Jessa Zaragoza on her marriage to Dingdong Avanzado: "Separation is not an option."

IMAGE 0


"I'm not saying na we're gonna be forever, kasi wala naman talagang nakakaalam nun. Pero it should not be an option talaga, lalo na meron kayong anak," says Jessa Zaragoza about her relationship with husband Dingdong Avanzado.


Balik-acting si Jessa Zaragoza via GMA-7's Rosalinda, na pinagbibidahan nina Carla Abellana at Geoff Eigenmann.

Itinuturing ni Jessa na reunion ito with Kapuso Network dahil dito siya nagsimula. Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa singer-actress last Tuesday, June 30, sa Studio 5 ng GMA Network Center para sa presscon ng Rosalinda, ipinahayag niya ang excitement sa pagbabalik sa pag-arte sa TV after six long years.

"Bale after ilang years ito, dahil ang last soap ko ay Bituin, sa kabila [ABS-CBN] yun with Ate Guy [Nora Aunor] and Carol Banawa. Actually, 2003 pa 'yon at buntis pa ako doon, e. Kaya sobrang excited ako sa project na ito [Rosalinda].

"In full circle reunion kami with GMA rito, e, dahil dito ako nag-umpisa talaga and with Direk Maryo J. de los Reyes din. Siya rin kasi ang direktor ko sa soap ko sa GMA, yung Di Ba't Ikaw?. Tapos pati yung mga staff, mga boss, sila rin boss ko dati," panimula ni Jessa.

VILLAIN ROLE. Sinabi rin ni Jessa na hindi naman siya nanibago sa muling pagharap sa camera, pero aminado siyang na-miss niya ito.

"Hindi naman ako nanibago, it's in me," aniya. "Eleven years old pa lang ako, umaarte na ako. E, 30 na ako ngayon. Na-miss ko lang at isa pa, sobrang excited ako and it's something new for me dahil I'll be playing the role na kontrabida na talagang pang-Mexican, mataray. Alam n'yo naman yung mga Mexican na matataray na sopistikada, e. First time ko ito na bad ang character ko, na aapihin ko si Rosalinda [Carla]."

Okey lang ba sa kanya ang maging kontrabida?

"Okey lang naman sa akin," sagot ni Jessa. "Kasi if you are an actress naman talaga, dapat you're ready to play any role. At saka yung mga tao ngayon, alam na nila 'yon, naiintindihan na nila na role lang ito, trabaho lang. Ang role ko nga rito, gusto ni Direk ay sensual na bad, ganoon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magpapatalbugan ba sila ni Katrina Halili rito bilang kontrabida?

"Mas makakaengkuwentro ko rito ang nanay ni Rosalinda, si Glydel [Mercado]. Si Ariel [Rivera] na asawa ni Glydel, asawa ko rin, kaya ayun," sabi ni Jessa.

STILL MARRIED. Kumusta na sila ni Dingdong? Sila pa rin ba talaga?

"Ngayon nandoon siya sa States, mayroon siyang inaasikasong business namin doon. Oo, we're very much married and we love each other very much," ani Jessa.

Pinabulaan din niya ang napabalitang hiwalayan nila ni Dingdong noon.

"Wala, walang hiwalayan talaga," paglilinaw ng Phenomenal Diva. "Alam mo, sobrang thankful ako sa Panginoon na hanggang ngayon buhay pa rin ako, na nabigyan ako ng pagkakataon na, kumbaga, mapagyaman ko yung wisdom na natutunan ko, not only sa pagtatrabaho, pati looking back sa mga taong nakatrabaho ko. Even yung mga press na nakatrabaho ko way back sa That's Entertainment, kasi naging nanay din ako ngayon, parang iba, e, iba yung maturity na napunta sa akin. Masarap."

Pero nagkaroon ba ng time na muntik na silang maghiwalay ni Dingdong?

"Sa relationship namin ni Dingdong, siyempre, hindi maiiwasan na hindi kami nagkakaroon ng problema, like yung normal na mag-asawa rin. Pero not to the point na maghihiwalay. Kumbaga sa amin, yung paghihiwalay should not be an option. Di ba? I'm not saying na we're gonna be forever, kasi wala naman talagang nakakaalam nun. Pero it should not be an option talaga, lalo na meron kayong anak.

"Kami, intact pa rin. Kumbaga, parang kung ano yung nakikita ng mga tao sa labas, mas solemn yung nasa loob. Kasi ano, e, talagang even before pa, mahal namin ang isa't isa. Kaya dati noong nagkaroon ng malaking issue na parang baka nai-insecure ako sa kanya or something, siyempre ako, tahimik lang ako noon, e, hindi ako nagsasabi na mayroon akong Rosalinda or what. Ano kasi yun, e, timing-timing bale. At ayokong sapawan si Dingdong when he had a concert with Rachel [Alejandro], kasi marami siyang shows, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, parang sa akin, his success is my success. Walang insecurities, walang competition. Hindi perfect ang relationship namin, pero talagang the Lord knows na nagmamahalan talaga kami bilang mag-asawa," mahabang saad niya.

Six years old na ang anak nilang si Jayda, may plano ba silang sundan na ito?

"Hindi pa muna," sagot ni Jessa. "Siguro kapag na-launch ko na yung album, yung commitment ko na-fulfill ko na, that's the time siguro na magpaplano na kami. Ako, ang sa akin na talagang pinagdadasal ko nang matindi ay yung album ko, Jessa Sings the Great Singing Idol, confirmed na. Yung concept ng album may minus one siya, 13 cuts. So, ito bale ang pagkakaabalahan ko, aside from Rosalinda."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN