Rayver Cruz denies using Sarah Geronimo to cover up his "relationship" with Melissa Ricks

IMAGE 0


"Unang-una, humihingi ako ng sorry sa mga lumalabas na ganung balita. Pero wala akong masamang intention kay Sarah. Dun sa isyu na pinagtatakpan, wala naman akong pinagtatakpan dahil hindi talaga kami ni Mel. Hindi ko sila masisisi kung ganun ang maging opinion nila kasi alam naman natin na Sarah Geronimo 'yan. Sarah is Sarah," says Rayver Cruz (main photo) about the reaction of Sarah Geronimo's (inset, top) fans that he is using their idol to cover up real relat


Kung ang pagbabasehan ay ang patuloy na pagkalat ng mga issues na nagsasabing may itinatagong relasyon sina Rayver Cruz at Melissa Ricks, marami ang naniniwala na mukhang may katotohanan ang nasabing balita dahil usap-usapan na ito noon pa mang nakaraang taon.

Pero sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Rayver last Sunday, July 4, sa ASAP '09, mabilis niyang itinanggi na may namamagitan sa kanilang higit pa sa magkaibigan.

"Ang totoo sa amin ni Melissa, magkaibigan lang talaga kami," sabi ni Rayver. "Nagugulat din ako sa mga lumalabas na balita na nililigawan ko raw siya, pumupunta ako sa house niya, na nanood daw kami ng sine sa Alabang Town Center... Hindi totoo ang lahat ng 'yan.

"Ang kasama kong lumabas sa ATC ay sina Kim [Chiu] and Gerald [Anderson]. Never kong nakasama si Mel sa kahit na anong lakaran. Nagkakasama lang kami sa mga parties, pag birthday ng mga executives. Pero yung mga date, hindi talaga.

"Dun sa pumupunta raw ako sa bahay niya at naipakilala na raw niya ako sa parents niya, siguro papuntahin mo ako ngayon dun, hindi ako makakapunta dahil hindi ko alam kung saan siya nakatira. Nakita ko na ang mommy niya dito sa ASAP, nagkikita lang kami ni Mel every Sunday pag ASAP, 'saka pag may rehearsals kami sa ABS," paliwanag niya.

Pero hindi naman itinatanggi ni Rayver na bukas ang komunikasyon nila ni Melissa.

"Oo naman, nagte-text ako kay Mel. Pero hindi lang sa kanya, pati kina Matt [Evans], Kim, Gerald...kasi sila ang mga close ko talaga. Nagte-text ako sa kanya, pero hindi naman yung text na pumuporma o nanliligaw," paglilinaw ng binata.

Bukas ba siya sa posibilidad na maaaring sa ending ay sila pala talaga ni Melissa?

"Mahirap kasing magsalita ng tapos," sagot niya. "Basta tingnan na lang natin kung ano ang mangyayari. Hindi naman sa hindi ko type si Mel, magkaibigan lang talaga kasi kami. Wala yung intention na manligaw talaga, na pormahan siya para maging girlfriend. Gusto ko yung close lang talaga kami nila Matt, nila Kim and Gerald."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May lumabas ding balita na alam daw ni Jake Cuenca ang relasyon nina Rayver at Melissa. Gimik lang din daw ang sinabi noon ni Jake na type niya ang young actress.

Ano ang reaksiyon dito ni Rayver?

"In-interview kami ni Jake nung papunta kami sa States. After the interview, sabi ko nga sa kanya, 'Bro, bakit ganun? Yun agad ang mga tanong sa atin?' Nagtawanan lang kaming dalawa. Dun sa tanong kung nagseselos daw ba ako, hindi. Kung nililigawan man ni Jake si Mel, natutuwa ako sa kanila," sabi ni Rayver.

SARAH'S FANS. Negatibo ang naging reaksiyon ng fans ni Sarah Geronimo sa sinasabing "tagong relasyon" nina Rayver at Melissa dahil nagagamit daw ang Pop Princess. Lately kasi ay inili-link din si Rayver kay Sarah, lalo't nagkasama sila sa blockbuster hit na You Changed My Life.

Umabot pa nga raw sa punto na nagpadala na ng e-mails ang fans ni Sarah na huwag sanang gamitin nina Rayver at Melissa ang kanilang idolo para lang pagtakpan ang tungkol sa totoong relasyon nila. Lalo tuloy itong nagpatibay sa hinala ng iba na kung anumang malalim na rason ay mukhang may pagkakaintindihan na nga sina Rayver at Melissa.

Dito ay humingi ng tawad ang aktor sa nangyari.

"Unang-una, humihingi ako ng sorry sa mga lumalabas na ganung balita. Pero wala akong masamang intention kay Sarah. Dun sa isyu na pinagtatakpan, wala naman akong pinagtatakpan dahil hind talaga kami ni Mel. Hindi ko sila masisisi kung ganun ang maging opinion nila kasi alam naman natin na Sarah Geronimo 'yan. Sarah is Sarah.

"Kahit paaano, na-expect ko na rin na may lalabas na ganyan kasi Sarah Geronimo 'yan. Pero gaya ng sinabi ko, I don't have any bad intention to Sarah. Natuwa lang ako na naging close kami, naging magkaibigan kami. Minsan nangungumusta ako, tine-text ko siya para mangumusta," lahad ni Rayver.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa nakaraang interview ni Sarah ay nabanggit nito na natatawa at nagugulat siya kay Rayver dahil dedma lang sila 'pag nagkikita sa ASAP, pero close na close naman sila pag magka-usap sa telepono.

Paliwanag naman ni Rayver, "Minsan pag nasa backstage, nakakausap ko siya, pinakabuwenas na yun. Ayoko naman siyang istorbohin. Grabe si Sarah 'pag nagpo-prod sa ASAP, either lima o apat, pinakamahina na siguro apat. Ayoko lang makasagabal, so bumabawi na lang ako pag tumatawag ako."

Regular na napapanood si Rayver sa ASAP '09 at May Bukas Pa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN