Ejay Falcon happy with his "The Next Dramatic Actor" tag

IMAGE 0


"Kung titingnan ko lang noon, parang uwi na lang ako ng probinsiya. Pero nung tinulungan ako ng mga fans, ng mga supporters ko, yung mga taong nakapaligid sa akin, 'ganito ang gawin mo, ganyan...' Pinalakas nila ang loob ko. Kaya sabi ko, sige lalaban ako, itutuloy ko," recalls Ejay Falcon of the time he nearly quit showbiz after winning in Pinoy Big Brother Teen Edition Plus

.


Matapos tanghalin si Ejay Falcon bilang Big Winner ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus noong isang taon, hindi niya inisip na magtutuluy-tuloy siya sa pagpasok sa showbiz. May point daw kasi sa buhay niya na pakiramdam niya ay hindi siya ready sumabak sa showbiz. Pero dahil sa tulong ng mga taong sumusuporta sa kanya ay nagdesisyon din siyang ituloy ang pagiging artista.

"Ako talaga, sinabi ko kay Direk Lauren [Dyogi, Business Unit Head ng PBB], hindi naman sa pag-aano, pero kita n'yo naman yung hitsura ko noon at saka ngayon. Di ba ang payat-payat ko noon? Sabi ko, 'Direk Lauren, parang hindi pa po ako ready ngayon. Parang hindi ko pa po kakayaning mag-showbiz.'

"Kung titingnan ko lang noon, parang uwi na lang ako ng probinsiya. Pero nung tinulungan ako ng mga fans, ng mga supporters ko, yung mga taong nakapaligid sa akin, 'ganito ang gawin mo, ganyan...' Pinalakas nila ang loob ko. Kaya sabi ko, sige lalaban ako, itutuloy ko," pahayag ni Ejay nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Katorse, ang bagong primetime teleserye ng ABS-CBN, na ginanap kagabi, August 12, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

Kaagad ding naharap noon sa mga intriga si Ejay. Gaya na lang ng pagsasabing tila naungusan pa siya ng first runner-up niyang si Robi Domingo, na nagkaroon agad ng projects. Tinanong tuloy ng PEP kay Ejay kung hindi ba siya nakaramdam ng inggit o sama ng loob na hindi siya agad nabigyan ng projects at tila naunahan pa siya ng ibang ka-batch sa PBB?

"Si Robi, nagkaroon ng MYX (as VJ), bagay naman sa kanya, e. Ako naman, hindi ko naman pinangarap na maging ganun. Parang, sa akin, naisip ko, hindi bagay sa akin yan. Inisip ko na lang na darating din yung para sa akin, yung bagay sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MAY BUKAS PA. Itinuloy nga ni Ejay ang pagso-showbiz. Bilang paghahanda ay nag-workout siya para mapaganda ang katawan. Nag-acting workshop siya. At matapos nga ang kanyang paghihintay ay dumating na ang break nang mag-guest siya sa toprating show ng ABS-CBN na May Bukas Pa, bilang anak ni Rosanna Roces at pamangkin ni Tonton Gutierrez.

Pero mas natuwa pa si Ejay dahil ang ilang araw lang dapat na guesting sa May Bukas Pa ay nasundan pa, hanggang sa humaba ang partisipasyon niya sa top-rating show.

"Actually, guesting lang yun. Akala ko nga isang linggo lang. Kapag nawala na si Ms. Rosanna Roces, mawawala na rin yung character ko. 'Tapos nagulat ako, may nabasa akong text sa cellphone ko. Call time tomorrow. 'Ha? Ano yan, tapos na ako, a?' 'Tapos kinausap ko yung handler ko, tinanong ko. Sabi niya, 'Hayaan mo na. At least, trabaho.' Sabi ko nga sa sarili ko, dati wala akong ginagawa, pero ngayon palagi na akong puyat, a. Pero okey naman, gusto ko naman."

Habang nagte-taping siya sa May Bukas Pa ay naghahanda na rin si Ejay sa susunod niyang teleserye, ang Katorse. Ano ang feeling na ngayon ay nagsusunud-sunod na ang projects para sa kanya?

"Actually, tapos na ako sa May Bukas Pa. Pero nung time na yun, nagse-segue ako. Dahil start na ng Katorse, kaya mawawala na ang character ko sa May Bukas Pa. Pinalabas na pupunta ako ng Manila kasi pinapasundo ako ng nanay ko, si Ms. Rosanna Roces."

KATORSE. Tuwang-tuwa si Ejay nang malaman niyang isa siya sa tatlong leading men ni Erich Gonzales sa Katorse, along with Enchong Dee at Xian Lim. Kasama rin sa cast sina Cherie Gil, Malou de Guzman, Gardo Versoza, Charee Pineda, at Eda Nolan. Mapapanood ang Katorse simula August 24, sa ABS-CBN Primetime Bida.

Pawang mga baguhan silang mga bida sa Katorse, at bawat isa sa kanila ay may kanya-kanyang bansag. Ang tawag nga kay Ejay ay "The Next Dramatic Actor." Ano ang feeling na ganun ang tawag sa kanya ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wow naman! Masaya, masaya po kasi hindi lahat ng gaya naming baguhan, sa dinami-dami ng artista, hindi lahat tinatawag ng ganyan. Masayang-masaya po ako. Nagpapasalamat talaga ako sa mga nagtiwala sa akin kung bakit ako nandito ngayon. Ni sa isip, hindi ko man lang naisip yan dati, e, na magiging ganyan ako. Wala, e. Dati pinapanood ko lang yung mga kasama ko ngayon sa Katorse. 'Tapos ngayon, kasama ko na pala. 'Tapos isa na ako sa mga leading man ni Erich. Masayang-masaya po ako. Parang naabot ko yung sobra-sobra pa sa pangarap ko."

Ayon kay Ejay, talagang nag-adjust siya sa role niya sa Katorse dahil ibang-iba raw ito kumpara sa totoong buhay.

"Itong role ko sa Katorse, ibang-iba sa personality ko. Dito, sobrang mayabang ako, iresponsable. Ibang-iba talaga. Mabuti na lang tinulungan talaga ako nina Direk [Malu Sevilla]."

May point ba na parang nainis siya sa character niya?

"Oo naman. Sabi ko nga, 'Wow, ano ba? Week seven na tayo ganyan pa rin ang character ko.' Feeling ko ang sama-sama ko na. Pero sabi may mangyayari naman daw twist sa story. Abangan nyo na lang."

WORKING WITH ERICH. How is it working with Erich?

"Si Erich kasi, napaka-sweet na tao yan. Grabe! Palagi, pag pupunta sa set, may dalang pagkain. 'Tapos lahat bibigyan, lahat ng tao doon bibigyan niya. Ganun siya. Tapos maalaga. Sabi nga ni Enchong, mas inaalagaan niya kami kaysa sa inaalagaan namin siya.

"Kasi ako dati, nung May Bukas Pa, segue ako. Kaya pag nasa set na ako ng Katorse, minsan tulog ako, kaya minsan ko lang makausap si Erich. Pero lagi yang, 'O, kain na!' 'Tapos magbibigay yan ng food. Napakabait at saka napakagaling naman ni Erich."

Una nang nabalita na sa kanilang tatlong leading men ni Erich, si Xian daw talaga ang nag-attempt na manligaw kay Erich. Pero sabi ni Erich, tipong nagpapalipad-hangin din daw sa kanya si Ejay. So, may katotohanan ba ang palipad-hangin na ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ano bang hangin yun, hanging habagat?" biro ni Ejay.

Pero may gusto ba siya kay Erich?

"Si Erich nga kasi napaka-sweet, e. So, nagiging sweet din ako sa kanya. Sino ba naman ang hindi magkakagusto diyan? Tingnan mo naman—sexy, maganda, magaling. Parang lahat nasa kanya na."

So, may special feelings ba siya for Erich?

"Ah... minsan... ano ba ito?" paputul-putol na wika ni Ejay. "Minsan kasi parang pinipigilan ko rin. Kasi ako talaga pag na-in love ako, nawawala ako sa focus. Baka mapabayaan ko yung Katorse, yung trabaho ko. Baka hindi na masundan yung trabaho ko. So, ayoko muna."

So, in real life pala ay may nangyayaring love triangle sa kanila nina Erich at Xian?

"Ay, ano ba yan? Si Xian naman kasi hindi niya rin sineseryoso, e. Hindi naman siya masyadong, yung dun lang talaga nagpo-focus lang kay Erich. Ano siya, sa trabaho rin. Kaming lahat naka-focus kami sa trabaho. Walang ganun-ganun muna. Walang ligaw-ligaw muna. Career muna, kasi ngayon lang ako nabigyan ng trabaho. Ayoko namang sayangin ang opportunity."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN