ELECTION WATCH 2010: Jinggoy Estrada hopes Bente co-star Richard Gomez will join the opposition

by Nora Calderon
Jul 7, 2009
Actor-politician Jinggoy Estrada plays a radio commentator in the indie film Bente. He says, "Sana ay tangkilikin ng mga tao ang movie dahil napapanahon ang tema. Kamakailan lang ay may napatay na namang radio commentator, na tulad ng ginagampanan ko sa movie na idinirek ni Mel Chionglo."

Nasa London ngayon si Sen. Jinggoy Estrada as head ng Philippine delegation na naimbitahan ng British Parliament. Pero bago siya umalis, nakausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang entertainment press sa presscon ng Bente last Sunday, July 5, sa Oceana restaurant sa Mall of Asia.

Ang Bente ang huling pelikula sa serye ng Sine Direk na proyekto ng Directors Guild of the Philippines, Inc. (DGPI) at ni Mr. Tony Tuviera ng APT Entertainment.

Kung paalis si Jinggoy ng gabing 'yon, dumating naman ang co-star niyang si Richard Gomez from Ormoc City. Lumabas pa ng venue si Jinggoy nang makita niyang dumating na si Richard at nagkamayan sila.

Kapansin-pansin ang magandang pagsasamahan ngayon nina Jinggoy at Richard kahit nagkaroon sila ng matinding away noong panahon ng Star Olympics ng Katipunan ng mga Artista ng Pelikulang Pilipino (KAPP).

"Nakalimutan na namin 'yon. Sabihin na lang nating medyo bata pa kami noon at pare-pareho pang madaling mag-init ng ulo!" natatawang wika ni Jinggoy.

Continue reading below ↓

Dagdag niya, "Pero ngayon, matalik na kaming magkaibigan. In fact, magkumpare pa kami dahil inaanak niya sa binyag ang bunso namin ni Precy [Jinggoy's wife], si Jill."

Balitang kaya umuuwi lagi sa Ormoc City si Goma every weekend with wife Lucy Torres ay naghahanda na ito para sa 2010 elections. Tatakbo raw itong congressman sa 4th district ng Leyte. As a friend, susuportahan ba niya si Richard?

"Congressman na nga ang tawag ko sa kanya!" biro ni Jinggoy. "Sana nga kung tutuloy siya, sumama na siya sa oposisyon. Kapag sa administrasyon siya sumama, kiss of death 'yon. Pero sa palagay ko, he'll be wise enough to join the opposition. From the very start naman, he has been a member of the opposition.

"Ako naman, bilang isang kasamahan sa industriya, at naniniwala ako na tapat siyang maninilbihan sa bayan, susuportahan ko talaga siya. At sana suportahan din siya ng mga kasama niya sa 4th district ng Leyte."

Continue reading below ↓

GMA'S SONA. Tinanong ng PEP si Jinggoy kung makakabalik ba siya sa bansa bago ang State of the Nation Address (SONA) ni President Gloria Macapagal Arroyo para dumalo.

"Ten days lang naman akong mawawala. Narito na ako sa SONA, pero hindi ko alam kung a-attend ako. Ever since naman, hindi ako um-attend ng SONA ni Mrs. Arroyo," sagot ng actor-politician.

Bakit hindi siya dumadalo sa SONA?

"Puro fairy tales kasi!" at napahalakhak pa siya.

ERAP FOR PRESIDENT? Sigurado nang tatakbo muli si Jinggoy na senador sa 2010 elections. Ang ama niya na si former president Joseph Estrada, tuloy ba ang pagkandidato nitong presidente sa 2010?

"Time and again, kapag tinatanong siya, ang laging sagot niya, kapag hindi talaga nagkasundo ang oposisyon kung sino ang ikakandidato nilang presidente, baka mapilitan siyang tumakbo. But we hope na bago dumating 'yon, may mapili na ang oposisyon na kandidato nila," ani Jinggoy.

BENTE. Bukas, July 8, ay opening day na ng Bente. Kahit wala si Sen. Jinggoy, nakikiusap siya sa mga tao na panoorin ang kanilang pelikula.

Continue reading below ↓

"Sana ay tangkilikin ng mga tao ang movie dahil napapanahon ang tema," sabi niya. "Kamakailan lang ay may napatay na namang radio commentator, na tulad ng ginagampanan ko sa movie na idinirek ni Mel Chionglo."

Bukod kina Jinggoy at Richard, kasama rin sa Bente sina Snooky Serna, Emilio Garcia, Ryan Eigenmann, Iza Calzado, Aldred Gatchalian, Mikee Lee, at Glaiza de Castro.

Pagkatapos ng Bente, may susunod na ba siyang project?

"Gagawin namin ni Lorna [Tolentino] ang Katas ng Saudi 2," sagot niya. "Naging very successful ang premiere night sa Dubai at Kuwait ng unang Katas ng Saudi, dahil tinangkilik talaga ito ng mga kababayan nating mga Overseas Filipino Workers [OFWs] doon. Nag-usap na kami ni Direk Joey Reyes. Ang problema lang, ang continuity dahil malaki pa ako sa unang Katas ng Saudi. Ngayon hindi na ako puwedeng magpataba."

LORNA TOLENTINO. Speaking of Lorna, maybahay ng yumaong best friend ni Jinggoy na si Rudy Fernandez, may nagkagusto raw ditong miyembro ng isang royal family. Alam ba ito ni Jinggoy?

Continue reading below ↓

"Hindi. Kung alam ko, di ako ang nakipag-usap at humingi ng dowry!" nagbibirong sagot ni Jinggoy.

Paano kung may magkagusto na nga kay Lorna, papayag ba silang magpakasal na ito?

"Five years ang sinabi namin nina Bong [Revilla] at Phillip [Salvador] na hindi siya puwedeng mag-asawa. Naka-one year na siya, so may four years pa siya. 'Saka kung totoong mag-aasawa na siya at dalawa lang sa aming tatlo ang pumayag, hindi pa rin matutuloy 'yon. Pero siguro depende rin kung sino ba ang mapapangasawa niya ulit," sabi ni Jinggoy.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor-politician Jinggoy Estrada plays a radio commentator in the indie film Bente. He says, "Sana ay tangkilikin ng mga tao ang movie dahil napapanahon ang tema. Kamakailan lang ay may napatay na namang radio commentator, na tulad ng ginagampanan ko sa movie na idinirek ni Mel Chionglo."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results