A double celebration for actress Sylvia Sanchez

IMAGE 0


Sylvia Sanchez received her diploma for International Culinary Arts and Professional Kitchen Management from The Academy for International Culinary Arts yesterday, August 14. The actress is also on her fourth month of pregnancy.


Galak na galak at very thankful ang aktres na si Sylvia Sanchez (Jossette Campo Atayde sa tunay na buhay) sa dalawang magandang pangyayari sa kanyang buhay kamakailan.

Una, ang kanyang pagtatapos or graduation mula sa culinary school. Isa ng certified chef si Sylvia.

Kahapon, August 14, tinanggap ni Sylvia ang katibayan ng kanyang pagtatapos ng kursong International Culinary Arts and Professional Kitchen Management mula sa The Academy for International Culinary Arts o AIC. May diploma rito at ang graduation ceremony ay ginanap sa Lancaster Hotel sa Shaw Boulevard, ala-una ng hapon.

Si Sylvia ang nag-lead ng invocation o opening prayer sa kanilang graduation rites.

Hindi lamang basta naka-graduate ang aktres, may tinanggap rin siyang karangalan: ang Award in Excellence in Food Safety and Sanitation. Bukod dito, pangalawa siya sa buong klase nila sa Batch 17.

Kasabay ni Sylvia na nagtapos ang kapatid ni Dingdong Dantes na si Ma. Angela Dantes, na kabilang naman sa Batch 20. Dumalo rin si Dingdong sa graduation ng kanyang nakababatang kapatid.

THE ROAD TO SUCCESS. Hindi biro ang pagtitiyaga at pagsusumikap ni Sylvia upang makamtan ang minimithing pagtatapos dahil kasabay ng kanyang pag-aaral ang taping niya last year para sa Eva Fonda ng ABS-CBN.

Ang kanyang taping para sa nabanggit na teleserye ay tuwing Martes at Huwebes, samantalang ang pasok niya sa eskuwelahan ay mula Martes hanggang Biyernes, mula alas singko ng hapon hanggang alas nuwebe y medya ng gabi.

Nagsimulang pumasok sa culinary school si Sylvia noong February 29, 2008 at natapos ang kanyang klase noong September 8, 2008. Ang kanya namang OJT (on-the-job training) ay mula noong October hanggang December 2008 sa Mickey's Delicatessen sa Jupiter St. sa Makati.

Bumalik siya sa A.I.C.A., na matatagpuan sa Pasig City, para sa final exam —written at lab/kitchen—last July.

May mga pagkakataon na mula sa magdamagang taping ng Eva Fonda ay didiretso na ang aktres sa kanyang eskuwelahan. Pero never nagreklamo ang aktres. Naging isang malaking hamon at inspirasyon daw ito para sa kanya upang mas lalong magpursige na makatapos ng kanyang pag-aaral.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para kay Sylvia, ang lahat ng kanyang hirap, pagod, at pagpupuyat ay nasulit at napalitan ng kaligayahan dahil isa na siya ngayong certified chef.

FOURTH MONTH, FOURTH BABY. Bukod sa pag-graduate niya, ang isa pang blessing na dumating sa buhay ng aktres ay ang kanyang pagdadalang-tao.

Apat na buwang buntis sa kasalukuyan si Sylvia, at ito ay bunga ng isang buwang pagbabakasyon nila ng kanyang asawang si Art Atayde, at ang kanilang mga anak na sina Juan Carlos, Maria Sophia at Maria Angela, sa Europe noong Abril ng taong kasalukuyan. Made in Paris ang kanilang anak na isisilang sa Disyembre.

Labis-labis ang pasasalamat ni Sylvia sa Diyos dahil sa magagandang bagay na dumating, at patuloy na dumarating, sa kanyang buhay, at ang kanyang tagumpay ay iniaalay daw niya sa kanyang pamilya at sa Panginoon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN