Manny Pacquiao on leading lady Marian Rivera: "Inaamin ko na napakaganda niya, pero wala akong nakatagong pagnanasa."

IMAGE 0


Filipino boxing champ Manny Pacquiao and GMA-7's primetime queen Marian Rivera team up for the first time in the upcoming sitcom Show Me Da Manny.


Lumabas ang pagiging natural comedian ni boxing champ Manny Pacquiao sa press conference ng sitcom nila ni Marian Rivera sa GMA-7 na Show Me Da Manny, na ginanap sa Jimmy's Grill, Timog Ave., Q.C. kagabi, August 18. Masaya ang mood ni Manny, panay ang pagpapatawa, at biglaan din siyang nagpa-raffle sa mga entertainment press na dumalo.

Halatang enjoy si Manny sa comedy. Ibig bang sabihin, mas enjoy siya sa comedy kaysa paghu-host, kagaya ng ginagawa niya sa Pinoy Records?

"Okay, enjoy kami. Parang kumbaga sa ano, relax lang kami. Para lang kaming magkakapatid, kaya enjoy kami," sagot ng Pambansang Kamao.

Mahirap din ba ang mag-comedy? Ano ang challenge sa kanya nito?

"Hindi naman mahirap. Basta kung ano ang natural mo, ilabas mo lang."


LEADING LADY MARIAN. Sa kauna-unahang pagkakataon, magka-team sila ni Marian, na ayon kay Manny ay talagang napakaganda. Na-"knockout" naman ba siya ng bago niyang kapareha?

"Sa totoo lang, maganda si Marian," sabi ni Manny. "Inaamin ko na napakaganda ni Marian, pero wala akong nakatagong pagnanasa. Humahanga lang ako sa kagandahan or acting niya, pero higit doon ay wala na. Parang kapatid ko siya. Little sister na makulit."

Na-link na si Manny noon sa nga nakakaparehang artista, partikular na nga kay Ara Mina nang ginawa nila ang pelikulang Anak ng Kumander. Hindi naiwasang magkaroon ng intriga sa pagitan ng mga artistang ito at ng asawa ni Pacman na si Jinkee Pacquiao.

If ever, may dapat bang ika-insecure rin si Jinkee kay Marian?

"Wala naman, naiintindihan naman niya 'ko. Basta sa sitcom na ito, trabaho lang, walang personalan, trabaho lang," sabi ni Manny.

Hindi naman itinanggi ng boxing champ na sa kanilang mag-asawa, hindi talaga naiiwasan ang selosan. Mas madalas pa nga raw na si Manny ang nakakaramdam ng selos kesa kay Jinkee.

"Alam mo, natural lang naman na may nagseselos sa mag-asawa dahil ang ibig sabihin lang nito, mahal n'yo ang isa't isa. Ang selos naman, nanggaling sa pagmamahal," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ENTERING POLITICS. Bukod sa pag-aartista, hindi maikakaila na malapit talaga sa puso ni Manny ang pagpasok sa pulitika. In fact, hindi niya itinatangging maliban sa pagbu-boxing, politics ang gusto niyang pasukin.

"Alam mo, hindi naman lahat ng panahon palagi tayong boksingero," sabi niya. "Siyempre, iniisip din natin pagretiro natin, wala na akong gagawin. Ang iniisip ko, wala akong gagawin aside from mag-a-acting, mas mabuti pang mag-serbisyo ka sa mga tao, tumulong ka sa mga tao na naghihirap."

Anong pakiramdam niya na maging ang sarili niyang ina na si Mommy Dionisia ay very open na ayaw na niyang lumaban pa siya at gusto'y mag-retiro na siya?

"Mahirap magsabi ng patapos, siguro abangan n'yo na lang... Wala pa naman ang iba. Ito pa lang sa November 14 na fight [kay Miguel Cotto ng Puerto Rico]. Pero hindi pa natin alam kung mag-announce na ba ako ng retirement o hindi pa," aniya.

Between showbiz and politics, ano ang mas malapit sa puso niya?

"Sa akin, ang nasa puso ko talaga, e, tumulong sa mga tao," sagot ni Manny.

Magsisimula nang mapanood ang Show Me Da Manny sa August 23.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN