Cesar Montano to play national heroes Ninoy Aquino and Francisco Dagohoy in two biopics

IMAGE 0


"I might start with the movie Francisco Dagohoy, yung the longest revolt. Kailangan ipalabas na natin 'yan. Marami pa akong gustong gawin. I want to do Ninoy [Aquino] also because Marilou Diaz-Abaya and I, we have the script na gusto naming gawin yung version namin ng Ninoy,"says Cesar Montano.


Nanggaling na rin sa bibig mismo ni Cesar Montano na posibleng hanggang September this year na lang sa ere ang musical game show niya sa ABS-CBN na The Singing Bee.

"Simula noong umpisa mataas na ang ratings ng Singing Bee, maraming-maraming salamat po sa mga sumuporta sa Singing Bee. Siguro naka-apat na extensions na kami. Dapat kasi matagal na itong tapos. Pero ngayon siguro, hanggang September na lang yata muna kami. Apparently, yun ang sinabi ng management. Ititigil muna for a while. Maaring bumalik," pagsisiwalat ni Cesar nang ma-interview siya ng PEP (Phillipine Entertainment Portal) at ng iba pang press sa presscon ng Mega Sardines. Naganap ito kahapon, August 20, sa Bellissimo restaurant na pag-aari ni Cesar mismo.

Ayon kay Cesar, kung siya ang masusunod, gusto niyang isang sitcom naman ang susunod niyang project sa TV.

"Gusto ko na nga, e. Nami-miss ko na. Ma'm Charo [Santos-Concio], kailan daw ako gagawa ng sitcom sa inyo?" tila nananawagang sabi ni Cesar.

Dagdag niya, "Gustung-gusto ko nang gumawa ng sitcom. Isa lang ang isasagot sa akin niyan, siguro next year."

Sinong aktres naman ang gusto niyang makasama sa bagong sitcom na ito?

"Kahit sino. Well, Maricel [Soriano], puwede rin kaming magbalikan ni Maricel. Tuwing may nakakausap ako sa Amerika, 'O, ba't nawala na yung sitcom?' Tinatanong nila, 'Bakit nawala na yung sitcom n'yo ni Maricel? Lagi naming pinapanood yun?'"

Pagbubunyag pa ni Buboy (palayaw ni Cesar), may isang sitcom siyang gagawin kasama naman ang Comedy King na si Dolphy.

"Ako actually, kinausap ko nga si Ninong Dolphy. 'Ninong Dolphy, baka gusto n'yong gawin naman natin ang John En Marsha naman. Pero ikaw naman yung father-in-law ko. Tapos kami ni Maricel ang John en Marsha.' Siya yung father-in-law ko na kumukulit naman sa akin. It's another angle. Sabi ko, 'Pag-isipan n'yo nga kung okay sa inyo?' I talked to Kitchie Benedicto also because she owns John En Marsha," lahad ni Cesar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang John En Marsha ang long-running sitcom ni Dolphy, kasama ang yumaong aktres na si Nida Blanca noong late '70s hanggang early '80s. Si Maricel ang isa sa mga anak nila sa sitcom.

FAMILY MATTERS. Tinanong naman si Cesar kung kumusta na ang kanyang pamilya?

"Masayang-masaya po ako, masayang-masaya kami," sagot niya. "Ang pamilya ko po is the breath of my life. I cannot go on living without my family. Yun lang po ang paramount ng intentions ko, ang mapaligaya ang pamilya ko."

May plano pa ba sila ng asawa niyang si Sunshine Cruz na sundan ang kanilang tatlong mga anak?

"We have plans, of course," sagot niya. "Pero tinitignan po muna namin kung kakayanin pa namin. Hindi po biro ang magpalaki ng bata. Hindi lang basta pera ang kailangan mo para magpalaki ng bata. Kailangan mo rin ng lakas ng loob at saka talino. At higit sa lahat yung talino, kasi kung wala kang talino sa pagpapalaki ng bata, anak ka lang nang anak, lalaking wala ring talino yung mga anak mo.

"At hindi magandang walang talino na lumalaki ang mga kabataan sa Pilipinas. Magiging nuisance lang sa Pilipinas 'yan. Madadagdagan lang ang mga problema ng Pilipinas pag lumaki yang mga batang 'yan. So, sa bawat pamilya, sa bawat magulang, you need wisdom para magpalaki ng bata."

Si Sunshine ba pinapayagan pa niyang lumabas sa mga movies or TV shows?

"Pinapayagan. Actually, kinausap ko siya na lumabas dati. Lumalabas pa rin naman siya. Nagge-guesting pa naman siya, kumakanta pa rin sa TV. Kasi sa tatlong anak naming babae, it's really a tedious task for her. Kaya kung dadagdagan pa... ang hirap mag-alaga ng bata, ang hirap magpalaki. Ako, hinahatid ko yung mga anak ko sa school. Gumagawa pa rin ako ng mga assignments ng anak ko, tinutulungan ko sila. And, of course, you have to bring them every Sunday sa church," saad ni Buboy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CESAR AS NINOY. Bukod sa kanyang TV projects at sa posibleng pagtakbo sa eleksyon sa 2010, gusto ni Cesar na mas mag-concentrate sa paggawa ng pelikula sa huling quarter ng taon. At ang mga pelikula niyang napiling gawin ay tungkol sa buhay ng mga yumaong bayaning Pilipino na sina Francisco Dagohoy at Ninoy Aquino.

"I might start with the movie Francisco Dagohoy, yung the longest revolt. Kailangan ipalabas na natin 'yan. Marami pa akong gustong gawin. I want to do Ninoy [Aquino] also because Marilou Diaz-Abaya and I, we have the script na gusto naming gawin yung version namin ng Ninoy," pagbubunyag ni Cesar.

Ayon kay Cesar, matagal na siyang nagpasabi at sumangguni sa asawa ni Ninoy na si dating Pangulong Cory Aquino, noong nabubuhay pa ito, tungkol sa paggawa niya ng pelikula about Ninoy.

"Bago mawala si Tita Cory, our President, nag-sit down kami. Inikot niya ako doon sa Tarlac. Sa musuem, kami lang ang laman ng museum ni Sunshine, at saka of course yung sister ni Kris [Aquino]. For two hours, inikot niya kami doon. Yun nga ang plano namin sa dating presidenteng Cory Aquino noong nabubuhay pa siya. This happened in 2006, kung hindi po ako nagkakamali. Nandun po kami sa Tarlac. So, I did my research already. I talked to Direk Marilou Diaz-Abaya and naka-gear na kami na tapusin yung script."

Anong production company ang gagawa ng Ninoy movie?

"CM Films [film company ni Cesar] or probably Star Cinema. I-a-approach ko pa ang Star Cinema para makipag-usap ng co-prod [production]."

Iba pa ba ito pelikulang napag-uusapan din ngayon kung saan gaganap daw si Vilma Santos bilang Cory Aquino?

"Iba pa po yun. May narinig nga ako. I'm looking forward to seeing that film also. Mukhang maganda rin yun. Vilma Santos to play Cory, di ba?" ani Cesar.

Ano ang naka-inspire sa kanya na gawin ang Ninoy movie?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung katapangan ni Ninoy, pagiging firm niya sa stand niya. Kung paano niya pinahalagahan yung mga tao. Talagang pinatunayan niya na, 'The Filipinos are worth dying for.'"

Nanghihinayang ba siya na hindi na ito mapapanood ni Tita Cory?

"Kaya nga, e. Mapapanood pa rin naman niya siguro sa ibang dimension. And her children naman, nandito pa. Yung mga anak na lang."

Meron na ba siyang napipisil na gaganap bilang Cory Aquino sa gagawin niyang movie?

"Well, one is Maricel Soriano. She could be very, very effective to the story. Claudine Barretto is another one. Vilma Santos, of course, napakamahal na Cory niyan, but napakagaling na Cory. And of course, Kris Aquino, lalayo ka pa ba? Sino pa ba ang makakakilala kay Cory nang lubusan kundi si Kris Aquino lang. So, meron tayong apat—may Claudine Barretto, Maricel Soriano, Vilma Santos and Kris Aquino."

DAGOHOY MOVIE. Posible raw na next year na niya masimulan ang Ninoy movie dahil naka-set na siyang gawin muna ang pelikula tungkol naman sa bayaning si Francisco Dagohoy.

Paano ba nabuo sa isip niya na gawin ang Dagohoy movie?

"About Dagohoy, matagal nang buo yun e. It's an ongoing play. Pero na-stop lang. Ginawa na, may script na ginawa ni Marianito Luz, one of the historians. Another one is Jeff Tirol in Bohol, Boholano rin sila. Sila ang nakakaalam, nag-research sila about Francisco Dagohoy. Meron na silang play doon. Puwede kong i-adapt yun at i-embellish yung script nila para mag-cater sa film, i-screenplay natin.

"So, I'm gonna seek support and help from friends here sa Manila, katulad nina Pete Lacaba, Ambet Ocampo, ng mga historians natin. I want to sit down with them. Tapos mag-alay... before anything else, gusto kong mag-alay ng prayers doon, kay Francisco Dagohoy, sa mga souls na nakipaglaban, yung mga Pilipinong nakipaglaban at namatay para sa bayan natin at nakipaglaban sa mga Kastila. Doon sa Danao, sa bundok ng Danao, kung saan sila tumindig at hinawakan talaga nila yung kanilang kuta," lahad ni Cesar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang naka-attract sa kanya sa istorya ni Dagohoy at gusto niya itong gawing pelikula?

"Bayani natin sila, e, nakakalimutan na natin sila,," sagot ng aktor. "Siguro, 98 percent ng Pilipino, hindi siya kilala e. The question is, why? And another question is, bakit hindi natin siya gagawin at ipapakilala sa young generation. It's our responsibility, it's my responsibility as a filmmaker para sabihin sa kanila na may isang bayani na nabuhay dati ng ganito, nakipaglaban. Yun lang ang hindi napapasok ng mga Kastila, yung Bohol. Yung iba nga, tinawag yun na Republic of Bohol. Hindi mapasok ng Kastila 'yan for 87 years. Anong lugar yun? It's only in Bohol. Si Francisco Dagohoy lang ang gumawa nun at saka yung mga anak niya."

Ayon kay Cesar, ang sarili niyang produksyon na CM Films ang magpo-produce nito at gusto niyang siya rin ang magdirek bukod pa sa pagganap bilang si Francisco Dagohoy. Posibleng by first week of December or early next year na maipalabas ang Dagohoy movie.

Iba pa ba itong Dagohoy sa napabalita noon na Eskaya, na gusto niya ring gawin?

"Ang balak ko, pag-isahin, iisa na lang kasi e. Yung Eskaya kasi yun ang unang lugar na nadatnan ni Dagohoy simula noong magsimula silang mamundok, yung Escaya."

Plano niya bang gawin pang-international ang dating nito na puwedeng ilaban sa mga film festivals sa abroad?

"Oo, sana. Maganda yung Dagohoy, e. Nung ginawa ko yung research ko ang dami kong natisod na bagong ideas, so, sabi ko, aba okay itong Dagohoy. Dagohoy na lang. Nagpa-reserach ako, nagpatanong ako, nagpa-survey ako, Dagohoy raw ang mas pinakamagandang gawin," saad ni Cesar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN