Dennis Trillo is proud that ex-girlfriends Cristine Reyes and Carlene Aguilar made it to FHM's Sexiest list

IMAGE 0


"Siyempre, kahit papaano, nandun pa din na proud ka, pero hindi ko naman ipinagmamayabang. Pero masaya din ako na kasali sila dun pareho. Alam ko, masarap din ang pakiramdam para sa isang babae na makasali sa isang ganun," says Dennis Trillo about the inclusion of ex-girlfriends Cristine Reyes and Carlene Aguilar in this year's FHM Sexiest Women.


Aminado ang aktor na si Dennis Trillo na nag-wish din siya na gumanap bilang Efren sa pagbabalik sa telebisyon ng telefantasyang Darna sa GMA-7.

Matatandaang si Dennis ang gumanap bilang leading man noon ni Angel Locsin sa unang Darna na ginawa ng Kapuso network noong 2005. Sa bagong Darna ay si Marian Rivera na ang gaganap sa papel ng Pinay superheroine, samantalang si Mark Anthony Fernandez naman ang gaganap na leading man niya bilang Efren.

"Naisip ko din yun. Pero ngayon, gagawin nilang ibang kuwento talaga. Since iba yung Darna, siyempre iba din dapat ang leading man. Nakaka-ano naman kung ako pa din, di ba? Okay lang naman, hindi naman ako nanghihinayang.

"May pelikula naman kami ni Marian, at mukhang maganda naman yung ano nila...'tsaka bagay sila ni Mark Anthony. Although nung una naisip ko, pero hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin," sabi ni Dennis nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal.)

Kahit hindi sila nagkasama ni Marian sa TV, magkasama naman sila sa upcoming Regal Entertainment movie na Tarot.

PLAYING A BATANGUEÑO. Sa romantic comedy series ng GMA-7 na Adik Sa 'Yo, kung saan gumaganap siya bilang si Ruben, aminado si Dennis na isang challenge sa kanya ang umaarte bilang Batangueñong may likas na punto sa pananalita.

"Medyo mahirap kasi talaga, lalo na kapag mahaba yung lines," sabi niya. "Mahirap talaga na habang naglilinya ka, iisipin mo kung saan mo ilalagay yung punto, e. 'Tsaka kung papaano siya magiging natural. Minsan kasi mahirap, e, challenge talaga. Hindi lang sa amin ni Pauleen [Luna], kundi sa lahat ng Batangueño characters dun sa show."

Malaking tulong daw sa kanila ang kanilang dialogue coach.

"May nagbabantay sa amin tuwing taping, pinsan ni Tito Leo Martinez yun, si Kuya Greg. Kaya talagang Batangueño talaga."

Ang mga Batangueño raw, malalambing at solid magmahal. Ganun din ba si Dennis?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Solid talaga!" natatawang sagot ni Dennis. "At saka ako 'pag nagmahal, matagal talaga. Kami ni Carlene [Aguilar, his exgirlfriend], matagal, mga four years."

Kumusta naman ang kapareha niya sa Adik Sa 'Yo na si Jennica Garcia? Hindi pa ba sila nade-develop sa isa't isa?

"Okay kami," sabi ni Dennis. "Wala pa, e... Ano kami, magkaibigan. Siyempre, hindi ko naman sinasamantala yung pagka-ano ko sa kanya. Hindi naman komo't mag-partner kami at madali yung access ko na maging close sa kanya or ligawan siya... kasi ayoko naman talagang pilitin yung kahit ano, di ba? Ngayon, mas nagpo-focus lang kami sa mga characters namin sa Adik Sa 'Yo, kung papano namin i-improve pa lalo."

SEXIEST WOMEN. Ano ang pakiramdam na ang dalawang babaeng naging bahagi ng buhay niya, sina Carlene Aguilar at Cristine Reyes, ay kasama sa listahan ng FHM's Sexiest Women this year, with Cristine being the No. 1?

"Kahit sinong lalaki naman, pipiliin yung ano, di ba? Siyempre, kahit papaano, nandun pa din na proud ka, pero hindi ko naman ipinagmamayabang. Pero masaya din ako na kasali sila dun pareho. Alam ko, masarap din ang pakiramdam para sa isang babae na makasali sa isang ganun," saad ni Dennis.

Si Dennis kaya, kailan magpapaseksi in a pictorial tulad ni Dingdong Dantes? Kailan siya mag-e-endorse ng underwear?

"Hindi ko alam. Wala pa, e, hindi ko pa napaplano. Ngayon hindi pa ako ready. Iba yun, e. Siyempre kanyang-kanya diskarte yun. Si Dong, ginawa niya yun, kasi meron siyang plan. Time yun ng Marimar 'tsaka Dyesebel, ayoko namang gayahin kung ano man yung ginawa niya. Marami namang paraan para maging ganun din kalakas yung impact nang hindi mo gagayahin yung style nung iba, di ba?" paliwanag niya.

May nag-offer na ba kay Dennis to pose sexy for an underwear endorsement?

"Hindi naman ako ang kinausap, yung manager ko, si Popoy [Caritativo]," banggit ng aktor. "At alam naman ng manager ko na hindi pa ako ready. 'Tsaka siyempre, kailangan din ng preparasyon. Hindi naman puwedeng mag-brief ka na lang basta, kailangan dapat dedicated ka din sa workout mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit para sa marami ay nasa tamang kundisyon na ang katawan ni Dennis, para mismo sa aktor ay hindi pa.

"Hindi pa rin. Kumpara sa kanila, malayo pa. Kailangan ko pang i-develop nang husto," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN