Paolo Bediones breaks silence on breakup of two-year relationship with Abby Cruz

IMAGE 0


"Definitely, it's not a third party. Definitely it's not because nag-away kami or what. It's really... mutually we agreed upon it, na let's work on the friendship. Kasi sometimes in a relationship, mas naging focused tayo masyado dun sa pagiging magkasintahan, nakakalimutan na natin yung pagiging magkaibigan," says Paolo Bediones about his breakup with beauty queen Abby Cruz (inset).


Pagkatapos ng live presentation ng bagong 16 castaways ng Survivor Philippines: Palau sa grand launch nito kagabi, August 13, naiwan si Paolo Bediones, ang host ng show, sa stage, para sagutin ang mga katanungan ng entertainment press sa Q&A portion.

Isang columnist ang nagpasintabi kay Paolo kung puwedeng magtanong ng personal question. "Sure, I'll be glad to," ang tugon ni Paolo, sabay birong silang dalawa lang naman ang nasa loob ng napakalaking Studio 5 ng GMA Network Center.

Ang tanong: "You broke up with your girlfriend a few days before you go to Palau or a week. How did you cope with the heartache while you were on the island?"

Ang sagot ni Paolo, nahirapan daw talaga siya dahil nagkataong nasa Palau siya noon para sa taping ng second season ng Survivor Philippines. Pero malaki ang naitulong ng trabaho niya para gumaan kahit papaano ang nararamdaman niya at hindi niya maisip ang tungkol sa breakup nila.

Ang binabanggit na girlfriend ni Paolo ay ang Binibining Pilipinas alumna na si Abigail Leslie "Abby" Cruz. Nanalo as second runner-up at Best in Swimsuit si Abby sa Bb. Pilipinas noong 2007 si Abby. Sumali siya ulit this year, pero hindi siya nakasama kahit sa semifinals man lang. Pumasok din sa showbiz si Abby, at nakasama siya sa cast ng GMA teleserye na Lupin, na pinagbidahan ni Richard Gutierrez noong 2007.

REASON OF BREAKUP. Muling inulit ni Paolo ang kanyang sagot tungkol sa breakup nila ni Abby nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press pagkatapos ng presscon. Ngunit dito ay nahingan na siya ng mas mahabang pahayag at pagpapaliwanag tungkol sa naturang isyu.

"It was very hard," umpisa niya. "I told you, yung communication, napakahirap. Nandun kami sa isla, walang Internet, tapos wala ring cellphone signal. And I knew that nahihirapan siya. And mas nahihirapan siya because ako, I have work to do na puwede kong tutukan, e, para kahit paano malibang or whatever. But when I go home at night, ayokong mag-isa, e. Kaya lagi akong kasama ng mga staff, at ayoko ring mag-isa na iniisip ko rin yun. But when we communicate, pinapaalam niya rin sa akin na nahihirapan din siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gaano katagal ang inabot ng relationship nila?

"Two years na kami," sagot niya.

Pero gaano katagal na yung breakup nila bago siya umalis patungong Palau?

"Mga a week before naging official. But siguro two or three weeks before that pinag-uusapan na namin," banggit ni Paolo.

Ano ang reason ng breakup?

"Definitely, it's not a third party," sabi niya. "Definitely it's not because nag-away kami or what. It's really... mutually we agreed upon it, na let's work on the friendship. Kasi sometimes in a relationship, mas naging focused tayo masyado dun sa pagiging magkasintahan, nakakalimutan na natin yung pagiging magkaibigan. So, doors are not being closed."

Hindi pa satisfied ang press kaya pinilit pa ring itanong kay Paolo ang rason ng breakup nila.

"Sa amin na yun kung ano yung reason. Very personal reason," iwas niya. "But definitely, nothing bad na puwede mong i-categorize na, 'Oh, my God, ano ba?' It was a very pleasant deciding na mag-remain as friends."

STILL FRIENDS. So, friends pa rin pala sila?

"Yeah. And I think yun ang pinakaimportante. Because once you have the friendship, anything can happen in the future," ani Paolo.

Pero nung wala siya sa Pilipinas, ano ang naramdaman niya o naiisip niya para kay Abby?

"You know what? Naawa ako sa kanya," sagot ng veteran TV host. "Kasi number one, wala ako rito para humarap sa inyo. Ako yung dapat humarap, e, hindi siya. And I told her, 'You don't have to. Wait for me to go back para ako na ang humarap.' On her part naman, parang nahirapan siya kasi ang dami niyang naririnig, minsan lalabas sa TV."

Siya ba ang nagsabi kay Abby na huwag munang magpa-interview?

"No, I asked her, 'What do you want to do? Do you want to talk to them [press]? Go ahead, if you want talk to them.' Sabi niya, 'Huwag muna.' And I think that's the most ideal kasi ako dapat yung magsalita. Ako yung lalake."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba siya nag-alala na baka sabihin ng iba na ginagamit niya lang ang isyu ng breakup para sa promo ng Survivor?

"No, I mean I didn't plan this. In fact, I can just easily, you know, tell everyone na 'Don't ask me any questions about it.' But I mean, this is the life I chose, e. Parang, sa akin, that's the last thing I want to do, and I have never done that, e. Never in my 13 years in showbiz na nagsalita ako para gamitin yung isyu, e. Kilala n'yo ako. You ask me, I'll answer," saad niya.

Ayon pa kay Paolo, they are still surviving at ang importante ay buo pa rin ang pagiging magkaibigan nila ni Abby.

"Ang importante ay buo pa kaming dalawa. Buo as individuals. Yun ang kailangan: na buo kayo as individuals."

Nagkita na ba ulit sila pagbalik niya sa Pilipinas?

"Oo, oo. Constant pa rin yung communication. Magkaibigan pa rin kami. May plans pa rin to go out, to see each other."

So, posible pa rin ba na magkabalikan sila?

"Doors are not being closed," sagot ni Paolo. "Anything is possible, e. And that's one thing I learned, never close doors."

WAYS OF COPING. So, anong ginagawa niya ngayon para hindi maisip yung breakup nila?

"Right now, what I'm doing is distracting myself with work. I have Unang Hirt to pay attention to. I have Survivor Philippines. Sobrang tinututukan namin yung editing, yung mga promo ng castaways, yung promo ng show. So, it's a good time for me to be able to... You know, huwag muna, huwag muna. And then there will be a period na magpapahinga, e, na Unang Hirit lang ang gagawin ko. Buti, araw-araw ang Survivor."

So, ginagawa niya ba ito para makalimutan si Abby?

"Hindi para makalimutan siya. Pero huwag isipin muna," paglilinaw ni Paolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil ba may nararamdaman pa siyang sakit?

"Of course there's a lot of hurt sa nangyari," sagot niya. "Hindi ko naman ginusto. Hindi rin naman niya ginusto. But then things happened, e. You know, things happened, certain realizations. Parang instead of working on it when there's so much work to be done, let's work on what should be done first, yung trabaho natin. And then let's work on the friendship. And then if anything happens in the future, doors aren't closed."

NOT READY FOR ANOTHER RELATIONSHIP. So, hindi pa siya ready for another relationship?

"No, no. Right now, I'm rediscovering my friends, people na matagal ko na talagang hindi nakikita. And, of course, itong mga castaways, inaalagaan ko rin to make sure na... Alam mo naman medyo mapusok pa yung mga yun, e. Kita mo naman, medyo pasaway pa yung iba. We want to put them on right path. You know what I mean, when they do these interviews. When they come out, they [should] make the right impression," pagtatapos ni Paolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN