Ryza Cenon scoffs at blind item linking her to male dancer

IMAGE 0


Ryza Cenon says she's so busy, she has no time for love. "Trabaho tapos bahay lang ako, ganoon. Walang chance na maka-meet ng guy."


Aware pala si Ryza Cenon na may blind item tungkol sa kanya na diumano'y nagpapatulog siya sa kanyang bahay ng isang guwapong dancer na member ng isang sikat na all-male group, kahit hindi naman daw niya ito boyfriend.

"Yung kaibigan ko ang nagsabi sa akin na ako raw yung nasa blind item. Obvious daw kasi yung clue," sabi ni Ryza nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, August 2, pagkatapos niyang mag-guest sa SOP.

Ano ang naging reaction niya nang marinig ang tsismis na yun? "Wala deadma lang," sagot niya.

As in hindi siya naapektuhan? "Hindi! Bakit naman ako magpapaapekto? Basta alam ko naman sa sarili ko na hindi yun totoo,"

Pero posible ba para sa kanya na magkagusto o ma-in love sa isang dancer?

"Hindi ko po masasabi siyempre, di ba? Ayokong magsalita ng tapos. Baka sabihin ko hindi tapos yun pala dumating ang time na magkaroon ako ng boyfriend na dancer, di ba?"

NO FEMALE SUITOR. Isa pang isyu kay Ryza ay diumano'y may nanliligaw daw sa kanya na lesbian. Gaano naman kaya ito katotoo?

"Huh!" gulat na reaction ni Ryza. "Nakakatawa naman yung tsismis na yan. Walang nanliligaw sa aking 'tomboy.'"

What if may manligaw sa kanya?

"Hindi ko ie-entertain. Sasabihin ko sa kanya na hanggang friends lang kami. Hindi ko kayang makipagrelasyon sa kapwa ko babae, e. Ang dami namang guys d'yan bakit sa isang babaeng tulad ko pa, di ba?"

Sa ngayon ba ay sino ang boyfriend niya? "Wala akong boyfriend ngayon."

Wala bang nanliligaw sa kanya ngayon?

"Wala, e, kasi nasa bahay lang ako maghapon at magdamag after ng taping. Trabaho tapos bahay lang ako, ganoon. Walang chance na maka-meet ng guy."

After Mark Herras hindi na ba siya nagkaroon ng boyfriend?

"Hindi ko naman naging boyfriend si Mark e."

Kasama si Ryza sa seryeng Rosalinda na pinagbibidahan ng baguhang si Carla Abellana. Anong masasabi niya na mababa lang daw ang rating ng kanilang show?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi po ako aware sa rating namin, e. Basta ako, ang iniisip ko lang ay may trabaho ako. Pero kung totoo man po yun, talagang ganoon naman sa bawat show, e. Minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN