Princess Violago laughs off rumors that she also has a sex video with Hayden Kho

IMAGE 0


"Oo nga, sabi sa akin ng family ko, may video rin daw ako, kaya nag-search ako agad sa Internet. Isang beses lang naman lumabas ang pangalan ko, ibang Princess pala yun—yung Princess Velasco," clarifies Princess Violago (in photo) about rumors saying that she also has a sex video with Dr. Hayden Kho.


Dumating sa set ng Dear Friend si Princess Violago nang patapos na ang interview sa main cast para sa bagong episode na "Kay Tagal Kang Hinintay" na sina Sunshine Dizon, Polo Ravales, at Chynna Ortaleza. Gaganap bilang bunsong kapatid ni Polo si Princess sa naturang drama anthology ng GMA-7.

Biniro agad ng entertainment press si Princess na siya ang pantapat ng GMA-7 kay Maricar Reyes, na siyang bida sa katapat nitong programa sa ABS-CBN na Your Song Presents Gaano Kita Kamahal, dahil may tsismis din kasing may video siya kasama si Dr. Hayden Kho. Bumulanghit ng tawa ang tunay na prinsesa ng mga Violago sa pag-amin na narinig na rin daw niya ito.

"Oo nga, sabi sa akin ng family ko, may video rin daw ako, kaya nag-search ako agad sa Internet. Isang beses lang naman lumabas ang pangalan ko, ibang Princess pala yun—yung Princess Velasco," paglilinaw ni Princess.

Isa si Princess na unang pinangalanang may sex video raw kasama ni Hayden dahil ang unang naging balita, mga co-stars ng cosmetic surgeon sa dalawa niyang GMA-7 shows na Marimar at Ako Si Kim Samsoon ang "nakaulayawan" niya sa video.

"Ang tanda na niya, ha!" sigaw ni Princess, sabay tawa. "Hindi ako mahilig sa matanda!"

Sinabi naman sa kanya na 29 lang si Hayden at si Princess ay 21 na.

"Matanda pa rin siya sa akin!" sabay tawa na naman ni Princess. "Kuya ko lang siya, wala nga siyang number ko. Gusto ko ka-age ko lang."

Inamin ni Princess na may special someone siya ngayon, ka-age niya at may lahi.

"Ayoko pang sabihin kung sino, hindi naman showbiz. Baka hindi matuloy, sayang, gusto ko pa naman siya. Sabi nila huwag munang sabihin baka hindi matuloy," kinikilig na kuwento niya.

Hindi naman galit si Princess sa tsismis tungkol sa sex video diumano nila ni Hayden. Tawa pa nga siya nang tawa nang una niya itong narinig. Pinaalala pa sa kanya ng mga press na gusto naman nitong may ganitong issue sa kanya para mapag-usapan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, pero kaso hindi totoo!" tawa nang tawa si Princess habang sumasagot.

Minsan nang natsismis si Princess na nagbuntis at nanganak daw kaya siya nawala ng mahigit isang taon pagkatapos ng kanyang bonggang launch sa GMA-7. Pinabulaanan na niya ito at sinabing nagpunta lang siya sa States para magpahinga dahil hindi niya nakaya ang pressure dahil disiotso pa lang siya noon.

"Kung ano-ano ang nababalita sa akin, 'no!" pagtataka niya, sabay tawa pa rin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN