Ruffa Gutierrez confirms paparazzi photos of her and John Lloyd Cruz in L.A. are authentic

IMAGE 0


"You have nothing to be worried about. We're just hanging out and going shopping. He's my shopping buddy," says Ruffa Gutierrez about her rumored affair with John Lloyd Cruz.


Hinintay talaga ng mga tao ang pagbabalik ni Ruffa Gutierrez sa Pilipinas mula sa kanyang pagbabakasyon sa U.S. para sagutin ang lumabas na mga isyu tungkol sa kanila ni John Lloyd Cruz, gaya ng pagkakaroon umano nila ng relasyon at paglabas ng mga litrato nila rito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at mga pahayagan na nagpapakitang nagkasama at nagkita silang dalawa sa U.S.

Last week, June 28, ipinarinig sa The Buzz ang recorded interview kay Ruffa, kung saan kinumpirma niya na nagkita si John Lloyd at ang kanyang mga magulang na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama sa Los Angeles. Pero hindi naman sinagot ni Ruffa ang tanong ng The Buzz kung nagkita nga ba silang dalawa ni John Lloyd doon. Lalo pang na-curious ang mga tao sa paglabas ng mga litrato nila na kuha sa U.S.

Kahapon, July 5, sa muling paghu-host ni Ruffa sa The Buzz ay hindi na siya nakaiwas na sagutin ang mga isyung ito. Nagmistulang isang eksena sa courtroom ang studio habang tinatanong ni Boy Abunda si Ruffa. Iprinisenta rin si Boy sa harap ng mga tao sa studio, na nagsilbing "jury," ang mga litrato bilang ebidensiya.

FIRST EVIDENCE. Unang litratong ipinakita ni Boy ay ang larawan ng isang lalaki at isang babaeng nakatalikod habang papasok sa isang hotel sa Beverly Hills, at napag-alaman ngang ito ay sa SLS Hotel. Ang babae ay may hawak na pink bag, samantalang naka-backpack naman ang lalaki habang hila ang isa pang bag. (Click here to read related story.)

Boy: Silence in the court! Sandali lamang. Narito po ang nasasakdal. Ruffa Gutierrez, handa ka na ba na sagutin ang mga katanungan ng bayan? Handa ka na ba?

Ruffa: Yes, Tito Boy!

Boy: Narito na ang ating jury. Silence in the court... I will charge you for contempt. Dalawang katibayan, dalawang ebidensiya lamang ang ating pinag-uusapan dito. At tatanungin po natin ang nasasakdal, si Ruffa Gutierrez, kung totoo ang mga ito. Ito ang unang litrato, ipakikita natin sa jury. Ayan po, 'ayan po ang litrato. Ms. Ruffa Gutierrez, ito bang dalawang taong ito ay ikaw at si John Lloyd Cruz? Ang sagot...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ruffa: Opo.

Boy: Silence in the court! Ruffa Gutierrez, gusto mo bang magpaliwanag?

Ruffa: 'Yan yung bag (ang pink bag na bitbit niya sa larawan) na binigay ng mommy ko noong birthday ko. And yun, kami nga talaga yung nasa litratong 'yan.

Boy: So, ano nga ang kuwento sa likod ng litratong ito? Kayo ba'y nagkita roon? Ano ba ang iyong ginagawa rito?

Ruffa: Alam n'yo kasi, first time niyang makapunta sa L.A. [Los Angeles], nagbabakasyon. So, sinamahan ko siya diyan. Kasi right now, SLS Hotel is the hottest place now. So, sabi ko sa kanya, dapat diyan na lang siya mag-stay. Sorry, hindi naman ako makakapag-stay kasama ka, kasi I have my own place naman in Beverly Hills. Hinatid ko lang siya.

Boy: Sandali lamang. Hanggang lobby ka lamang?

Ruffa: Hanggang lobby lang ako.

Boy: So, hinatid mo si John Lloyd sa hotel para doon siya manirahan? [Biglang may sumigaw ng "echos!" sa loob ng studio na tila hindi sumasang-ayon sa naging pahayag ni Ruffa.]

Ruffa: Bakit echos? Nakita mo na ba yung place ko sa L.A.? Much nicer! Bakit ako gagastos?

Boy: Ruffa, tinatanggap mo na ang litratong iyan ay ikaw at si John Lloyd?

Ruffa: Yeah, but it doesn't say anything. Sana naman yung kumuhang paparazzi sinundan kami hanggang sa loob doon at kung ano ang ginawa namin, di ba?

Boy: At ang inyong ginawa lamang?

Ruffa: Kumain.

Boy: Kumain kayo doon sa restaurant sa hotel?

Ruffa: Oo, kumain kami sa restaurant sa hotel. Dapat, di ba, kung talagang magaling silang paparazzi, dapat sinundan kami hanggang sa loob?

Boy: Huwag mo nang sasabihin 'yan baka gawin 'yan sa susunod.

Ruffa: Okay lang, wala naman akong itinatago.

Boy: You helped him because he doesn't know his way around in L.A.

Ruffa: Yeah. Honestly, kidding aside, I think there's really nothing wrong kung magkita kami ni John Lloyd doon. We enjoy each other's company. We text, nagtatawagan kami. And we do go out. So, wala naman po sigurong masama doon dahil disente naman si John Lloyd. Single naman siya, single naman ako. [Muling naghiyawan ang mga tao sa studio.] Hindi pa ako tapos. Teka... Ngayon, ang gusto sigurong malaman ng buong bayan, kung ano talaga ang totoong score sa amin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Boy: Sandali, mamaya pa 'yan.

SECOND EVIDENCE. Kung sa unang litrato ay nakatalikod sina Ruffa at John Lloyd, ang sumunod na larawang ipinakita ni Boy ay nakaharap na silang dalawa at kitang-kita na sila nga iyon habang magkasama sa isang shopping area sa Beverly Hills. (Click here to read related story.)

Boy: Punta tayo sa pangalawang litrato, mga kaibigan. Gusto kong tignan n'yo po ito. 'Ayan po ang ating pangalawang ebidensiya. Ruffa Gutierrez, ikaw ba ito at si John Lloyd? As if naman hindi, ano? Ikaw ba ito at si John Lloyd at ano ang ginagawa n'yo sa litratong ito?

Ruffa: Well, 'ayan, i-focus n'yo sa litrato. Based sa litratong 'yan, kami'y nasa... walang pakialam sa mundo at naglalakad, at namimili, at nag-e-enjoy, nagsa-shopping. Meron siyang binabasa, e. Yun yata yung sa Gossip Girl, e... spotted!

Boy: So, you are shopping here?

Ruffa: Yeah, nagsa-shopping naman kami. Dyusko, napaka-wholesome naman ng litratong 'yan. Wala namang implicating diyan. Kami din po ang nasa litratong ito.

THE REAL SCORE. Pagkatapos magpaliwanag ni Ruffa tungkol sa mga litrato nila ni John Lloyd, sumunod namang tinanong ni Boy kay Ruffa ang tungkol sa umano'y pagkakaroon nila ng relasyon.

Boy: Ito na ang tanong ng bayan, ang tanong ng jury. Ano ba talaga ang relasyon ni Ruffa Gutierrez at ni John Lloyd Cruz?

Ruffa: [Nagtilian muna ang mga tao sa studio bago sumagot si Ruffa.] Mga excited! Kaya lang lumaki nang lumaki ito sa mga excited, e. Actually, ang totoo po, we are not a couple. We enjoy each other's company. We go out. We text. Pero hindi po kami magkasintahan, okay. So, relax lang kayo. Sana naman... You know, like I said, wala naman pong masama whether I enjoy time, whether with a female or with a male friend. Mabait naman si John Lloyd, di ba? Okay lang naman siguro na maging kaibigan ko siya, na makilala ko siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Boy: Okay, bilang abugado mo. Abugado mo na ako, ha. Sometimes, mga kaibigan, it's very uncomfortable for a girl to talk about...

Ruffa: I'm a lady, di ba? And that's all I can say for now. And yun.

MR. M'S STATEMENT. Sa gitna ng kontrobersiyang ito, naglabas naman ang statement si Mr. Johnny Manahan, o kilala bilang si Mr. M, bilang representative ng Star Magic na humahawak sa career ni John Lloyd Cruz.

Boy: Mga kaibigan, as a matter of fact, meron po tayong statement from Mr. Johnny Manahan, ang tumatayo pong manager ni John Lloyd Cruz sa Star Magic. Mga kaibigan, Pilipinas, Ms. Ruffa Gutierrez, narito po panoorin natin.

Isang video clip ang sumunod na ipinakita na naglalaman ng statement ni Mr. M. Narito ang kabuuan ng statement na iyon:

"Lloyd has been a passionate, dedicated and hardworking actor since the age of 14. He has earned the respect and admiration of his peers and his co-workers through the years and he deserves to have some fun and to enjoy life. There is nothing wrong with enjoying the day in the company of a fine young lady like Ruffa who took the time to show Lloydy around Beverly where she has a house.

"For all of Lloydy's many concerned fans and supporters, I assure you Lloydy is a good, responsible, young adult deserving of your respect and admiration. I'm sure you'd find it in your hearts to allow him to celebrate his own birthday in his own simple and quiet way. Nagpapasalamat po ako sa inyong pag-unawa. Salamat sa inyong pagmamahal at patuloy n'yong pagsuporta kay John Lloyd."

RUFFA'S FINAL WORDS AND REQUEST. At sa huli ay hiningan na ni Boy si Ruffa ng huli niyang pananalita.

Ruffa: Okay. Well, you know, I face a lot of challenges in life. Yes, I'm ready to meet people. I'm ready to go out and enjoy people's company. But I'm also not ready for a serious relationship. I think, I just want to take things slow right now, just enjoy life. Kasi matagal na rin naman akong hindi nag-e-enjoy sa buhay ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dun sa mga fans po, fan din po ako ng Sarah-John Lloyd loveteam. Fan din ako ng Bea-John Lloyd loveteam. And even my kids are fans. So, sana po sa mga fans, e, huwag naman po kayong magalit. Kasi talagang hindi po kami isang couple. And also then, Tito Boy, it's not too much also to ask na, siyempre, mga artista tayo, we're in the public eye... Hindi naman siguro masama na humingi rin ako ng konting privacy para sa sarili ko pag nasa ibang bansa ako and nagbabakasyon naman ako.

Boy: Mahirap man pero nakikiusap ka...

Ruffa: Nakikiusap ako na sana naman bigyan din kami, kaming mga artista ng our own private time. Yun lang po. Thank you very much. Hindi na ako magsasalita about this, actually masyado nang naging OA, parang ikakasal na kami next week. You have nothing to be worried about. We're just hanging out and going shopping. He's my shopping buddy.

Boy: Okay, mga kaibigan, itatago ko ang mga ebidensiya. Ang hatol ay malalaman po natin sa mga susunod na linggo dito sa The Buzz. Maraming salamat. Pero kung ako ang tatanungin mo, sa iyong mga mata nakikita ko ang kakaibang ningning. But you're really beautiful today.

Ruffa: Ningning... I'm always happy naman. I feel beautiful, why should I be sad?

Boy: You're always beautiful, and you have the right to be happy. You are one of the most beautiful girls that anybody in this world will ever know. That's Ruffa Gutierrez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN