Cristalle Henares on mom Dra. Vicki Belo: "I know that my mom is innocent and the truth will come out."

IMAGE 0


"Yung mga complaints po na yun, wala pang case. Actually, funny nga, hindi pa sila pumupunta sa amin to complain. Parang pumunta muna sila sa media bago sila nagpunta sa amin. Yun lang ang mali, so parang wala pa namang case," says Cristalle Henares about the complaints against Belo Medical Group.


Bukod sa ilang artistang naimbitahan at nagpaunlak para mag-cameo role sa launching movie ni Eugene Domingo, Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme, namataan din ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa shooting ng pelikula sa Antipolo City kagabi, July 16, ang anak ni Dra. Vicki Belo na si Cristalle Henares.

"Ano po, extra ako dito sa movie ni Ms. Uge [Eugene Domingo]!" natatawang sabi niya. "Party-goer. Si Direk Joyce [Bernal] ang tumawag sa akin. So, kahit nasa Antipolo at umuulan pa, siyempre nag-commit ako noong tinawagan niya ako noong Wednesday [July 15]."

Dugtong niya, "I believe in this movie. Sobrang ganda ng concept nila. So, yun... Pati ang Belo, meron siyang scene sa Belo rin. I think both Kimmy and Dora, may scene sila. At saka gusto kong i-support ang movie na ito kasi tingin ko, papatok talaga siya. Si Uge, sobrang galing! Nakakatawa talaga at excited ako."

BELO MEDICAL CLINIC UNDER FIRE. Si Cristalle ang spokesperson at image model ng cancer prevention for women sa kanilang Belo clinics, at very proud nga niya itong ikinuwento sa amin at in-encourage niya rin ang ibang mga kababaihan na mag-take nito.

Speaking of Belo, we asked her kung kumusta na ba ang Belo Medical Group sa gitna ng mga kontrobersiyang pinagdadaanan nito ngayon.

"Okey naman," sagot ni Cristalle. "Sobrang happy lang ako dahil nadi-differentiate ng tao yung isyu ng Medical Group at saka yung sa mom ko [Dra. Belo], mas naging close siya sa patients. Mas ipinapakita ng mga pasyente ang support nila for mommy, kaya thankful talaga kami sa lahat ng suporta."

May mga complaints against Belo Medical Group na naglalabasan ngayon, gaya ng isang businesswoman na nagreklamong palpak daw na butt surgery sa kanya ng isang dating doktor ng Belo Medical Clinic. Paano nila hina-handle ang mga insidenteng ganito?

"Yung mga complaints po na yun, wala pang case," paglilinaw ni Cristalle. "Actually, funny nga, hindi pa sila pumupunta sa amin to complain. Parang pumunta muna sila sa media bago sila nagpunta sa amin. Yun lang ang mali, so parang wala pa namang case."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KATRINA HALILI. Tungkol naman sa complaints na nai-file ng aktres na si Katrina Halili laban kay Dra. Belo at sa Belo Medical Group, buo ang paniniwala ni Cristalle na malinis ang kanyang ina sa bagay na ito.

"I know that my mom is innocent and the truth will come out," sabi niya. "So, sana talaga ma-end na lang lahat 'to. You know, they are all friends before. Sobrang sad lang na, you know, friendship can go to this direction. Parang hindi siya healthy. So, I just pray na lang, countinous prayer na sana mag-ayos na lang."

Personally, naging magkaibigan din ba sila ni Katrina?

"Acquaintance lang. Kumbaga, hindi kami masyadong close. 'Hi' and 'hello' lang, ganyan," sabi niya.

Hindi itinanggi ni Cristalle na na-shock siya sa naging turn of events, lalo na ang pagkakadawit ng pangalan ng mommy niya sa pag-a-upload ng sex videos ng dating boyfriend nito na si Dr. Hayden Kho sa Internet.

"Medyo na-shock talaga ako noon. Kasi yung mommy ko naman, very supportive siya of Katrina before. And even after na nangyari yung nalaman ni Mommy na ganito ang nangyari, parang naging mabait pa rin siya sa tao. So, hindi ko akalain na magagawa niya ito sa mommy ko," sabi ni Cristalle.

Diretso rin daw niyang masasabing walang kinalaman si Dra. Belo sa uploading ng sex videos.

"Of course, of course! Sobrang inosente, trustworthy, mabait na tao, so...," nakangiti pero napapailing na lang niyang sabi.

Kung sakaling makita niya si Katrina, ano kaya ang magiging reaction niya?

"Kapag nakita ko siya? Avoid na lang. Rather than cause ng gulo or anything, I'd rather not communicate na lang."

CLOSER TIES. Si Dra. Belo na mismo ang nagsasabi na kung may isa man daw positive na nangyari sa gitna ng mga kontrobersiya, ito ay ang pagiging mas malapit nilang mag-iina ngayon. Anong masasabi ni Cristalle?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yes, nakakatuwa!" bulalas ni Cristalle. "Kasi before pa, nag-sked kami ng bakasyon papuntang Europe and bago pa mangyari, ha? Kasi, ang hirap-hirap itugma ng mga schedules namin. Tapos, nangyari 'to. Tapos 'sakto, a year later, aalis kami ng Europe. Parang sabi namin, 'Wow, timing ni God na alam niya siguro na may mangyayari. Kailangan ni Mommy ng suporta'. So, plinano Niya ang trip na ito para sa amin. Tapos, nilabas Niya kami sa bansa para naman may peace of mind, conducive environment para magka-bonding-bonding naman kami na walang work involved."

Kumusta naman ang mommy niya ngayon?

"She's definitely smarter," sagot ni Cristalle. "Kasi, palaging lawyers ang mga kausap niya, kaya ang dami na niyang alam. So, yun... Anyway, my mom naman, she always looks at things positively. She's learning a lot. E, mahilig naman yun magbasa, mag-aral. So, sabi nga niya, if this is the way to learn law, okay. Siyempre before, Medicine siya, so hindi niya alam ang law.

"Kaya sabi ko nga, 'Wow, ang galing mo talaga, Mommy! You always have the ability to look at the brighter side'. Alam ko naman na pagod na siya, but we always make sure to make her happy and we always tell her some good news every day."

On Cristalle's part, masasabi ba niyang mas masaya na siya na wala nang relasyon between her mom and Hayden Kho?

"Well, ako kasi, I was able to separate myself from my mom's lovelife. Parang I was able to give her that space na hindi na ako nakikialam dun. Even noong sila pa ni Hayden, meron kaming mga date night na every Tuesday, Friday, meron kaming dates ni Mommy. So, you know, she was able to set aside time for me talaga. So, hindi na ako naiinggit na wala na siyang time for me," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pagkakaalam niya, wala na nga bang relationship ang mommy niya at si Hayden?

"I don't ask her na about her lovelife. Minsan lumalabas siya, but I don't ask na, 'Where will you go?' Basta, I don't ask na as long as she's home safely."

Kung siya ang masusunod, mas gugustuhin ba niyang wala na lang?

"Ako kasi, whatever will make her happy talaga. Parang hangga't hindi naaapektuhan ang relationship ko kay Mommy... Of course, I feel the hurt and I feel bad that she has to go through this," saad ni Cristalle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN