris Bernal-Aljur Abrenica sa mainit na loveteam ng ABS-CBN—sina Kim Chiu at Gerald Anderson. Tampok sina Kris at Aljur sa bagong primetime series ng GMA-7 na All My Life, samantalang sina Kim at Gerald ay bida naman sa top-rating primetime series ng ABS-CBN na Tayong Dalawa.

Kung si Kris ang tatanungin, nanliliit daw siya sa ganitong comparison.

"Kasi matagal na silang bini-build up. Ano naman ang laban namin? Ngayon pa lang kami sinusugalan. Nagkataong nag-hit yung afternoon soap namin na Dapat Ka Bang Mahalin?, hindi namin akalain, bibigyan kami agad ng soap na pang-primetime. At sa dami ng mga artista ng GMA-7, masuwerte kami ni Aljur na kami ang pinagtitiwalaan. Pero marami pa kaming dapat patunayan para mai-compare man lang kina Kim Chiu at Gerald Anderson. Ako nga, gustung-gusto ko si Kim. Fan niya ako," pahayag ni Kris sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Maski ang title na "Royal Couple of Primetime Television" na ikinakabit kina Aljur-Kris, hindi basta tinatanggap ni Kris dahil kailangan ay may mas matindi pa raw silang mapatunayan.

"Salamat na lang sa ganoong title," sabi ni Kris. "Pero the more na kailangang ma-challenge kami ni Aljur para patunayan na kaya naming ma-meet ang expectations ng mga tao. Nakakakaba nga. 'Tapos, may comparison pa kina Kim-Gerald. Parang nahihiya ako."

Kung kay Kim Chiu ay ayaw niyang maikumpara, may mga nagsasabi ring siya ang makakatalbog kay Marian Rivera sa pagiging reyna ng GMA Films.

"May reyna ba? Wala akong iniisip na may mga ganyan!" natatawang sabi ni Kris. "Matindi na ang napatunayan ni Marian. Malayo na ang narating niya. Ayokong basta nagsasalita na parang wine-welcome ko pa ang comparision, dahil ako rin naman ang magiging inferior.

"Hindi sa wala akong confidence, pero mas mabuting I will try to make it on my own, na hindi na kailangang nakikipag-compete pa ako. Wala namang dapat ipag-compete. Para sa ano?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa totoo lang, hindi pa rin nga makapaniwala si Kris sa suwerteng ipinagkakaloob sa kanila ni Aljur.

"Akala ko kasi, tama na yung nakalabas kami sa isang teleserye na nagbida kami. Ngayon, heto, pang-primetime na. Overwhelming and at the same time, nakaka-pressure. Kaya hindi ko rin alam kung paano sasagutin ang mga pagkukumpara, o hindi na rin kasi kailangan. May kanya-kanya kaming paglalagyan.

"Si Kim, nasa ABS-CBN siya, while si Marian naman, iba rin ang mga nagagawa niya rito sa GMA-7. Pare-parehong magaganda ang posisyon namin. At ako naman, mas dapat na mag-focus ako sa career ko, lalo na ngayon," sabi ni Kris bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN