Star Cinema's And I Love You So will not be shown in any SM cinema

IMAGE 0


The latest movie of Star Cinema, And I Love You So—starring Derek Ramsay, Bea Alonzo, and Sam Milby—opens today in about 100 theaters, but not in SM Cinemas. This is due to a recent conflict between the film arm of ABS-CBN and SM Cinemas.


Marami ang nagulat sa announcement na ginawa ng Star Cinema bago simulan ang pagpapalabas ng pelikulang And I Love You So sa premiere night nito kagabi, August 11, sa Cinema 5 ng TriNoMa Mall, Quezon City. Ang And I Love You So ay pinagbibidahan nina Bea Alonzo, Sam Milby, at Derek Ramsay.

In-announce ng Star Cinema na simula sa And I Love You So, na showing na ngayong araw, ay hindi muna mapapanood ang kanilang mga pelikula sa alinmang SM Cinemas nationwide. Pero, mapapanood pa rin ang And I Love You So sa 100 theaters sa buong bansa sa pamamagitan ng ibang theater circuits, gaya ng Robinsons Malls, Ayala Malls, at Power Plant sa Rockwell, Makati City.

Ang mga sinehan ng SM malls "sell 45 percent of all movie tickets sold" dito sa Pilipinas, ayon sa report ng YES! Magazine sa April 2009 issue nila.

Ilang araw bago ang premiere night ng And I Love You So, na-announce na ng Star Cinema na magaganap dapat ang big event na ito sa SM Megamall sa Mandaluyong City. Pero kahapon, ilang oras bago ang premiere showing, ay naglabas ng anunsiyo ang Star Cinema na hindi nila ipalalabas sa lahat ng SM Cinemas ang And I Love You So.

Ayon sa isang insider ng ABS-CBN, may pagkukulang diumano ang SM Cinemas sa Star Cinema pagdating sa pag-report ng totoong kinita ng mga pelikula nila. Nadiskubre raw ng film arm ng Kapamilya network ang maling computation ng SM Cinemas sa mga kinita ng mga pelikulang ipinalabas nila simula pa noong 2003.

Nang madiskubre ng Star Cinema ang diumano'y maling computation ng kinita ng mga pelikula nilang ipinalabas sa SM Cinemas six years ago, taun-taon daw silang nagpa-follow up at nagre-remind sa management ng SM Cinemas. Pero ang lagi raw isinasagot sa kanila ng SM Cinemas ay aayusin nila ang problema, hanggang sa umabot na raw ito ng anim na taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

But this time, umaksiyon na ang Star Cinema laban sa SM Cinemas. Kailangang maibigay raw muna ng SM Cinemas ang report ng tamang computation ng kinita ng mga pelikula ng Star Cinema sa kanilang mga sinehan. Umabot na raw sa ilang milyong piso ang perang nawala sa Star Cinema dahil sa diumano'y maling computation ng SM Cinemas sa kinita ng mga pelikula nila.

At press time, nakapag-decide na ang Star Cinema na hindi muna nila ilalabas sa SM Cinemas ang mga upcoming movies nila, gaya ng Kimmy Dora ni Eugene Domingo at In My Life ni Vilma Santos, hangga't hindi naaayos ang problema.

Paliwanag ng insider ng ABS-CBN, mas maraming milyones pa raw ang mawawala sa mga pelikulang ipalalabas nila kung patuloy na hindi maayos ang maling computation ng SM Cinemas sa mga kikitain ng upcoming and potential box-office hits ng film arm ng ABS-CBN.

Naniniwala ang Star Cinema na hindi maaapektuhan ang kikitain ng And I Love You So dahil mapapanood pa rin ito sa may 100 sinehan nationwide, sa pakikipagtulungan ng ibang theater circuits gaya ng Robinsons Malls, Ayala Malls, at Power Plant sa Rockwell. Tulad ng SM Malls, nagkalat na rin ang mga nabanggit na malls sa Metro Manila at iba't ibang key cities sa buong Pilipinas.

Sinubukan ng PEP na kunin ang panig ng pamunuan ng SM Cinemas sa pamamagitan ng booking manager nila na si Mr. Gerry Ocampo. Pero ayon kay Mr. Ocampo, hindi pa magbibigay ng statament ang management ng SM Cinemas tungkol dito.

Ayon naman sa industry sources, nakatakda raw makipag-meeting ang management SM Cinemas sa ibang theater associations ngayong araw, August 12, upang pag-usapan ang isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN