Xian Lim thanks ABS-CBN for giving him a break

IMAGE 0


"Napaka-supportive po nila, lalo na sina Ms. Cherie Gil at Mr. Gardo Versoza, who portray as my parents sa Katorse. So far, hindi pa naman ako natarayan ni Ms. Cherie. Sinasabi lang niya na dapat ganito ang acting diyan, ganito ang diyan. Pinapaunawa po niya sa akin yung eksena. Kasi magaling po siya and she wants na mag-work yung eksena," shares Xian Lim about the stars he works with in the upcoming ABS-CBN teleserye Katorse


Aminado ang baguhang si Xian Lim na nung magsimula siya sa showbiz ay crush na niya si Erich Gonzales. Kaya naman nang magkasama sila sa taping ng pinagsasamahan nilang bagong primetime teleserye ng ABS-CBN, ang Katorse, ay nag-attempt daw siyang manligaw kay Erich.

"At first po, 'pinakita ko po sa kanya how I feel. 'Pinakita ko po sa kanya how special she is. But as our taping for Katorse went on, we both decided na mas makakabuti talaga kung mag-focus muna kami sa work. Kasi we have to grab the opportunity. First big break ni Erich ito as bida talaga. And it's my first big break din as one of her leading men," bulalas ni Xian nang ma-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Katorse, na ginanap kagabi, August 12, sa 9501 restaurant sa ABS-CBN.

Hindi naman siya binasted agad ni Erich?

"Hindi naman po binasted yun. Iba naman po yung binasted na hindi na talaga pwede, na ayaw niya sa akin. Kasi nag-usap po kaming dalawa na we can work well kung hindi muna namin paiiralin ang feelings namin. Pareho po kaming nag-decide, may agreement po kami."

Kapag ready na ba si Erich ay itutuloy na niya ang panliligaw sa dalaga?

"Hindi ko naman po masasabi yung future. Whatever happens, happens po. Pero ngayon po, ang focus po namin, ang main goal po namin, is to make the show work para maganda po ang resulta."

Sa kabila ng agreement nila ni Erich na wala munang ligawan, ayon kay Xian, patuloy pa rin daw niyang ipinapakita ang pag-aalaga kay Erich. Anong pag-aalaga naman ito?

"Like sa set, pagkatapos ng mga takes niya, kasi siya palagi ang nakasalang, wala na siyang energy na tumayo para kumuha ng pagkain. Siyempre, being a gentleman, binibigyan ko siya ng food. Minsan dinadalhan ko siya ng food."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Erich si Ejay Falcon din daw ay parang nagpapalipad-hangin sa kanya. Hindi ba siya nagselos kay Ejay?

"Hindi naman po. Magkakaibigan naman po kami nina Ejay, kaming lahat. Wala pong problema sa set."

Ano sa tingin niya ang edge niya kay Ejay para magustuhan ni Erich?

"Dapat po si Erich na ang sumagot niyan."

KATORSE. Thankful si Xian sa ABS-CBN dahil kahit baguhan pa lang siya ay binibigyan siya agad ng magagandang opportunities. Proud nga si Xian dahil kasama niya sa cast ng Katorse ang ilang beteranong artista gaya nina Cherie Gil, Gardo Versoza, at Malou de Guzman.

Kamusta namang katrabaho ang tatlong nabanggit na magagaling na artista?

"Napaka-supportive po nila, lalo na sina Ms. Cherie Gil at Mr. Gardo Versoza, who portray as my parents sa Katorse. So far, hindi pa naman ako natarayan ni Ms. Cherie. Sinasabi lang niya na dapat ganito ang acting diyan, ganito ang diyan. Pinapaunawa po niya sa akin yung eksena. Kasi magaling po siya, and she wants na mag-work yung eksena."

Ano ang expectations niya sa Katorse?

"Ine-expect ko po na sana mag-work yung show. Sana mag-rate ng mataas. Lahat naman po kami yun ang gustong mangyari. Sana magustuhan po ng mga tao yung pinaghihirapan naming show."

READY FOR INTRIGUES. Among the local actors sa showbiz, sino ang talagang iniidolo niya?

"Si Christopher de Leon. Kasi sila ni Vilma [Santos-Recto], talagang napapaiyak nila ako. Magaling silang mag-portray ng character. Dream ko po talagang makasama sila sa project. Ngayon nga po, it's a great honor for me na makasama ang hinahangaan ko rin na si Ms. Cherie Gil."

Ready na ba siya na harapin ang mga intrigang dadating sa kanya?

"Yung intriga naman po will always be there. Siyempre, you can't please everyone. Right now hindi ko pa po alam paano harapin. Siguro pag nandiyan na. But I think I'm ready naman po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Handa na rin ba niyang i-handle ang mga indecent proposals from gays kung sakali?

"Wala pa naman pong dumarating. Hindi naman po ako homophobic na tao. Ginagalang ko naman po ang lahat, kahit ang mga gays. If ever merong dumating, I will respectfully say na saan po ba ito hahantong. Kung may kapalit ba ang pagmamagandang-loob niya sa akin. Kung ano po... I will respectfully decline kung gusto niya akong makuha. I mean kung may sexual intentions involved."

Samantala, bukod sa pag-aartista, nag-aaral pa rin sa University of the East si Xian at kumukuha ng kursong Management. Varsity player din ito sa basketball team ng UE na Red Warriors. Sa ngayon Team B raw siya, as reserve, dahil requirement daw ang two years residency. Galing kasi ng Daly City, USA, si Xian. Kaya habang hindi pa siya naglalaro ay nag-try muna siya sa modeling hanggang sa alukin na nga siya na pumasok sa showbiz.

Paano kung kailangan niyang mamili between basketball and showbiz, ano ang pipiliin niya?

"So far po ngayon, enjoy po talaga ako sa showbiz. Hindi ko po made-deny yan. Love ko po talaga ang pag-arte. So, showbiz po."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN