Marian Rivera inspired even more by high rating of Darna's pilot episode

IMAGE 0


"Magsisilbing inspirasyon ang show na ito sa aming lahat. Pagbubutihan pa namin ang show para tiyak na aabangan nila ang lahat ng magaganap sa Darna mula Lunes hanggang Biyernes," says Marian Rivera (in photo, with Manny Pacquiao) about the success of Darna's pilot episode.


Hindi mawala ang malaking ngiti ni Marian Rivera dahil sa napakataas na rating ng pilot episode ng pinagbibidahan niyang telefantasya sa GMA-7, Darna.

Nakakuha ng 44.1 percent ang pilot ng Darna last August 10 sa Mega Manila ratings ng AGB Nielsen Phils., kaya naman sobra ang pasasalamat ni Marian sa Diyos dahil nadinig ang kanyang mga dasal. (Click here to read related story.)

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Marian sa taping ng sitcom niya with Manny Pacquiao na Show Me The Manny kahapon, August 11, sinabi niyang hindi niya inaasahan na magiging gano'n kataas ang rating ng pilot episode. Kaya hindi lang daw siya ang masaya kundi pati ang buong staff at cast ng Darna.

Ani Marian, "Nakakatuwa kasi lahat kami ay ipinagdasal na maging maganda ang resulta ng Darna. Gusto namin na masiyahan ang lahat ng manonood ng pilot episode namin para masundan nila ito parati.

"Noong lumabas nga ang ratings, talagang nagsisisigaw kami sa tuwa! Kasi lahat ng pagod, puyat, at hirap namin sa taping ay sulit. Lalo na ang production staff na 24 hours yata kung magtrabaho sa set namin. Kaya saludo ako sa kanila.

"Magsisilbing inspirasyon ang show na ito sa aming lahat. Pagbubutihan pa namin ang show para tiyak na aabangan nila ang lahat nang magaganap sa Darna mula Lunes hanggang Biyernes," pangako ng aktres, na ngayong gabi pa lang lalabas sa Darna.

QUEEN OF PRIMETIME. Dahil sa pagbabalik ng Darna sa telebisyon, tinatawag na ngayong "Queen of Primetime" si Marian. Ano ang reaksiyon niya rito?

"Maraming salamat sa pagtawag nila sa akin niyan, nakakataba ng puso talaga," sabi ni Marian. "Pero hindi ko solo ang titulong 'yan. Marami kaming may karapatan sa titulo na 'yan. Hindi lang para sa iisang tao 'yan.

"Ang importante ay maganda ang resulta ng trabaho ko at marami akong napapasayang tao. Mas importante 'yon kesa sa anumang titulo na ibigay nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


SITCOM WITH MANNY. In a few weeks ay mapapanood naman si Marian sa kauna-unahan niyang sitcom, Show Me The Manny, kung saan kasama niya ang Pambansang Kamao na si Manny "Pacman" Pacquiao. Ipinagdarasal din ng aktres na maganda ang kalabasan ng show nilang ito ni Manny sa GMA-7 dahil ibang Marian naman daw ang mapapanood ng kanyang mga fans.

"Kikay naman ako dito sa Show Me The Manny," banggit ni Marian. "Kung sa Darna ay serious at sobrang drama ako, dito sa sitcom ay mapapanood nila ang other side of Marian, yung masayahin at palabiro.

"Ang gaan-gaan nga ng taping namin every week. Parang naglalaro lang kami sa set. Walang pressure ang sitcom. Dito nga ako nakakapag-relax kasi sobrang gaan ng trabaho dito sa taping namin ni Manny."

Sa big screen naman ay malapit nang ipalabas ang pelikula ni Marian na Tarot under Regal Entertainment kung saan kasama niya si Dennis Trillo. Sa December naman ay mapapanood ang aktres sa Nieves: The Engkanto Slayer na official entry sa 2009 Metro Manila Film Festival.

Ipinagdiriwang ni Marian ngayong araw, August 12, ang kanyang 25th birthday.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN