Iza Calzado wants to keep identity of her steady date secret

IMAGE 0


"Kung sino siya, let's keep it a secret muna. Ayokong masabit siya sa kaguluhan ng showbiz. Hintayin ko na lang siya na magsabi kung kelan siya ready to meet my friends in showbiz. As of now, privacy niya ang importante sa akin," says Iza Calzado about the non-showbiz guy she is dating now.


Simple lang ang gustong birthday celebration ni Iza Calzado ngayong araw, August 12. Hangga't maaari ay gusto niya itong gugulin sa mga tinutulungan niyang mga bata at iba pang mga tao sa iba't ibang charity organizations.

Active si Iza sa pagtulong niya sa Gawad Kalinga, Breast Cancer Society of the Philippines, Philippine Children's Medical Center, at sa Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery Social Services (KALAHI-CIDSS) project.

"Ever since naman ay hindi ako nagkakaroon ng malaking party on my birthday," sabi ni Iza sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "I would rather spend it with people who need medical attention and other services. Mas happy ang kaarawan ko kapag may nakikita akong masasayang bata at mga taong natutulungan ko in my own little way.

"As my birthday wish, siguro it's for other people na lang at hindi na para sa akin. I wish good health for the people I am helping and, siyempre, gano'n din ang wish ko sa pamilya ko at sa mga taong patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa akin."


FULL OF BLESSINGS. Blessed na blessed nga si Iza dahil sunud-sunod ang TV and film projects at endorsements na dumarating sa kanya. After ng huling primetime soap niya na All About Eve, sisimulan na niya ang kanyang one-month stint sa SRO Cinemaserye ngayong buwan ng Agosto. May sisimulan din siyang bagong GMA Sine Novela. Tinatapos din ni Iza ang Panday, sa ilalim ng GMA Films at Imus Productions, na isa sa official entries ng 2009 Metro Manila Film Festival.

Malapit na ring ipalabas sa Pilipinas ang ginawa niyang Hollywood movie na The Echo, kung saan kasama niya ang Hollywood actors na sina Jesse Bradford at Amelia Warner. Ito ay Hollywood version ng pelikulang Sigaw ni Yam Laranas, na siya ring direktor ng The Echo.

Magiging entry naman sa Montreal International Film Festival ang katatapos lang na pelikulang ginawa ni Iza, Dukot. Kasama niya rito sina Allen Dizon, Gina Alajar, Snooky Serna, Felix Roco, at Emilio Garcia. Mula ito sa direksiyon ni Joel Lamangan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I am so blessed talaga!" sambit ni Iza. "I cannot ask for anything else for my birthday. Sunud-sunod ang mga nangyayari sa akin. Kaya panay ang pasalamat ko sa Diyos sa mga bigay Niya sa akin. Kaya I also share my blessings with other people."

MYSTERY GUY. Sa kanyang personal life naman, inamin ni Iza na she's dating a non-showbiz guy. May mga pictures na raw na lumabas kasama ang naturang guy. Pero ayaw pang ibigay ni Iza ang pangalan ng kanyang steady date.

"Ibalato n'yo na lang sa akin iyon, di ba?" tawa pa Iza. "Unang-una, hindi naman taga-showbiz ang guy na 'yon. He's a good friend and we've got common friends din. Yes, we do go out on dates and it's a normal thing naman for single people like me and him to do that, di ba?

"Kung sino siya, let's keep it a secret muna. Ayokong masabit siya sa kaguluhan ng showbiz. Hintayin ko na lang siya na magsabi kung kelan siya ready to meet my friends in showbiz. As of now, privacy niya ang importante sa akin," pagtatapos ni Iza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN