Ai-Ai delas Alas reveals "naughty side" of ex-President Joseph Estrada

IMAGE 0


"Ako, tinatanong ko siya ng personal niyang buhay! Kung sino ang pinakamaganda sa girlfriend niya. Sino ang pinakamalambing na girlfriend niya. Sinagot naman niya, pero hindi ko na puwedeng sabihin. Siyempre, alam mo na, away-away!" says Ai-Ai delas Alas about leading man ex-President Joseph Estrada.


Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Ai-Ai delas Alas na katrabaho na niya, sa kaniyang latest Star Cinema starrer, ang dating presidente ng Pilipinas na si Joseph "Erap" Estrada. Ang title ng pelikula nila ay Ang Tanging Pamilya: A Marry Go Round, sa ilalim ng direksiyon ni Wenn Deramas.

Si Erap din ang pinaka-senior na artistang nakatrabaho ni Ai-Ai. Kaya naman sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa comedienne sa set ng pelikula nila, sinabi niyang ang pakikipagtambal niya sa dating Pangulo ay "one of the most unforgettable experiences" niya sa hinaba-haba ng kanyang showbiz career, na nagsimula nung late '80s.

Ani Ai-Ai, "Siya ang pinakamatanda kong leading man... Yeah, pero huwag na yung edad. Ang ano diyan, e, siya si Erap Estrada. Si Joseph Estrada ay isang napakasikat na action star at naging presidente ng Republika ng Pilipinas."

ON THE SET. Sino ang unang dumating sa kanila sa set ng movie nila ni Erap?

"Siyempre ako, sa takot ko na lang as kan'ya, 'no!"

Ano sabi ni Erap?

"E, di eto, bino-blower ako. 'Bakit ngayon ka lang mimi-makeup-an at bino-blower? Ngayon ka lang dumating, 'no? 'Papa, kanina pa ako dito. Isang oras na. Kumain ako dito, tsumika ako dito.'

"Si Papa Erap, alas-dyes 'ata dumating. E, 11 [a.m.] ang call time. 'Kasi, ang aga-aga mo. Tingnan mo, 11 ka pa pala.' Sinabi ko yun sa kanya at ipinaliwanag ko kung bakit kami late ni Direk [Wenn] sa story conference namin.

"Sabi ko, 'Pa, ganito yun, ha. Hindi talaga kami nali-late ni Direk. Kaya kami na-late kasi ang call namin, four. Tapos nung after ng mga ano, halimbawa, Wednesday ang story con, Monday, pareho kaming nag-psyche na, 'Naku, kaya sinabing three para hindi kami ma-late. Para darating kami 3:30. Pero dumating talaga si Papa Erap ng three, 'day! Parang hihimatayin ako doon sa kinauupuan ko! Kaya kanina sabi ko sa kanya, 'Pa, hindi ako late.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May chemistry na ba agad sila ni Erap?

"May comedy siya, e. May timing pa rin, e."

Hindi ba siya nailang kay Erap?

"Hindi na ako naiilang. Niyayakap-yakap ko na lang siya nang bonggang-bongga."

Nagugulat ba si Erap sa kanya sa mga eksena nila?

"Hindi, pero kapag kinakausap ko siya ng ganito, niyayakap ko siya."

CONVERSATIONS WITH ERAP. Kumusta sila ni Erap sa set ng movie nila?

"Mabango siya, e," banggit ni Ai-Ai. "Kaya ako, pabango ako nang pabango. Nilalabanan ko ang pabango niya. Sabi tuloy ni Papa Erap, 'Ang bangu-bango naman ni Ai.' Tinotodo ko talaga ang pabango ko. Alam mo kung bakit? Kasi kapag umuuwi ako, dumidikit yung amoy niya sa akin. Ganun kalakas yung pabango niya. Sa States daw niya yun binibili."

Tinanong ba niya si Erap sa pagtakabo niya ulit bilang Presidente sa 2010?

"Hindi ko alam," sagot ng komedyana. "Basta tungkol sa pulitika, ayaw ko siyang tanungin kasi ayokong mahaluan ang movie namin ng ano. Pero bongga kapag nanalo ulit siya sa next election. Number two na siya [sa survey], ha. At wala pa siyang ads nun. Nakakaloka, di ba?"

Paano kung mag-request sa kanya si Erap na ikampanya siya sa 2010?

"Si Boy [Abunda] na lang ang sasagot niyan. Manager ko na lang. Hindi ako makasagot," iwas ni Ai-Ai.

Ano usually ang pinag-uusapan nila ni Erap?

"Kami? Ano, ako at saka siya. Ako, tinatanong ko siya ng personal niyang buhay!" tawa niya. "Kung sino ang pinakamaganda sa girlfriend niya. Sino ang pinakamalambing na girlfriend niya. Sinagot naman niya, pero hindi ko na puwedeng sabihin. Siyempre, alam mo na, away-away!"

Ano naman ang tinatanong sa kanya ni Erap?

"Sa akin? Wala siyang tinanong sa akin. A, tinanong ko, 'Pa, magpo-promo ka ba sa ano, mga Wowowee?' Ganun. 'Siyempre, tayo.' Akala niya hindi ako magpo-promote. Kasi ako talaga, magpo-promote ako. Siya ang tinatanong ko. Siyempre, presidente siya, 'no?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mabait siya. Eto, sabi niya sa akin, ibinigay niya ito sa akin, make-up remover, Nutregena. Ibinigay niya sa akin. 'Ha? Pa? Akin ba ito talaga? Bigay mo ito sa akin?' 'Oo, marami pa akong ibibigay sa 'yo.' 'Susunod ba dito, Pa, building?' Charito! Alam mo na? Agad-agad. Yung very, very light," kuwento ni Ai-Ai.

Ano naman ang ibinigay niya kay Erap?

"Pinagluto ko siya ng kare-kare. 'Tsaka meron pang isa, kaldereta. Pinaluto ko 'yan. Yun daw ang mga paborito niya, kare-kare 'tsaka kaldereta. Hindi naman bawal sa kanya. Puwede naman, e."

THE KINGS. Halimbawang magustuhan siya ni Erap, ano ang gagawin niya?

"Well, sabi ko nga, let's cross the bridge when we get there!" sakay naman ang komedyante.

Libre naman si Ai-Ai ngayon, di ba?

"Tama!" bulalas niya. "Isa akong single. Alam mo na. Walang sabit!"

Halimbawang alukin siya ni Erap, gusto niya bang maging isa sa mga asawa niya?

"Huwag namang asawa!" tawa niya.

E, kung si Dolphy, papayag siya?

"Ay, Tito Dolphy! Oo, yun nga! Kahit umupo na lang siya, ako na ang bahala!" biro niya.

Double meaning ba ito?

"Hindi naman," sagot ni Ai-Ai.

Zsa Zsa Padilla ikaw ba 'yan?

Tumawa muna siya, sabay sabing, "Kaedad ko si ZsaZsa, ha. Oo, kaedad ko yun, 44 kami."

Six years daw ang tanda ni Dolphy kay Erap.

"O, di ba? At least buhay pa siya; yung iba, dead."

COMEDY QUEEN. Nauubos na raw ang mga king sa entertainment, maging sa Hollywood?

"Oo nga, wala na ang mga king," pagsang-ayon ni Ai-Ai. "Mga queen na lang ang natitira!" Sabay tawa, bago idinagdag, "Hindi, kasi siguro in show business, depende siguro sa mga na-achieve na dapat ma-ano na, na dapat maagang koronahan, di ba? Kasi nung araw, ang tagal koronahan ng mga ano, royalties, e, kasi kokonti. Oo nga, walang ganun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At least si Ai-Ai raw, nag-iisang Comedy Queen ngayon.

"Oo, sa babae. Wala pa rin," sabi niya.

So, siya na nga ba ang Comedy Queen?

"Oo, siyempre naman! Talagang iki-claim ko na! Alangan namang hindi ko iki-claim?" natatawang sagot ni Ai-Ai.

Kung siya ang queen, sino ang kanyang mga prinsesa?

"Princesses? Sasabihin ko sa 'yo kapag may nakita na ako," sagot niya. "Kasi ang ano, hindi naman ano lang, overall factors, hindi lang yung magaling ka. Minsan yung attitude rin. Titingnan mo kung maganda ang pakikipagkapwa-tao. Kung paano siya sa set. Ganun ang mga ano, di ba?"

"NAUGHTY" ERAP. Sa shooting, napansin ng direktor ng movie nila na si Wenn Deramas ang pagiging "naughty" ni Erap. Minsan daw ay nakikita niya na iba kung makatingin si Erap kay Ai-Ai.

Kuwento naman ni Ai-Ai, "Ang unang linya niya nung umaga, 'May bra ka ba?' Siguro mahilig siya sa sexy, sa tingin ko lang. Sinabi niya yun sa totoong buhay. Natawa ako kasi naka-plunging na ganun yung damit ko. Tapos sabi ko, 'Pa, naka-plunging ako ngayon para sa 'yo.' 'Ha? May bra ka ba?' Sabi ko sa kanya, 'Pa! may bra ako.'"

Inaakit ba niya si Erap siya sa set?

"Hindi naman din. Tsika lang yun," sagot ni Ai-Ai.

Hindi kaya mag-expect si Erap na lagi siyang nakasuot ng ganung kaseksing damit sa shooting nila?

"Well, basta may bra ako dahil yun ang una niyang concern. Malamang regaluhan niya ako ng isang set na bra! E, yung gown ko, wala na talaga akong bra kasi ganun [sabay turo sa dibdib niya]. Sabi ko, 'Pa, this time wala na talaga. Pasensiya!" natatawang kuwento niya.

Hindi niya naramdaman na parang pinagnanasaan siya ni Erap?

"Hindi naman. Siguro tinitingnan lang niya. Siyempre, lalake yun, e. Talagang tumitingin sa boobs ng babae," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patunay lang ba ito na malakas pa rin talaga ang appeal niya sa lalake?

"Hindi, sini-seduce ko lang," sabi ni Ai-Ai na umaasaang naiintindihan ng PEP ang gaang ng tono ng mga pinagsasabi niya.

ROBIN PADILLA IN STAR CINEMA. May balitang babalik sa Star Cinema ang dati niyang leading man na si Robin Padilla sa pelikulang Ikaw Pa Rin. Ano ang reaksiyon niya rito?

"Nakakaloka!" bulalas ni Ai-Ai. "Baka ang payat-payat ko na noon. Skeleton na ako. E, kasi..." Biglang kabig siya, "Huwag na lang, huwag na lang... baka magalit sa akin ang mga Muslim."

Nang nagseryoso na, ito ang sabi ng tanyag na komedyante, "But, of course, I welcome him sa Star Cinema. I welcome him with all my heart. Tama, babalik na siya ng ABS, di ba? Sinabi sa akin ni Tita Malou [Santos, managing director ng Star Cinema]."

Okey ba sa kanya na gumawa ulit sila ng movie ni Robin sa Star Cinema?

"Sabi ni Tita Malou... Eto muna ang tanungin mo, si Direk Wenn!" tawa ni Ai-Ai, sabay turo sa direktor.

Sumagot naman si Direk Wenn na nakikinig ng aming interview with Ai-Ai.

Aniya, "Naka-book ako hanggang 2011. Kelan 'yan? Hindi nga, magugulo ang schedule. Hindi kasi, hindi ko naman dine-deny na naging flop yung movie namin ni Robin. Pero puwede kasing hindi naging flop ang pelikulang yun kung nag-promote si Robin. Hindi siya nag-promote at all."

Paglalahad pa ni Direk Wenn, "Kaya ayoko na may leading man si Ai-Ai sa pelikula dahil sa nangyari. Pero maganda na rin na nangyari yun. Kasi down na down kami nung first shooting day ng Ang Tanging Ina Ninyong Lahat. Tapos ano, showing. Ang sama-sama ng loob namin."

AI-AI & ATE VI. Mamayang gabi, August 15, for the first time ay magsasama sa isang programa ang dalawang sikat na ina sa showbiz—sina Ai-Ai at ang Star For All Seasons na si Vilma Santos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Special guest si Ai-Ai ngayong Sabado sa Vilma: A Woman for All Seasons, ang four-part TV special ni Ate Vi sa ABS-CBN.

"Actually, hindi ko naman masyadong naintindihan nung tumawag sila [production], pero umoo na lang ako, kasi si Ate Vi nandodoon. Nung narinig ko yung pangalan niya, pumayag agad ako. Hosting pala ang gagawin ko!" sabay tawa ni Ai-Ai.

Alam naman ng marami na 100-percent Vilmanian si Ai-Ai. At bukod dito, marami pa silang pagkakahawig sa buhay.

"Scorpio kasi si Ate Vi at Scorpio din ako, so kahit papano alam ko yung ugali niya. Mapagmahal 'yan sa pamilya, lahat ng ginagawa niya may passion. At bilang nanay, nakita naman natin na talagang sweet siya at mapagmahal."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN