Pauleen Luna says she was never involved in a love triangle with Dennis Trillo and Cristine Reyes

IMAGE 0


Pauleen Luna says Dennis Trillo wasn't the type to court one girl while involved with another. "Pag meron siyang girlfriend, alam mo, e. Kasi suplado siya sa ibang mga tao. Alam mo yung hindi siya namamansin ng babae? Ibig sabihin may girlfriend siya," said the observant Pauleen.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Pauleen Luna kahapon, July 18, after ng Eat Bulaga! kung saan regular mainstay siya rito. Kinuha ng PEP ang reaction niya tungkol sa sinasabing siya ang third party involved sa hiwalayang Dennis Trillo at Cristine Reyes. Noong time na mag-on pa raw kasi sina Dennis at Cristine ay niligawan daw siya ni Dennis at sinagot naman daw niya ito kahit na alam niyang may relasyon pa sina Dennis at Cristine.

"In fairness to Dennis, pag meron siyang girlfriend, alam mo, e. Kasi suplado siya sa ibang mga tao. Alam mo yung hindi siya namamansin ng babae? Ibig sabihin may girlfriend siya. Kaya naging close kami ngayon, kasi nga wala siyang girlfriend," sambit ni Pauleen.

Nagsama na noon sa ilang serye sina Dennis at Pauleen pero hindi sila naging close. Sa muli nilang pagsasama sa seryeng Adik Sa 'Yo, dito lang sila nagkaroon ng chance na maging close.

"Kasi sa Adik Sa 'Yo, palagi kaming magkasama sa eksena unlike doon sa mga seryeng ginawa namin before. Madalas kaming nagkikita ngayon kaya nagkaroon ng chance na maging close kami. Tsaka ito yung time na single ako tapos single din siya,"

WHAT SHE LIKES ABOUT DENNIS. Ngayong close na sila ni Dennis, ano yung magagandang katangian na nadiskubre niya rito?

"Ano siya, gentleman. Hindi mo yun makikita sa kanya kaagad kasi hindi siya ganoon sa lahat. He's a real, real gentleman," papuri pa ni Pauleen kay Dennis.

Close lang ba talaga sila ni Dennis o mag-on na talaga sila?

"Basta ngayon, sobra kaming okey. Ganoon na lang muna. Ayaw naming gawing kumplikado. Basta masaya kami pag magkasama kami."

Pero masasabi ba niya na si Dennis ang pinakaimportanteng lalaki sa buhay niya ngayon?

"Siyempre tatay ko muna. Tapos siya," tawa ni Pauleen.

CRISTINE SUPPORTERS UNHAPPY. May balitang galit sa kanya ngayon ang ilang malalapit kay Cristine dahil sa sinasabing pakikipagrelasyon niya kay Dennis. Kaya sinisiraan daw siya ng mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay hindi ko po alam. Honestly wala pa naman akong naririnig na sinisiraan ako ng mga malalapit kay Cristine."

Naiilang ba siya pag nakikita si Cristine? Balita kasi na hindi niya pinansin si Cristine nang magkita sila sa rehearsal para sa fashion show ng FHM na ginanap kamakailan?

"Ang nangyari kasi noon, hindi talaga nagkaroon ng chance na magkita kami. Kasi that time, nung dumating siya sa rehearsal, nasa stage ako at nagsasayaw. Tapos nagmamadali pa ako dahil may Bulagaan pa ako sa Eat Bulaga! Kaya after ko ng rehearsal umalis agad ako."

Mahigit isang taon nang walang karelasyon si Pauleen. Huli niyang naging boyfriend ay si Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian.

Masasabi ba niya na this time ay ready na siya para muling magmahal? "I think so," sagot niya.

Pero hindi pa rin daw masasabi ni Pauleen kung si Dennis na nga ang susunod niyang mamahalin. "Basta masaya ako ngayon at isa si Dennis sa taong nagpapasaya sa akin."

Bakit sa taping daw ng Adik sa 'Yo ay sweet sila ni Dennis? Halata raw talaga na may namumuo nang something sa kanila.

"Sweet naman kasi talaga si Dennis. Palagi niya akong inaalalayan. Kasi laging umuulan so maraming putik-putik."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN