Jericho Rosales sees no romance blooming again between him and ex-girlfriend Kristine Hermosa

IMAGE 0


"Hindi siguro ito ngayon ang panahon [na magkabalikan] dahil nagtatrabaho kami. This time, we really wanna try na hiwalay ang trabaho at yung personal kong buhay. Gusto kong masubukan naman yun. All my life, buong career ko, lagi akong may relationship. This time, subukan naman natin na magbago nang kaunti," says Jericho Rosales about his ex-girlfriend Kristine Hermosa who plays his leading lady in the new ABS-CBN teleserye Dahil May Isang Ikaw.


Naging tampulan ng tukso sa presscon ng upcoming teleserye ng ABS-CBN na Dahil May Isang Ikaw noong Lunes, August 10, ang pag-amin ni Kristine Hermosa na si Jericho Rosales ang kinokonsidera niyang first love.

Ayon sa aktres, tatlong taon din niyang iniyakan at dinamdam ang breakup nila ni Jericho, bago siya naka-recover sa nangyari. Aminado rin kasi si Kristine na talagang minahal niya si Echo.

SURPRISED ECHO. Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Jericho, sinabi niyang nagulat siya sa ginawang pag-amin ni Kristine.

"Nabigla lang ako na in-open ni Tin yun sa buong bayan," nakangiting sabi ni Echo. "Siyempre, naging uncomfortable ako kasi private akong tao. As much as possible, I want a private life.

"Hindi naman pinag-uusapan yun on TV. Ganun naman ako, hindi ako TV person pagdating sa personal kong buhay. But you know, we're cool naman. Naayos na namin yung mga kaso na yun.

Dagdag pa ni Echo, "Nag-e-enjoy lang naman tayong lahat kanina. It's uncomfortable, pero medyo nabigla lang ako nang kaunti."

Kung aminado si Kristine na nasaktan ito sa malungkot na kinauwian ng relasyon nito kay Echo, aminado rin naman ang aktor na minahal at ipinaglaban nito ang naging relasyon nila ni Kristine. Nasaktan din daw siya sa naging breakup nila.

"Masakit kung sa masakit," aniya. "Kami naman ni Tin, masaya naman nung kaming dalawa. Masasabi ko na nung naging kami, talagang solid yun. Kung sa pinaglaban, pinaglaban ko kasi. Alam mo naman tayo, sanay tayo sa 'You and Me Against the World' relationship."

Sa kasalukuyan ay wala raw karelasyon si Kristine. Kahit na napapabalitang boyfriend na diumano nito ang aktor na si Oyo Sotto, tigas pa rin ito sa pagtanggi na karelasyon na nga nito ang aktor. May mga nagtatanong tuloy na kung wala sa buhay ni Kristine si Oyo, may pag-asa kayang makabalikan nito ang dating boyfriend na si Jericho?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Of course, there's always that possibility. But you can choose, di ba? Siguro kung papipiliin ako ngayon, magdadalawang-isip ako kung pagsasabayin ko ang personal kong buhay at saka ang trabaho.

"Hindi siguro ito ngayon ang panahon [na magkabalikan] dahil nagtatrabaho kami. This time, we really wanna try na hiwalay ang trabaho at yung personal kong buhay. Gusto kong masubukan naman yun. All my life, buong career ko, lagi akong may relationship. This time, subukan naman natin na magbago nang kaunti.

"Tulad kanina ang sarap tanungin kung puwede bang mangyari, na kung puwede bang maging kami uli. Siyempre, may limitations na, ayoko namang may makaaway ako, di ba?" may kahulugang bitaw ni Echo.

"Kung anuman ang maramdaman ko sa sarili ko, sa akin na lang yun. Basta ako, alam ko ang boundaries ko. Alam ko ang respeto na binibigay ko sa ibang tao."

KISSING SCENE. Before Dahil May Isang Ikaw, nagkapareha sina Echo at Tin. Isa ngayon sa inaabangan ng loyal fans ng dalawa ay kung magkakaroon ba ng kissing scene ang former lovers.

"Nakakatwa lang kasi nangyari na sa amin yun at natawa kami. Nag-kiss kami sa [isang episode ng] Maalalaa Mo Kaya. Pero bago nangyari yun, di kami makapag-kiss kasi natatawa kami.

"Anyway, okey naman kami ni Kristine. Comfortable na kami sa isa't isa. Walang problema kung may kissing scene man kami, dahil kailangan naman sa eksena. Basta kami, we assure you na ang Dahil May Isang Ikaw ay ang show na di basta-basta.

"Imagine n'yo naman ang mga kasama namin, like Ms. Lorna Tolentino, Mr. Gabby Concepcion, John Estrada, Karylle, Sid Lucero, Chin-Chin Gutierrez, and a lot more.

"I assure you na Dahil May Isang Ikaw is a very good program. It's gonna be a show with a lot of values. Pampamilya, sabi nga ni Tin.

"At sa mga followers namin ni Tin, I'm sure na masa-satisfy sila sa pagbabalik-tambalan naming dalawa. Sana panoorin nila, Dahil May Isang Ikaw on August 24 na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, may nasulat kamakailan na nakita raw sa The Fort si Jericho na may ka-date na isang Brazilian model. Nilinaw naman agad ng aktor na wala itong katotohanan.

"Brazilian? The Fort? Lahat ng mga lakad ko alam ng manager ko. That's not true, wala akong dine-date," tanggi ni Echo.

QUESTIONS ABOUT HEART. Tungkol naman sa ex-girlfriend niyang si Heart Evangelista, sinabi ni Echo na hindi pa sila nagkakausap muli, kahit na napabalita noon na nakita silang nagde-date uli.

"Lately hindi kami nagkakausap na dalawa. Wala lang. Yung sinasabing lumabas kami, dati pa yun, a month or two months ago. Naayos na naman namin yung ibang mga bagay na dapat ayusin naming dalawa."

Ano naman ang masasabi niya sa rumored suitor ni Heart na nagngangalan diumano na Joey de Venecia.

"As far as I know, alam k0ng totoo 'yan. But wala naman akong masasabi diyan. Heart is very beautiful, I'm sure maraming manliligaw sa kanya. Di ko siya tatanunungin regarding that, I have no right to do that."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN