Piolo Pascual told KC's dad Gabby Concepcion that he's courting her

IMAGE 0


"Whatever it is siguro, it's better to talk about it after the show. It's a cliché. People will say na it's for the promotion of the show. So, parang just to be safe and just to be fair din to both of us," says Piolo Pascual about the status of his relationship with Lovers In Paris leading lady KC Concepcion.


Nakikinig sa iisang i-Pod sina Piolo Pascual at KC Concepcion sa dressing room habang hinihintay ang production number nila sa third-quarter trade launch ng mga bagong programa ng ABS-CBN, kabilang na ang bago nilang teleserye na Lovers in Paris. Nasa labas naman ng dressing room ang ama ni KC na si Gabby Concepcion, kasama ang iba pang malalaking artista ng upcoming drama series na Dahil May Isang Ikaw.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Piolo kung nakausap ba niya si Gabby habang naghihintay ng kani-kanilang production numbers that night. Inamin na kasi ni Piolo ang panliligaw niya sa anak nitong si KC.

"Yeah, nag-usap naman kami," ngiti ni Piolo.

Kumusta naman ang pag-uusap nila ni Gabby?

"Very cool," sagot niya.

Saang level na ba sila ni KC?

"Friendship pa rin. Busy siya, e!" natatawang sagot ni Piolo.

Mas lumalalim na ba ngayon, lalo pa't almost every day ay magkasama sila ni KC sa taping at iba pang activities para sa Lovers in Paris?

Aniya, "It's inevitable talaga na magkakilanlan kami nang ganun, kasi nga, magkasama kami. So, it's a blessing and we just want to focus on the show because it's gonna come out really soon—next month."

Pumunta na ba siya sa bahay nina KC para manligaw?

"Secret na lang, puwede?" nakangiting pakiusap ni Piolo.

Nasabi na ba niya kay KC that he likes ker?

"No, I said... Whatever it is siguro, it's better to talk about it after the show. It's a cliché. People will say na it's for the promotion of the show. So, parang just to be safe and just to be fair din to both of us," aniya.

Ano ang masasabi niya na boto raw ang ina ni KC na si Sharon Cuneta sa kanya?

"Napa-flatter na ako, pero siyempre nakakahiya rin, di ba?" ani Piolo. "Dahil nga these are icons [Sharon and Gabby] in the film industry. So, you don't want to break their trust. At the same time, aalagaan mo, i-nurture mo 'yon, e. Mega-daughter siyempre."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KIMMY DORA. Hindi ba nagkaroon ng special participation si KC sa first mainstream movie na iprinodyus ni Piolo, Kimmy Dora, na launching film din ng comedienne na si Eugene Domingo?

"Masyado siyang malaking star to ano... Baka maagaw niya kay Uge ang eksena," paliwanag ni Piolo.

Totoo ba na ipo-produce niya ng pelikula si KC?

"Sabi ko, siya ang mag-produce. Ipagpro-produce niya ako!" biro ng actor-producer.

Dagdag niya, "Pero ang focus ko ngayon is sa Kimmy Dora, because it's really a big movie, very ambitious. So, we're really praying and hoping that people, you know, from all walks of life, will be able to appreciate what we've done because it's not only for us, but for the audience, for the Filipinos. You know, one way or the other, you want diversion, you want an option, you want an alternative. So what better way to do that, but to give them a good movie."

Comment ng mga nakapanood ng trailer ng Kimmy Dora, mukhang very entertaining talaga ang launching movie na ito ni Eugene.

"Yeah, yun naman ang intention namin talaga since hindi ko naman maikakaila na may crisis sa atin," sabi ni Piolo. "You want to make people laugh. You want to make them happy. You want to be able to tell them, 'Hey, it's okay to smile. It's okay to be happy even in just few hours'. Diversion ng people is to watch. So, you want to give their money's worth. You want to be able at least tell them na okey lang, okey lang ang buhay."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN