Piolo Pascual hurt by comments that he is courting KC Concepcion only for the camera

IMAGE 0


"Kasi, mahirap kapag sinasabi nilang parang huwag manligaw sa camera. I'm being asked. Kaya nga sabi ko, kesa sa masaktan ako, kesa sabihin kong 'no comment', hindi na lang ako magsasalita kesa masabihan ako na para akong nanliligaw sa camera. So, ingat na lang. Kasi, ayoko namang masabihang suplado ako. I always say what is coming from my heart...," says Piolo Pascual about comments that he is courting leading lady KC Concepcion merely for show.


Kahapon, August 20, nagkaroon ng press conference para sa producers ng bagong film outfit na Spring Films sa Max's restaurant sa Roces Ave., Quezon City. Ang naturang production outfit ang nag-produce ng launching movie ni Eugene Domingo na Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme, na ipalalabas na sa mga sinehan sa September 2.

Dito nga ini-announce ng mga bumubuo sa Spring Films na sina Piolo Pascual, Joyce Bernal, at Erik Raymundo na ang Solar Films na ang magdi-distribute ng Kimmy Dora at hindi na ang Star Cinema.

Paliwanag ni Piolo, "Through the help of Tita Malou Santos of Star Cinema, sa kagandahang-loob din niya na huwag na kaming madamay sa conflict of Star Cinema and SM [Cinemas]. Hindi naman po kasi kami produced ng Star Cinema, it's Spring Films and we need more exposure. Siya na rin po ang may sabi na, 'Lumapit na lang kayo sa iba para maipalabas kayo sa SM.'"

Pero hindi naman ikinakaila ni Piolo ang mga nagawa na ng Star Cinema para sa Kimmy Dora.

"Sobra-sobrang dami na po," sabi ng actor-producer. "Nakikita n'yo naman po ang suporta nila sa promo namin, mga promo namin sa ABS-CBN. Nagpapasalamat po ako. Malaki ang utang na loob ko, galing sa grupo namin sa ABS. Kay Tita Cory [Vidanes] dahil kausap ko siya palagi. Malaki po ang pasasalamat ko. Gapang lang, which is, hindi nila ako binibigo kapag lumalapit ako. Mahirap lang kasing lumapit as myself at hindi bilang artista na nakikiusap din."

HOSTING WOWOWEE. Habang wala si Willie Revillame sa Wowowee, ilang Kapamilya actors na ang halinhinan na nag-pinch-hit kay Willie bilang host. Isa raw sa hinihintay rito ay si Piolo, pero hindi yata siya palaging natutuloy. Bakit?

"Dapat magho-host ako ng Tuesday, kaso may presscon dito for Max's for the new menu. Dapat ngayon, pero may presscon ulit for Spring Films. And then, M-W-F naman po, taping ako for Lovers in Paris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But since mula nang mag-leave si Kuya Willie, they've been asking for me to host, gusto ko po talaga. Yun nga lang, may conflict sa schedule. But you know, given the chance, of course, gusto ko. Ilang beses na rin akong nag-host ng Wowowee," saad ni Piolo.

MOVIE WITH SANTINO. May lumalabas na balitang baka gawan ng remake ang pelikulang Ang Nanay Kong Tatay (1978) ni Dolphy. Ang gaganap daw sa role ni Dolphy ay si Diether samantalang si Zaijian Jaranilla ng May Bukas Pa ang gaganap sa role noon ni NiƱo Muhlach.

"Nabasa ko... nabasa ko... si Diet, right?" banggit ni Piolo. "Gusto niyang tanungin si Tito Dolphy. But I think I'm going to do a movie first with Zaijian Jaranilla. Star Cinema rin, inaayos na po ang script. I think, mag-start na kami ni Zaijian anytime soon.

Sa pangyayaring yun, parang na-preempt ba yung wish ni Diether na i-remake ang pelikula ni Dolphy with Zaijian as his son?

"Hindi ko alam, hindi naman ako sinabihan ni Diet," sabi ni Piolo. "Pero if ever na may ganun, oo naman! Kaibigan ko naman si Diet. Nakakatuwa nga na sa kanya mismo nanggaling yun. Pero hindi pa nga lang kami nagkausap. But if ever it pushes through, oo naman, tutulungan ko si Diet dun."

ANGEL-LUIS RUMORED BREAKUP. Ang isa pang kaibigan ni Piolo at naging katambal niya na si Angel Locsin ay balitang nakipag-break na diumano sa boyfriend nitong si Luis Manzano. Ano ang masasabi ni Piolo sa balitang ito?

"Nabasa ko lang din, hindi ko alam," aniya. "Kung ganun man, it's sad...very sad kasi matagal na sila. Bago pa man lumipat si Angel sa ABS, sila na ni Manzano, so nakaka-sad because kaibigan ko sila pareho. Ewan ko... para sa ikabubuti ng dalawa. Pero kung hindi naman, may investment na rin kasi, di ba? So, I hope hindi pa tapos."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pa raw sila nagkakausap ni Angel kaya hindi pa raw niya ito nakukumusta.

"I saw Angel a couple of days ago," banggit ni Piolo. "After niyang manood ng concert ni Lady Gaga, she seems okay naman. Bago pa lang naman yata ang breakup nila. But just the same, sana maging okey sila ulit. Makikita ko naman si Manzano sa Sunday, sa ASAP, so, haharapin ko siya."

KC CONCEPCION. Pagdating naman sa leading lady niya sa upcoming ABS-CBN series na Lovers in Paris na si KC Concepcion, mas gusto Piolo na manahimik kesa magsalita na ikare-react lang ng ibang tao.

Paliwanag niya, "Okey naman kami ni KC. Ayoko na lang sigurong magsalita about KC. There are lot of things that people are taking out of context."

Like?

"Yung mga panliligaw, nakakasakit minsan kapag iba ang naririnig mo. Kapag iba ang lumalabas, iba ang nasusulat. Ang hirap lang kasing i-avoid, kasi may soap kami. But if you'll ask me personally, I don't wanna talk. What you see is what you get. Kung anuman yung makita ng mga tao, kasi meron din akong pinangangalagaan na respeto and tiwala na ibinigay sa akin ng mga magulang niya. So, ayoko namang magsalita," saad ni Piolo.

Pero sa ngayon, nasaan si KC sa puso niya?

"Nandoon pa rin, never naman siyang nawala. I see her every other day sa soap."

Bukod sa taping ng soap nila, nagkikita pa rin ba sila?

"Yun ang bagay na sasarilinin ko na lang," sagot niya. "Kasi, mahirap kapag sinasabi nilang parang huwag manligaw sa camera. I'm being asked. Kaya nga sabi ko, kesa sa masaktan ako, kesa sabihin kong no comment, hindi na lang ako magsasalita kesa masabihan ako na para akong nanliligaw sa camera. So, ingat na lang. Kasi, ayoko namang masabihang suplado ako. I always say what is coming from my heart. Yung mga ganoon, tahimik na lang ako kesa makasakit lang lalo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masasabi ba niyang masaya siya ngayon?

"Sanay naman akong ganito. Siguro, nagkaroon lang ng kulay ngayon kasi mas masaya ang nangyayari. But I've always been happy regardless kung nasaan ako, kung sino ang kasama ko at kung ano ang ginagawa ko. Masyado kong mahal ang trabaho ko. Masyado kong gustong mag-grow at matuto sa ginagawa ko. So when it comes, I'm sure it would be the perfect time."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN