Sitti admits relationship with non-showbiz boyfriend is "shaky"

IMAGE 0


"Medyo magulo. Inaayos namin. We're just giving each other time away from each other—indefinitely. Matagal na kaming on-off-on-off. Partly, tungkol sa career, but it's more of time issues, yung communication," says Bossa Nova Queen Sitti about the status of her current relationship.


Nagpupursigi si Sitti sa kanyang career kaya naman hanggang ngayon ay naririyan pa rin siya. In fact, naniniwala siyang dahil sa pagkakasali niya sa ASAP Sessionistas ay lalong uminit ang pangalan niya sa mundo ng pop music.

Ang ASAP Sessionistas ay binubuo ng mga sikat na singers na linggu-linggong nagpe-perform ng mga acoustic numbers sa musical-variety show ng ABS-CBN. Bukod kay Sitti, kasama rin sa grupo sina Richard Poon, Aiza Seguerra, Nina, Duncan, at ang MYMP.

Ngayon nga ay iniintriga na rin si Sitti dahil sa comment niya tungkol sa baguhang aktres na si Maricar Reyes, na nababalutan daw ng bitterness at selos. Si Maricar ang diumano'y kinahuhumalingan ni Richard ngayon pagkatapos nilang magkasama sa music video ng crooner. (Click here to read related story.)

"I believe that Maricar is one of the hottest. Nakita ko ang [music] video nina Richard at Maricar. Kung mai-invite si Maricar sa concert, maganda sigurong idea na pumasok si Maricar while Richard is singing 'You And I.' Wala namang bitterness at selos yun. Parang production value lang yung nakikita ko," paglilinaw ni Sitti sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Being close to Richard, naramdaman ba ni Sitti na may katotohanan ang pagkaka-link ngayon ni Richard kay Maricar?

"Sinabi naman ni Richard, mesmerized siya kay Maricar," sagot ng bossa nova singer. "Sino ba naman ang hindi mame-mesmerize sa kanya? Wala pang naikukuwento si Richard sa amin tungkol sa bagay na 'yan.

"Sigurado lang ako, may nararamdaman 'yang si Richard kay Maricar. Kung lalake talaga, mayroong mararamdaman kay Maricar, at bahala na lang sila kung ano yun. Maganda si Maricar, and during the height of the controversy [Hayden Kho sex-video scandal], sa ASAP 'pag nag-uusap yung mga lalake, nakakatawa sila. Inilalagay na nila si Maricar Reyes sa isang pedestal. Iba ang naging tingin sa kanya. Isang babaeng todo pala kung magmahal. 'Tapos, ang ganda-ganda pa niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SHAKY RELATIONSHIP. Marami kasi ang nakakapansin sa closeness nila ni Richard, at sinasabing ito ang naging dahilan kung bakit nagiging shaky ang current relationship na kinasasangkutan ni Sitti.

"Hindi si Richard ang dahilan, pero shaky talaga," at tila naiyak pa si Sitti. "Medyo magulo. Inaayos namin. We're just giving each other time away from each other—indefinitely. Matagal na kaming on-off-on-off. Partly, tungkol sa career, but it's more of time issues, yung communication.

"Nagpapaka-busy na lang ako para makalimutan ko ang problema. Ginagawa ko na lang ang dapat gawin, moment by moment. Hindi ko lang talaga kaya. Basta huwag lang iisipin, okey naman ako. Magulo kasi."

May pagbubuntung-hiningang sinabi ng Bossa Nova Queen sa kinahinatnan ng kanyang lovelife with a non-showbiz guy, "Nangyayari na lang siguro ito para makapag-focus na rin ako sa kung ano ang dapat kong tutukan. Kung ma-realize ko na wala na talaga, e, ganoon na lang yun. Pero ako, I will just cross the bridge kung nariyan na."

Tanggap ni Sitti ang kinatatayuan ng kanyang lovelife, pero nilinaw niya na walang third party involved.

Habang ipinu-promote ang concert na Sessionistas, na itatanghal sa Araneta Coliseum sa August 28, nailunsad na sa Eastwood last month ang latest album ni Sitti, pinamagatang Contagious. Napaka-positive daw, ayon sa kampo ni Sitti, ng response ng marami rito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN