Oyo Sotto and Kristine Hermosa insist they are just "good friends"

IMAGE 0


"Right now, wala, we're just enjoying as parang best friend. Kumbaga, nandun pa rin kami sa stage na yun, e. Parang kahit ang tagal na naming magkakilala, ang dami pa rin naming nadi-discover sa isa't isa," says Oyo Sotto about Kristine Hermosa.


Hindi nakalampas sa paningin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng mga TV crew at iba pang press ang magkasabay na pagdating ng rumored couple na sina Oyo Sotto at Kristine Hermosa sa premiere night ng pelikulang pinagbibidahan ng tatay ni Oyo na si Vic Sotto, ang Love OnLine (LOL), last August 16 sa SM Megamall Cinema 10. Palabas na sa mga sinehan ang LOL simula ngayong araw, August 19.

Nang lumapit kami kina Oyo at Kristine para ma-interview sila ay tila naging mailap si Kristine. Kaya tanging si Oyo ang nakapanayam ng PEP at ilang TV crew para kumpirmahin ang mga bagay-bagay tungkol sa kanilang rumored relationship.

Bagama't hindi direktang inamin ni Oyo na sila na ni Kristine, sinabi naman nito na may unawaan na sila sa isa't isa.

"Yung tag name na parang boyfriend or girlfriend, hindi naman," sambit ng binata. "Masyado lang na we understand each other and alam namin na iisa yung way na gusto namin."

So, ano talaga ang status ng relationship nila ngayon?

"Right now, wala, we're just enjoying as parang best friend. Kumbaga, nandun pa rin kami sa stage na yun, e. Parang kahit ang tagal na naming magkakilala, ang dami pa rin naming nadi-discover sa isa't isa."

Sa isang interview kay Oyo sinabi nito na kung magkaka-girlfriend siya ngayon ang gusto niya ay diretsong kasal na. Posibleng si Kristine ba ang babaeng ito?

"Oo naman," mabilis niyang sagot.

Hindi na ba siya naghahanap ng ibang babae?

"Wala na, hindi na. Good na yun. Okay na."

Ganito rin ba ang pananaw ni Kristine?

"I hope, sana."


NOT JEALOUS WITH JERICHO. Hindi ba nagseselos si Oyo sa sweetness na nakikita ngayon sa pagitan ni Kristine at ng ex-boyfriend nitong si Jericho Rosales, lalo na't balik-tambalan ang dalawa sa bagong teleserye ng ABS-CBN na Dahil May Isang Ikaw?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman," sagot ni Oyo. "I'm happy for her nga, for the both of them, sa loveteam nila. Nakukuwento ko nga dati yun kay Tin [Kristine] na before, I used to watch their soap, e, yung Pangako Sa 'Yo. Sabi ko, natutuwa ako, at least nabalik yung loveteam nila."

Hindi kaya pagsimulan ng problema ito sa pagitan nila ni Kristine?

"Hindi naman. Walang problema doon."

KRISTINE SPEAKS UP. Maya-maya, pumayag na rin na magpa-interview kahit sandali si Kristine. Katulad ni Oyo, hindi rin kinumpirma ng aktres kung sila na nga, bagkus sinabi nito na mabuting magkaibigan lang daw sila ngayon.

"We're good friends right now," matipid na sabi ni Kristine.

Pero posible bang mauwi sa relasyon ang pagiging good friends nila ngayon?

"'Yan po ang hino-hope namin," sabi niya.

So, ano pa ng pumipigil sa kanila na gawing official na ang relationship nila?

"Siguro when it's time, it's time."

Kailan pa nila aaminin?

"Malalaman n'yo na lang," singit na sagot ni Oyo.

MIDNIGHT DJ. Samantala, naiwan naman sa pag-i-interview ang PEP para tanungin si Oyo tungkol sa mga pinagkakaabalahan niya ngayon. Tuwang-tuwa nga si Oyo kapag ang napag-uusapan ay ang TV show niyang Midnight DJ, lalo na ngayong isa ito sa top-rating shows ng TV5, na napapanood tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng No. 1 talent show na Talentadong Pinoy.

Ano ang feeling niya na consistent sa paghataw sa ratings ang Midnight DJ?

"Sobrang thankful, sobrang thank you kay God talaga. Sobrang overwhelmed, happy. Salamat sa mga nanonood ng Midnight DJ. Salamat sa suporta!" bulalas ni Oyo.

Ano ang ginagawa nilang improvement ngayon sa show para ma-maintain ang mataas nilang ratings?

"Siyempre, mas may gastos ngayon ng konti. Ganun talaga, e, pag napapansin na, mas ginagastusan. Tapos, mas pinag-iisipan yung istorya. And parang mas Pilipino yung mga characters namin," aniya.

Mas may pressure ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman. Pero minsan, medyo, parang may konti. Kasi, siyempre, gusto namin maging masaya yung mga tao. Pero okay, kaya naman."

Ibig bang sabihin mas tatagal pa ang show nila?

"Sana. Mukhang hahaba pa ito. Basta patuloy lang kaming magtatrabaho para mas mapaganda pa ang show. Sana patuloy din ang suporta ng mga tao," saad ni Oyo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN