Did Robin Padilla take over the production of Totoy Bato?

IMAGE 0


"The rest were all Robin's [Padilla]. Siya din ang nagsusulat, nagdidirek, nag-e-e-dit, nasusunod sa lahat. We have scripts, pero 10 percent lang ang sinusunod niya. Ninety percent was his," claims Totoy Bato head writer Suzette Doctolero about Robin Padilla's intervention during their tapings for the show.


Usap-usapan ngayon sa ilang forum, kasama na ang website ng GMA-7 na iGMA.TV, ang mga pangyayari sa huling parte ng taping ng katatapos pa lamang na teleserye na Totoy Bato.

May mga haka-haka na mula sa kalagitnaan hanggang sa huling araw ng taping para sa Totoy Bato, ang lead actor na nitong si Robin Padilla ang namahala sa direksiyon, imbes na si Mac Alejandre. Binago na rin daw ng aktor ang script para sa naturang programa.

Isang forum participant na nagngangalang Lipstick City ang nangahas magtanong, "I'm daring Ms. Suzi [Suzette Doctolero, headwriter of the show] sabihin mo kung sino ang may pakana ng story on the last half of Totoy Bato... si Robin o ikaw pa din?"

Sinagot naman ito ng isang may username na "yellowsuzi," na kinumpirma ng isang writer ng PEP na si Ms. Suzette talaga ito. Sa Seen/ Scene column ng Pilipino Star Ngayon ngayong July 6, nilathala ang kabuuang sagot ni Suzette.

Ang tugon ni Suzette, "You're putting me on the spot. But we, the creative team, need to air our side, di ba? Kasi kami ang tinitira ng iba."

Kasama ni Ms. Suzette sa Creative Team ng Totoy Bato ang writers na sina Richard Cruz, Arlene Navarro-Punio, at Jules Katanyag. Kasama naman sa mga brainstormers sina RJ Nuevas, Kit Villanueva-Langit, at Tina Velasco; gayundin, bilang junior brainstormers, sina Jojo Nadela at Karen Lustica.

Ito ang naging buong pahayag ni Suzette:

"Matagal na akong di tumitingin dito, ngayon lang uli. Alam ko reaction ng tao. Ayoko sanang magsalita, pero ayoko ring akalain ng lahat na pakana ng Creative ito. Truth be told, TB [Totoy Bato] is a very frustrating show for me. Sa scripts namin, only wk 1, 2, 3, 4 and wk 6 ang nagawa nang buong-buo na di pinakialaman.

"The rest were all Robin's. Siya din ang nagsusulat, nagdidirek, nag-e-edit, nasusunod sa lahat. We have scripts pero 10 percent lang ang sinusunod niya. 90 percent were his. So most of the time, pag nanonood ako, di ko alam ang nangyayari sa kwento, pati scenes, di ko kilala (maski production, walang magawa dahil alam nilang magwawala si RP [Robin Padilla] 'pag di siya sinunod).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya di ko alam ang ending tonight [last Friday, July 3]. Hindi namin alam lahat! Si RP lang ang nakaka-alam and his own crew (yes, may sarili siyang crew: may sarili siyang director na di ko alam kung saan niya napulot, cameraman etc.—no, hindi sila part o empleyado ng gma) Kaya pag grainy ang napapanood nyo, at pabago-bago ang volume, at madilim: in short, parang high school production, sila gumawa nun. Oo, TB ang first indie soap hahahaha. Indie ganda!).

"Management cannot do anything also dahil palaging nagbabanta itong magwu-walkout sa show pag di siya sinunod. I can understand them, nakontrol ni Robin ang kwento in such a way, na pag mawala siya, di na tatayo ang show. In fairness, mautak siya.

"This, I am promising to myself: I will not work with him anymore. I hope my station will not get his services anymore. Isa siyang megalomaniac actor. Gusto niya siya lang ang bida. Gusto niya siya lang ang magaling. Hence, ang isang soap, na sa tingin ko ay maganda nung simula, pagdating sa gitna hanggang dulo, ang pangit-pangit-pangit na!

"Farewell party tonight, but the whole creative team is not attending (di ko pinilit na wag umattend ang team ko ha, ayaw din nila). Ayoko lang makipagplastikan. I'm sure makakarating ito sa kanya. I dont care. He already knows my discontentment (yun ay kung sinabi na sa kanya ng manager niya ang mga masasakit na sinabi ko). He ruined a once promising good show. Sayang."

Sa kasalukuyan, sinusubukan pa rin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kunin ang panig ni Robin. Humingi rin kami ng pahintulot sa talent manager ni Robin na si Betchay Vidanes para makapag-interview, ngunit wala pa ring kaming tugon na nakukuha mula sa kanya


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN