Paolo Contis stands by girlfriend Lian Paz amidst Lian's health problems

IMAGE 0


Prized GMA-7 talent and eligible bachelor Paolo Contis says his relationship with girlfriend Lian Paz remains strong.


Matagal-tagal na ring namamahinga sa Eat Bulaga! si Lian Paz bilang miyembro ng all-female group na EB Babes dahil na rin sa ovarian cyst nitong balita na kasing laki raw ng golf ball ang sukat. Ayon sa lumabas na balita, hormonal imbalance ang naituturong rason ng cyst na tumubo sa obaryo ni Lian at sa ngayon ay nangangailangan ito ng pahinga at puspusang medikasyon.

Sa ganitong mga kaso raw, kung hindi maaagapan ay malaki ang posibilidad na hindi na magkaanak ang isang babae. Pero sa kabila nito ay nagbigay naman ng assurance si Paolo Contis, boyfriend ng EB Babe, na hindi problema sa kanya kung magkatuluyan man sila ng girlfriend at di sila palaring magkaanak.

"Okey lang, wala namang kaso yun," sabi ni Paolo sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Puwede namang mag-ampon saka bakit mo sisihin ang isang tao sa di naman niya kasalanan? Nagkasakit siya, hindi niya kagustuhan yun saka hindi ko naman siya niligawan dahil gusto kong magkaanak. Tanggap ko siya kung anuman siya. Saka hindi yun ang iniisip namin-yung health niya bago yung iba pang mga bagay-bagay."

Ayon kay Paolo, maayos naman ang kalagayan ni Lian at nakukuha pa ito sa medication, lalo't lumiit na ang cyst dahil sa iniinom na gamot ng girlfriend.

"She's doing great. Pahinga lang siya and so far umo-okey na naman, lumiit yung cyst. Hormonal imbalance kaya kailangan ng pahinga talaga. Di siya gagaling hangga't di siya bibigyang pansin. Hindi naman siya sobrang sama, pero siyempre dapat bigyang pansin para di lumala. So far, hindi kailangan ng operation. Pero malalaman namin yun by August, it would be third month of her rest."

RELATIONSHIP IS DEEPER AND STRONGER. Sa pagsisimula ng relasyong Paolo at Lian, marami ang humula noon na mauuwi ito sa hiwayalan dahil naniniwala ang iba na ang sobrang bilis daw na relasyon ay mabilis ding natatapos. Pero taliwas sa inaasahan ng marami, their relationship is getting deeper and stronger.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pakiramdam ba ni Paolo ay vindicated na sila ni Lian, at ano ba ang sikreto nila kung bakit tumagal ang kanilang relasyon?

"Well, yeah, kahit paaano nakatingin pa rin sa amin yung mga taong yun. Sigurado ako dun, hinihintay pa rin nila na may mangyari sa amin. Hindi namin inaalagaan ang relasyon namin dahil gusto naming ma-vindicate, ang importante masaya kami. I can say na oo, naging challenge siya for both of us para mapatunayan ang mga sarili namin.

"Secret? Hindi ko alam, nagulat din kami na masaya kami. I think kahit anong paghihirap mo, pag di kayo, di kayo. Finally someone arrived, medyo mabilis ang pangyayari. But if it's the two of us, it's the two of us. I think constant commuication is important, we always talk about our problems, lahat nadadaan sa usapan sa aming dalawa. So it's very good."

May mga balitang lumabas before na hindi raw boto ang pamilya ni Paolo kay Lian, partikular ang ina ng aktor. Ayon pa sa balita, mas boto raw kasi ang mommy ni Paolo sa dating girlfriend nito na si Isabel Oli.

"It's a question of perception, may mga taong nakialam," sabi ni Paolo. "Mommy ko bilang hindi showbiz na tao, marami siyang nakausap na nagbigay ng hindi magandang idea. But I guess it's a family problem, mas gusto naming yung ayusin sa bahay, darating din kami dun. Ayoko na kasing madamay ang mommy ko. Habang lumalaki lalo lang mahihirapan tayong maayos. But eventually, maayos din ang lahat."

As for Isabel, sinabi ni Paolo na maayos ang naging paghihiwalay nila.

"Okey ang paghihiwalay namin. I would be happy kung malalaman ko na mayroon na siyang iba. Siyempre, gusto natin masaya ang lahat. Alangan naman ako lang ang masaya? Gusto ko masaya rin siya. Sana makakita siya ng para sa kanya the way na nakita ko ang para sa akin," pagtatapos niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN