Sharon Cuneta laughs off sex-video rumor about daughter KC Concepcion

IMAGE 0


"Tawa ako nang tawa... E, di sana umiiyak na ako ngayon. No, my God, kadiri, ano ba 'yan! Maling-mali yun, that was so foul. You don't do that to any woman," says Sharon Cuneta about reports that her daughter KC Concepcion has alleged sex video with Hayden Kho.


Balik-trabaho na si Sharon Cuneta after ng successful concert series niya sa abroad kamakailan, kung saan nakasama niya ang anak niyang si KC Concepcion. Kahapon, July 1, ay sumabak na agad si Sharon sa shooting ng Regal movie na OMG! (Oh My Girl!), na pinagbibidahan nina Judy Ann Santos at Ogie Alcasid.

May special guest appearance si Sharon sa OMG! Gumaganap siya rito bilang si Guada, isang pekeng manghuhula. Susunod namang gagawin ni Sharon for Regal ang pang-anim sa serye ng Mano Po movie.

Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng ibang entertainment press during the set visit kahapon sa shooting ng OMG!, na ginanap sa St. Martin de Tours sa Taal, Batangas, isa sa mainit na pinag-usapan ang tungkol sa anak niyang si KC.

Dahil sigurado nang gagawin ni Sharon ang Mano Po 6, posible bang makasama niya rin sa cast nito si KC?

"Hindi, e. Meron din siyang nakakasa. You know, she has her co-managers, sina Sandra Chavez at Shirley Kuan. Siyempre, they have plans for her career din na iba. So, 'tsaka na yung kaming dalawa na magkasama.

"Ang alam ko, merong offer sa kanya na sila ng Papa niya [Gabby Concepcion], na okay sa akin. Hindi ko lang alam kung nakakasa na, kung nakapagpaalam na rin siya nang maayos sa daddy niya. Wala namang kaso sa amin yun. I think meron din siyang makakasamang parang yun ang ka-team up niya doon, bukod sa papa niya, kung matuloy yung movie. So, siguro yung amin, we'll save the best na talagang for later na kami talaga yung magkasama," pagsisiwalat ni Sharon.

SEX-VIDEO ISSUE ON KC. Kamakailan ay nadawit ang pangalan ni KC sa mga babaeng nakunan diumano ng sex video with Hayden Kho. Hindi ba siya nagalit sa kumalat na intriga ito?

"Tawang-tawa ako doon. Wala talagang katotohanan yun," sabi ni Sharon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang comment niya sa isyu na binayaran niya raw ang may hawak ng video para huwag nang lumabas ang sex video umano ni KC?

"Ang dami ko nang binabayaran! Yung mga utang ko sa bangko!" biro ni Sharon.

"Kayo naman, ako nga naisyu noon. Ang tanong ko, sexy ba? Tawa ako nang tawa. Bakit ko naman babayaran yun, e, di sana pinakulong ko na lang siya? Di ba naman? Of course not! Hindi ko kayang mag-lie. E, di sana umiiyak na ako ngayon. No, my God, kadiri, ano ba 'yan! Maling-mali yun, that was so foul. You don't do that to any woman."

Ano naman ang naging reaksiyon ng asawa niyang si Sen. Kiko Pangilinan about sa isyu na ito kay KC?

"Alam mo bang we never talked about it?" sabi niya. "Wala, kasi it's a non-issue as far as we're concerned. Non-issue talaga. Oo nga, kahit kami ni Kiko, hindi talaga namin napag-usapan 'yan. It only came out once, not between me and Kiko. Yung mga kasama ko, yung mga araw-araw na kasama ko, yung yaya ni Frankie ang nagkuwento sa akin. 'Ma'am pati nga yung tsismis...' Ay, naku! Nakakagulat, ano ba yun!"

KC & PIOLO. Malapit nang mapanood sa teleseryeng Lovers In Paris si KC, kung saan katambal nito si Piolo Pascual. Balitang nagiging close na sa isa't isa ang dalawa. Naitanong tuloy ng PEP kay Sharon kung happy ba siya sa friendship nina KC at Piolo Pascual.

"I'm happy," sagot ng Megastar. "They're enjoying Lovers In Paris. It's turning out to be a really nice teleserye. And Piolo is part of their small group. You know, they go to church together with the rest of the group [ASAP]; sina Mark [Bautista], Erik [Santos], Sam [Milby], Christian [Bautista], pati si Richard Poon nakakasama na rin.

"So, I cooked for them a couple of times na in the house. Everyone naman is welcome at home. So, as long as wala namang... You know, ako I feel secured, e, 'pag si Piolo ang kasama niya, or anybody from their small group. Kasi nakikita kong napakadidisente, nagpapaalam nang maayos. Pag dadating sa bahay, they are all welcome. Ang joke ko nga, 'Matulog kayong lahat dito para masaya ako!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Totoo bang nanliligaw na si Piolo kay KC?

"Parang si KC ang tanungin n'yo niyan dahil hindi na ako sure kung sino ba sa kanila ang nanliligaw sa anak ko. At saka when I was doing BFF [Sharon's movie with Ai-Ai delas Alas], hindi ko na rin sila nakikita. And busy din sila sa taping. Grabe ang schedule nila, umaalis si KC ng alas-kuwatro ng umaga! Hindi ko na sila nakikita," saad niya.

Ano naman ang comment niya sa intrigang gimik lang daw ang pagiging close nina KC at Piolo para sa publicity ng Lovers In Paris?

"Alam mo, ang natutunan ko sa showbiz, lahat ng nag-iisip na gumigimik o kahit ano, bahala na sila sa iniisip nila. In other words, I don't make it my problem. Kung close sila, hindi naman ibig sabihin na mag-boyfriend sila. Imposible namang hindi mo maging ka-close ang katrabaho mo kung lagi kayong magkasama—ke babae, ke lalaki yun. Kahit nga staff nagiging close mo, yun pang leading man mo?" reaksiyon ni Sharon.

Dahil sa pagiging busy ni KC, may time pa ba ang anak niya to go out and have fun?

"I don't know if she has time to have fun, kasi it's all work, di ba? She was telling me noong nasa States kami, 'Mom, when I go home, I go straight to taping again.' Sabi ko, 'You better rest kasi mahirap ang teleserye talaga.' Ako, hindi kaya ng powers ko ang teleserye, tatanda ako."

SHARON LOVES THE MOVIES. So, ayaw niya talagang mag-teleserye?

"Gusto ko, pero hindi yung all the scenes ako. Huwag naman, kailangan may cut-off ako. Joke, joke! Pero hindi ko kaya," sabi niya.

Pero kinu-convince na ba siya nina Ms. Charo Santos Concio na gumawa ng teleserye?

"A long time ago pa. Pero I don't think meron ngayon [offer]. Siguro kasi, ayoko rin. Mas gusto ko pang maglagare ng tatlong pelikula kaysa mag-teleserye. Mas napakasaya ko sa set ng pelikula. Super talaga, parang nalulungkot ako kapag wala akong shooting," ani Sharon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN