Richard Gomez explains his surprise appearance in Wowowee

IMAGE 0

"Tumawag ako sa kanya. Sabi niya, sige raw, dumaan na ako. Siya lang ang dadalawin ko, pero tinawag na niya ako sa harap ng kamera. Pinaalam pa niya. Ako pa? Wala namang problem doon. Hindi pinlano. Wala akong dinalaw na ABS-CBN executives. Si Willie lang talaga. Puro text lang kami, hindi naman kami nagkikita. Nagkasakit siya. I just wanted to see him kung okey siya," says Richard Gomez about his surprise appearance in Wowowee.


First "out-of-the-box" film na masasabi ng aktor na si Richard Gomez ang Bente, ang huling pelikula sa Sine Direk series ng Directors Guild of The Philippines, Inc. (DGPI) at APT Entertainment ni Tony Tuviera. Generally, it was a good experience for Goma. Inulan ng papuri mula sa mga manonood at kritiko ang nasabing pelikulang idinirek ni Mel Chionglo pagkatapos ng special screening nito kagabi, July 2, sa Podium, Ortigas Center, Pasig City.

"Hindi ko pinanood ang editing. Mas ginusto kong panoorin ang final cut. I'm very happy about it. Maganda ang pagkakagawa, not because kasama ako sa movie. Proud talaga ako na tinanggap ko ito," sabi ng aktor nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) after the screening.

Ito na ba ang simula ng pagpapatianod niya sa indie cinema?

"Depende pa rin sa material," ani Goma. "First time kong nabasa ang script nito, umoo na agad ako. Kahit walang bayad. Gusto ko kasi ang project. Sabi ko kay Mel [Chionglo], hindi na niya ako kailangang pilitin. Okey na agad sa akin."

Dinagsa si Goma ng scripts na ipinadala sa kanya sa kanilang bahay. Namimili siya ngayon sa mga ito kung ano ang susunod niyang uumpisahan.

WOWOWEE APPEARANCE. Kahapon naman sa noontime show ng ABS-CBN na Wowowee, bigla na lang lumitaw si Goma roon nang hindi inaasahan ng mga manonood. May mga nagtatanong ngayon kung hudyat na ito ng pagbabalik niya sa Kapamilya Network.

"Close friend ko si Willie [Revillame], noon pa," banggit ni Goma. "That day, nagkataon na nandoon ako sa studio, binisita ko siya. Parang promo na rin para sa Bente, I grabbed the opportunity.

"Tumawag ako sa kanya. Sabi niya, sige raw, dumaan na ako. Siya lang ang dadalawin ko, pero tinawag na niya ako sa harap ng kamera. Pinaalam pa niya. Ako pa? Wala namang problem doon. Hindi pinlano. Wala akong dinalaw na ABS-CBN executives. Si Willie lang talaga. Puro text lang kami, hindi naman kami nagkikita. Nagkasakit siya. I just wanted to see him kung okey siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala namang deal na magtatrabaho ako sa ABS-CBN. But, you know, walang magiging problema kung may ganoong trabahong iaalok sa akin. Not for anything else, 14 years akong nagtrabaho sa Kapamilya Network noon, walang masama kung dumalaw ako sa kanila once in a while," paliwanag niya.

Pero wala raw offer ang Dos sa kanya. Alam kasi nila na may commitment pa si Goma sa GMA-7.

"I'm doing Family Feud sa GMA," paglilinaw niya. "Pagkatapos ng Hole in the Wall, babalik ang Family Feud. Dalawang seasons yun. Kinuha nila ang rights sa Fremantle ng dalawang shows na yun, tig-dalawang seasons. Kung hindi man nila gawin yung show, they still have to pay for it. So, they might as well do them na lang, di ba? Hindi akalain ng GMA-7 na magiging maganda ang response ng mga tao sa Family Feud."

Pagkatapos ng All About Eve, wala munang susunod na series si Goma. Nag-pinch-hit lang siya one time sa Are You the Next Big Star? nang magkasakit si Regine Velasquez. Ipinaalam nga sa kanya na may sakit si Regine, umokey naman agad si Goma.

September pa ang simula ng taping ni Goma para sa Family Feud.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN