Kiko Rustia says he has no romantic feelings for Krissa Mae

IMAGE 0


"Krissa is a very beautiful and charming person. Kahit sinong lalake ay mai-in love sa kanya. Pero yung sa amin, friendship lang talaga. Wala kaming romantic thing na naramdaman with one another," says Kiko Rustia about Krissa Mae Arietta.


Sa grand launch ng Survivor Philippines: Palau last August 13 ay nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang isa sa original castaways sa season one ng Survivor Philippines at host ng Born To Be Wild na si Kiko Rustia.

Tinanong namin si Kiko tungkol sa pagkaka-link niya noon sa Gobingo Girl na si Krissa Mae Arietta. At tulad ng isinagot sa amin ni Krissa Mae sa hiwalay na panayam, magkaibigan lang din daw sila, ayon kay Kiko.

Ayon sa dating Survivor Philippines castaway, naging close friends daw sila ni Krissa Mae nang magkasama sila sa isang workshop sa GMA-7. Hindi raw siya nakaporma sa dalaga dahil alam niyang hanggang pagkakaibigan lang ang puwedeng mamagitan sa kanila.

"Krissa is a very beautiful and charming person," sabi ni Kiko. "Kahit sinong lalake ay mai-in love sa kanya. Pero yung sa amin, friendship lang talaga. Wala kaming romantic thing na naramdaman with one another.

"May gano'n naman talaga, di ba? Kahit na parang gusto mong ligawan ang babaeng ito, mapipigilan ka because mas okay kayo bilang friends. Sa akin, okey lang because walang nababago sa pagkakaibigan namin ni Krissa Mae."

KIKO'S GESTURE. Ayon naman kay Krissa Mae, hindi raw niya makakalimutan ang pagiging thoughtful ni Kiko nang bumisita ito sa ama niyang maysakit sa U.S. Hindi raw kasi nakaalis si Krissa Mae ng Pilipinas dahil naipit ito sa maraming trabaho. Nagkataon na nasa U.S. si Kiko at binisita nito ang pamilya roon ni Krissa Mae. (Click here to read related story.)

"I called up Krissa to tell her na nandoon ako sa neighborhood nila sa California," sabi ni Krissa Mae. "Baka may gusto siyang ipabili for his dad, ako na ang magdadala sa bahay nila. I know how sad she was kasi hindi siya makaalis ng Pilipinas to be with her dad that time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagpakilala ako sa family niya bilang kaibigan niya. It was nice to know Krissa's family at miss na miss na siya doon. I told them naman na Krissa is doing good sa kanyang career here. They don't have to worry kasi maraming nagmamahal sa kanya," kuwento ni Kiko.

Alam din ni Kiko ang balitang boyfriend na raw ni Krissa Mae ang R&B Prince na si Jay-R. Biniro nga namin si Kiko na baka mas type ni Krissa Mae ang kalbo kesa sa tulad niya na maraming buhok sa ulo.

"Baka nga gano'n!" tawa niya. "Baka naguluhan siya sa mga dreadlocks ko. Masyado raw busy ang mga buhok ko sa ulo!

"Pero seriously, bagay sila ni Jay-R. They both like to sing and dance. Kung totoo nga ang mga nababalitaan ko sa kanila, masaya ako para sa kanilang dalawa. Especially to Krissa because she deserves someone who will really love her and take care of her."

Naging part din pala si Kiko sa kumilatis sa libu-libong mga Pinoy na nag-audition para sa season two ng Survivor Philippines. Happy naman daw siya sa mga bagong castaways ng naturang reality show ng GMA-7 dahil mas mukha raw mga palaban at hindi patatalo ang mga ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN