Eugene Domingo on her swimsuit scene in Kimmy Dora: "Wala akong kakiyeme-kiyeme!"

IMAGE 0


"Ay, wala akong kakiyeme-kiyeme! Ito na yun! Binigyan ka na nga ng pagkakataon, kekiyeme-kiyeme ka pa ba? Dyusko! Basta ngayon, sinurrender ko na, swimsuit kung swimsuit!" exclaims Eugene Domingo about her swimsuit scene in Kimmy Dora.


Abot-tenga ang ngiti ng comedienne na si Eugene Domingo dahil sa launching movie niya, ang Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme, na idinidirek ni Joyce Bernal. Ang isa sa mga producer ng pelikula ay ang aktor na si Piolo Pascual, at ang leading man naman niya ay si Dingdong Dantes. The movie will be distributed by Star Cinema at magsisimula nang mapanood sa September 2.

Sumang-ayon si Eugene nang sinabing masuwerte siya dahil sa ilang malalaking pangalan sa industriya na kasama sa kanyang launching movie.

"Oo naman! Grabe, 'no? Nagpapasalamat nga ako sa Panginoon. Panginoon na ito diretso dahil nabigyan nga ako ng pagkakataon na maipakita ang mga dapat kong ipakita at makikita n'yo rin!" natatawa niyang sabi nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).


BATHING SUIT. Walang pagtatanggi rin na sinabi ni Uge na nag-swimsuit siya sa movie.

"Oo, nag-bathing suit ako kasi, it's needed!" tawa niya.

Nasa swimming pool ba siya nang kunan ang naturang eksena?

"Oo naman! Alangan namang mag-bathing suit ako na nasa palengke? Siyempre, sa swimming pool!" tawa niya ulit.

So, marami siyang kakabugin sa ginawa niyang pagsusuot ng swimsuit?

"Aba, e, hindi naman tayo nangangabog!" sabi ni Eugene. "Tayo ay nagko-costume lamang. Kasi nga, si Kimmy, yung nag-bathing suit, ay mahilig sa sports. Conscious siya sa kanyang katawan. So, nagsu-swimming-swimming siyang ganyan at nakita nga niya sa swimming pool si Dingdong, at ipinakita niya kay Dingdong ang kanyang katawan."

True to the title of her movie, Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme, wala raw talaga siyang kakiyeme-kiyeme nang gawin niya ang naturang eksena.

"Ay, wala akong kakiyeme-kiyeme! Ito na yun! Binigyan ka na nga ng pagkakataon, kekiyeme-kiyeme ka pa ba? Dyusko! Basta ngayon, sinurrender ko na, swimsuit kung swimsuit! Palagay ko, ito ang makakabago," tuluy-tuloy na sabi niya.

First time ba niya itong ginawa?

"First time sa movie. Kasi nga, it's needed!" natatawa pa rin niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PIOLO & DINGDONG. Ano nga ba ang pakiramdam na ang nagsugal pa sa kanya to have a launching movie ay si Piolo sa pamamagitan ng kanyang Spring Films, at ang leading man pa niya ay si Dingdong?

"Ay, hindi ako makapaniwala talaga!" bulalas ni Eugene. "Sa araw-araw bago ako matulog, nagpapasalamat ako sa Diyos. At paggising ko, ginigising ko talaga ang sarili ko kung totoo ba talaga 'to? Totoo naman kasi malapit na kaming matapos mag-shooting. At saka, ini-interview n'yo na ako ngayon. So, mukha namang papunta na ito sa totoo."

Dagdag niya, "Siyempre, nari-realize ko rin na kapag binigyan ka ng ganitong responsibilidad na magdala ng sariling pelikula, ang kakambal ng oportunidad ay responsibilidad. Sa ginawa naming pelikula ni Direk Joyce Bernal, asahan n'yo po na talagang kambal ang galing namin dito. Kambal ang saya at walang kakiyeme-kiyeme ang riot ng pelikulang ito."

May kissing scene ba sila ni Dingdong?

"Oh, yes, kissing scene lang naman...hindi naman bed scene. Again, it's needed!" tawa niya.

In real life, sino siya between Kimmy and Dora?

"Si Eugene Domingo ay combination nina Kimmy at Dora. At kahit naman siguro kayo, merong combination na masungit kayo minsan or kaya masayahin kayo, parang bata. Minsan naman, parang naiinis kayo sa mundo. So, si Kimmy at Dora, nasa isang tao lang 'yan."

SOLO MOVIE. Kadalasan sa past movies ni Eugene ay kasama niya si Ai-Ai delas Alas. Bagama't walang duda na may mga pagkakataon na nananakaw niya ang eksena sa kanyang co-star, still, hindi pa rin nawawala ang tanong o pagdududa sa ilan kung bilang bida ay kaya na ba ni Eugene na magdala ng sariling pelikula at makipagkabugan sa iba?

"Ako kasi, hindi ko iniisip yung mga kabog-kabog, gumagawa lang ako ng pelikula. Gustung-gusto ko lang gumawa ng pelikuka at gusto ko itong project namin ni Mr. Piolo Pascual. Itong project namin na ito sa Spring Films, gustung-gusto ko siyang gawin. So, wala sa kamalayan ko ang kabog-kabog. Pero sa pagkakataong ito, damang-dama ko ang suporta ni Ms. Ai-Ai delas Alas. In fact, sa aming pagtsa-chat, sinabi niya sa akin na, 'Support ako sa 'yo diyan, best friend.' Naiyak nga ako, actually."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

All praises din naman sa kanya maging sina Dingdong at Piolo.

"Nagpapasalamat nga ako kasi sa pagkakataong ito, napatunayan ko na maging mahusay kang kaibigan, maging mahusay kang katrabaho, darating ang isang araw, mararamdaman mo, marami pa la'ng susuporta sa 'yo," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN