Glaiza de Castro avoids deeper involvement with Patrick Garcia

IMAGE 0


"Walang pagbabago sa amin ni Patrick. Kung ano kami noon, yun pa rin ngayon. Walang developments dahil wala namang nade-develop, e. Sabi ko nga, ayokong nag-iisip ng ganyang mga bagay," says Glaiza de Castro about rumored suitor Patrick Garcia.


Marami ang nagsasabing kaya walang progress ang anggulo kina Glaiza de Castro at Patrick Garcia ay sa dahilang nate-turn off daw ang young actress sa kung anu-anong balitang naririnig niya tungkol kay Patrick. Okey naman daw ang pagtatrabaho nila ni Patrick, isa sa leading men ng Kung Aagawin Mo Ang Lahat sa Akin, tampok na Sine Novela ng GMA-7. Pero umiiwas na raw si Glaiza sa mas malalim na puwedeng tumbukin ng closeness nila ni Patrick.

"Okey kami sa set, lalo yung mga kasama ko. Magkasundo kami ni Maxene [Magalona], at ever since, alam kong okey siyang katrabaho," nangingiting sabi ni Glaiza sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Nakatrabaho na ni Glaiza si Patrick noon, kaya uminit din ang balitang nakita silang nanood ng concert ng isang foreign act, kung saan nagsimula ang kung anu-anong tsismis sa kanila.

"Yung sa amin ni Patrick, ayokong isipin yun," sabi ni Glaiza. "Maski noong lumabas lang kami, kung anu-ano na ang sinasabi, dedma lang ako. Puro trabaho lang kasi ako. Kapag ganoon, inaalis ko sa sistema ko ang kung anu-anong pressure.

"Minsan, hindi maiiwasan yun. Although, I can say naman that I'm not the type who can easily be affected. Alam ko naman, marami ang nagpapaalala sa akin about Patrick. Ayoko lang talagang pinangungunahan ako dahil magkaibigan lang kami, and it's true, walang progress personally, but professionally, we're gaining a lot from each other.

"Mas masaya na ako sa ganoon. Basta, ang alam ko, tama ang ginagawa ko. Wala naman akong sinasaktan sa ginagawa ko, it's just fine with me. Walang dapat ikahiya o itago," patuloy ni Glaiza.

Nakagugulat ba sa kanya na nagpakita ng pagkagiliw si Patrick sa kanya? Hanggang ngayon ba, ganoon pa rin ang trato nito sa kanya?

"Bago lang kasi ang ganitong pangyayari sa buhay ko. Ever since, wala namang nali-link sa akin. Si Patrick lang. Hindi lang ako sanay na kinukulit ako ng mga tanong!" natatawang sabi ni Glaiza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy niya, "Unti-unti ko lang tinatanggap ang mga pangyayari, kung ano na lang ang dumating sa akin. For me kasi, it's a different chapter lang sa buhay ko. Walang pagbabago sa amin ni Patrick. Kung ano kami noon, yun pa rin ngayon. Walang developments dahil wala namang nade-develop, e. Sabi ko nga, ayokong nag-iisip ng ganyang mga bagay."

May mga balitang nawiwili raw sa pagsusugal si Patrick. Turn-off ba siya sa ganito?

"Sabi ko nga, hindi ako ang type na agad ay naniniwala sa mga sinasabi sa akin," sabi ni Glaiza. "Isa pa, sa totoo lang, kung nagsusugal man si Patrick, kung totoo man yun, it's none of my business. Hindi ko naman yata pera ang ipinansusugal niya kung sakali.

"Pero kapag magkasama kami, okey lang. Sa trabaho, walang problema sa amin. Tama na muna sa akin ang ganito."

INDIE FILMS. Si Glaiza ay nasa cast ng indie film na Bente, na kasalukuyang palabas sa mga piling sinehan. Kapareha niya rito ang Star Magic talent na si Aldred Gatchalian.

Kasama rin si Glaiza sa cast ng Astig, enrty sa Cinemalaya this July. Mayroon pa siyang tinatapos na 4-5 ang pamagat, isang political film na maaaring maipalabas before the year ends.

"Iba-iba ang roles ko riyan na nakatutuwa. Kasi sa bawat movie, iba't ibang Glaiza ang mapapanood nila. Actually, I see to it na ayoko ring inuulit ang sarili ko. Sa 4-5, isa akong contact ng assasin. Nag-iiba-iba ako ng hitsura diyan, tipong undercover agent.

"Sa Astig, naging girlfriend ako ng character na ginagampanan ni Dennis Trillo. Nagkaroon pa ako ng STD [sexually transmitted disease] diyan, very realistic and different for me," saad ni Glaiza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN