Melissa Ricks denies she and Rayver Cruz are going steady

IMAGE 0


How is Rayver Cruz (inset) not Melissa Ricks' boyfriend, let her count the ways: "Never siyang nanligaw sa akin. Never siyang nag-attempt o nagparamdam. Never kaming lumabas dalawa at hindi rin totoo na sinusundo niya ako sa condo. Never kaming nag-date, never kaming nanood ng sine together."


Sa kabila ng patuloy na pagde-deny nina Melissa Ricks at Rayver Cruz na may espesyal na relasyon na namamagitan sa kanila, consistent din ang pagsulpot ng mga balita na nagdidiin naman na may itinatagong relasyon ang dalawa.

Ang pinagtatakhan ng marami, mga fans ang nagpapadala ng e-mails na nagsasabi na there's really something special going on between the two. Nandiyan ang balita na nakita raw na nagde-date ang dalawa sa Alabang Town Center, na personal na raw ipinakilala ni Melissa ang young actor sa pamilya niya, at iba pa.

Kamakailan nga, pati mga fans daw ni Sarah Geronimo ay nagbitaw na ng maaanghang na salita na huwag sanang gamitin nina Rayver at Melissa ang Pop Princess para pagtakpan ang tinatago nilang relasyon.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Melissa, nagbigay linaw ang aktres sa mga lumalabas na balita tungkol sa kanila ni Rayver.

"Matagal na kasing issue 'yan na tinatanong sa amin ni Rayver. Rayver is only a friend. Never siyang nanligaw sa akin. Never siyang nag-attempt o nagparamdam. Never kaming lumabas dalawa at hindi rin totoo na sinusundo niya ako sa condo dahil hindi niya alam kung saan ako nakatira. Nakilala niya ang mommy ko dahil isinama ko ang mommy ko papuntang ASAP, and that's it. Never kaming nag-date, never kaming nanood ng sine together."

Ayon pa sa mga lumabas na balita, alam daw nina Kim Chiu at Gerald Anderson ang tungkol sa balita. Maging ang nabalitang nanligaw raw kay Melissa na si Jake Cuenca ay alam ang tungkol dito kaya kahit sinabi ni Jake na gusto niya ang aktres ay hindi raw naaapektuhan si Rayver.

"Lumalabas sina Kim, Gerald, Matt [Evans] and Rayver, pero hindi ako kasama sa mga gimik nila. Usually kasi after ASAP, nagsisimba ako, lumalabas sila minsan. Wala silang alam dahil wala naman silang dapat malaman dahil di naman totoo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Jake naman, binibiro niya kami, 'Uy, mag-boyfriend pala kayo.' Pero sabi ko, hindi naman, hindi totoo."

HATE E-MAILS. Kuwento ni Melissa, marami siyang mga hate e-mails na natatanggap na binabalewala na lang niya. Sa mensahe naman ng mga Sarah fans na nagsasabing huwag na sanang pagtakpan pa nina Melissa at Rayver ang relasyon nila, at para gawin ito ay gagamitin pa ang kanilang idolo, heto ang ibinigay na mensahe ni Melissa:

"To be honest nakaka-hurt kasi yung ibang mga tao, nakakasakit talaga sila, like sa mga e-mails, ang iniiisp ko na lang, hindi naman totoo, so bakit ako maaapektuhan?

"Para sa mga Sarah fans, me and Sarah, we're friends. I really, really like Sarah ever since SCQ [Star Circle Quest] days pa, kasama na namin siya sa SCQ and wala naman kaming problema ni Sarah. So sana huwag namang lagyan ng issue kami ni Sarah. Isa pa, hindi kami gumagamit ng ibang artista para lang may mapagtakpan o marating pa ang mga gusto naming marating. We work hard for whatever we have.

"Dun sa mga gumagawa naman ng istorya na mayroon daw mga reliable sources, yung mga reliable source ninyo, hindi alam ang mga sinasabi nila. Sana huwag ninyo munang i-judge kami before you believe anything."

Sa kabila ng mga issues na pinupukol sa ngayon kay Melissa, maganda naman ang itinatakbo ng kanyang career kung saan consistent din ang mataas na ratings ng Kambal sa Uma.

"Kambal is doing very well. Sana subaybayan nila yung transformation ni Ella to Venus. Mas marami pang kapanapanabik na mga eksena ang dapat nilang abanagan so sana patuloy na manood sila sa amin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN