Freddie Aguilar turns deaf ear to politicians who want him to run for office

IMAGE 0


Interested political parties tell Freddie Aguilar that his instant name recall can get him votes in the remotest barrios and even land him in the Senate, but the outspoken musician won't join the fray. "Magulo na nga yung showbiz, mas magulo sa politics."


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong July 3, ang veteran singer na si Freddie Aguilar sa grand opening ng kanyang Ka Freddie's Music Bar and Restaurant na matatagpuan sa Adriatico St. corner Pedro Gil St., Malate, Manila.

Tinanong ng PEP si Freddie kung bakit wala siyang bagong album ngayon.

"Ang huling album na nagawa ko yung Freddie Aguilar's Lovesong. Last year yun na-release. At kaya hindi ko na sinundan yun dahil alam ko naman na malulugi lang ako dahil sa pamimirata," sabi ni Freddie.

"Dati in three months, bawi ko na yung puhunan ko. Ngayon tatlong taon bago ko mabawi. So bakit pa ako magpo-produce, di ba?"

PRESSURE TO JOIN POLITICS. Marami nang artista at maging singer ang pumasok na rin sa pulitika. Siya ba ay may balak ding maging isang politician? Kung susubukan, malaki naman ang tsansa niya na ma-penetrate ang politics dahil kilalang-kilala siya at alam ng marami ang pagiging isang makabayan niyang singer.

"Hindi ako mahilig diyan,"sagot ni Freddie. "Sinubukan ko pagkatapos ng rebolusyon [1986 Edsa Revolt]. Hindi ko kaya yung sistema. Magulo na nga yung showbiz, mas magulo sa politics."

Inamin ni Freddie na may mga grupo na hinihikayat siyang pasukin ang pulitika.

"Minsan naano ako, ah, parang nawalan na ako ng alibi para tumanggi sa kanila. So ang ginawa ko kinausap ko yung mga gustong sumuporta sa akin. Hindi naman nila nai-deliver yung gusto ko. Sabi ko, 'Sige, tatakbo ako pero mag-deposit kayo ng 200 million sa bank account ko.' Para kako pag iniwanan ninyo ako in the middle of campaign meron akong panggastos sa sarili ko.

"Pero pag hindi ko naubos kako yung 200 million at nanalo ako, kako wala na kayong pakialam sa 200 million. Kung ipagpatayo ko ng eskuwela yung bata, kung gastusin ko, hindi ninyo ako pakikialaman. Hindi ninyo puwedeng sabihin sa akin na 'Naku, huwag mong gagalawin yan.' Ayun, hindi na sila nagpakita," natatawang kuwento ni Freddie

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi ang katwiran ko, anong ginawa nila kay Mang Bert 'Tawa' Marcelo [namayapang komedyante], iniwanan nila sa gitna ng kampanya. Namatay yung tao sa sama ng loob. Anong nangyari kay FPJ [Fernando Poe Jr.]? Iniwan din sa gitna ng kampanya. Namatay din na may sama ng loob, di ba? So natututo ako ng lessons sa pangyayari, di ba?

"Kaya etong makulit na grupo, kahit ilang beses na akong tanggi nang tanggi na ayaw ko sa politika pero sige pa rin sila sa pamimilit sa akin, kaya ganoon na nga lang ang naisip kong paraan, ang hingan sila ng 200 million pesos, na hindi naman nila maibigay kaya nga ayun, hindi na nga sila nagpakita sa akin.

"Sinabi ko pa sa kanila na pag nanalo ako, huwag ninyong ipapaalam sa akin na may mga iligal kayong ginagawa dahil ako mismo ang makakalaban ninyo. Saka huwag ninyo kako akong pakikialaman sa advocacy ko," natatawang kuwento ulit ni Freddie.

GOOD WISHES FOR CORY'S HEALTH. Anong dahilan at ganoon na lang ang pangungulit ng grupo sa kanya para pumasok siya sa pulitika?

"Ang tingin kasi nila, magiging isang malinis akong politiko. Maganda naman ang tingin nila sa akin. Ang gusto nila, sa Senado ako tumakbo. Sigurado raw na mananalo ako, baka mag-topnotcher pa raw ako dahil kilala daw ako nationwide. Kahit daw saan sila pumunta, kahit daw doon sa bundok na walang kuryente, pag tinanong daw na Freddie Aguilar, kilala raw ako ng mga tao. Pero ayoko talagang subukan ang politika."

Isa si Freddie sa sumuporta sa kandidatura ni Mrs. Corazon Aquino nang tumakbo ito sa presidential election noong 1986. Ano ang wish ni Freddie kay Mrs. Aquino ngayong may sakit siyang colon cancer?

"Health," sagot niya. "Kasi we need the wisdom of Cory Aquino kahit sabihin mong hindi niya nagawa yung expectation ko nung presidente pa siya. Kasi, di ba, bawat presidente may agrarian reform? Kasi yan ang pinakaimportante sa lahat, e. Yan ang pangmahirap, e, di ba? Yun lang, hindi niya yun naayos. Hindi ko na kailangang sabihin pa yung iba na expectation ko sa kanya na hindi niya nagawa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN