Anne Curtis talks about her car accident for the first time

IMAGE 0


Anne Curtis says she was not drunk when the accident happened. She also thanked her friends who rushed immediately at the accident site to help her.


Kapansin-pansing walang narinig na opisyal na pahayag mula mismo sa aktres na si Anne Curtis kahit ilang araw na ang lumipas mula nang ma-involve ito sa isang car accident.

Nangyari ang aksidente nung madaling araw ng July 27, matapos um-attend ni Anne sa birthday party ng co-ASAP artist niyang si Sarah Geronimo. Bumangga ang SUV niyang Porsche Cayenne sa isang nakahintong mini-van habang nakatigil ang trapiko sa kanto ng Congressional at Mindanao Avenue sa Quezon City. Wala namang grabeng sugat ang aktres, liban sa ilang bugbog at galos sa katawan dahil sa aksidente. Isinugod agad siya sa St. Luke's Medical Center ng mga tumulong sa kanyang mga kaibigan.

Sa pangungumusta ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Anne, nilinaw nito ang ilang isyu tungkol sa aksidente, partikular na ang sinasabing nakainom siya o nasa impluwensiya ng alak nang mangyari ang aksidente.

"I'm fine, at kahit interview-hin ninyo ang mga tao dun [site of the accident], I'm fine. Regarding sa issue na nakainom daw ako, yung mga ganyan, dine-deadma ko na lang ang mga ganyan kasi ginagawan talaga nila ng issues. Di mo talaga maiiwasan yun, kaya nga I'm so grateful na kahit yung mga nabangga ko they are very nice to me. Wala talagang bad na lumabas kahit sa mismong nabangga ko. So, I'm very happy na naging maayos ang lahat."

Nagpaliwanag din si Anne kung bakit tahimik lang siya pagkatapos ng aksidente.

"Kasi ayoko nang gumawa na lang ng issues for everyone. Parang what for pa? Parang what happened is not part of the industry any more."

Malaki raw ang pasasalamat niya sa mga kaibigang agad na dumating sa lugar ng aksidente para tulungan siya.

"Sa lahat ng mga tumulong sa akin thank you, thank you very much. Forever grateful ako that you guys were there. I was happy na walang nasaktan. Di rin ako nasaktan. I came out [from the hospital] and everything's fine."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matunog ang pangalan ng dating boyfriend niyang si Sam Milby bilang kasama sa mga unang dumating sa pinangyarihan ng aksidente. Marami tuloy ang nag-iisip kung may balikan bang magaganap sa kanilang dalawa.

"Grateful and touched ako sa ginawa ni Sam. Basta kami ni Sam we're okey, we're friends again, and we'll see what will happen."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN